BOUNG araw ay nasa mansion lamang si Kuya Andrew at ang mga kamahalan naman ay umalis para pumasok.
"Wayesha? Hindi ka ba papasok?" tanong sa akin ni Wind nang makasalubong ko ito.
"Hindi na po Mahal na Prinsepe walang mag-aalaga kay Kuya"
"Matanda na si Kuya, Wayesha. 'wag mo na siyang ituring na bata pero bahala ka" Irap sa akin ni earah nang mapadaan siya sa amin ni Wind.
"Sigurado ka ba diyan Wayesha?" pilit akong ngumiti at tumango
"Oo eh"
"Paano ang misyon natin?" Napalingon kami kay sean na nakasout na rin ng uniporme.
"pero kailangan ni Kuya nang mag-aalaga?"
"tama si Wayesha Kuya! Halika na nga" sabi ni Red at inakbayan si Sean.
"bitawan mo nga ako Shakia! Mabigat ang kamay mo"
"Whatever Fiero! Halika na" hila pa rin nito at bago pa sila tuluyang mawala ay narinig ko pa ang sinabi ni Red.
"kasalanan mo din yan Kuya Sean kaya halika na."
NAPABUNTONG-HININGA na lamang ako at pinagpatuloy ang pagluluto ng maggi.
"Ayesha?"
Napalingon ako kay Kuya Andrew at agad itong inalalayan na maupo. "kuya! Hindi ba't sabi ko ay 'wag ka na muna bumangon! Halika at maupo ka" Natigil ako at napakagat sa labi nang tumawa si kuya andrew.
"Ayos lang ako Ayesha! Ano ba iyang pinagkakaabalahan mo?" nakangiting tanong nito kaya napangiti na din ako.
"Ito ba? Noodles lang Kuya para mas gumaan pakiramdam mo"
Muli itong tumawa kaya hindi ko maiwasang uminit ang pisngi kaya hindi na lang ako lumingon dito."Wala naman akong sakit Aye"
"Pero Kuya! Masakit naman katawan mo sa bugbog" Tumawa lamang ito at hindi na umimik kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang pagluluto at nang matapos ay inabot ito kay Kuya.
Napansin kong medyo hirap si Kuya Andrew kaya naman lumapit na ako dito at ako na ang gumawa.
Nang matapos ay niligpit ko na din ito at inaya si kuya sa sala upang manood ng television.
"Kuya Andrew?" tawag ko dito nang mangibabaw ang katahimikan aa aming dalawa.
"Hmmm?" nakataas kilay na sabi nito na para bang sobrang busy niya.
"Kuya, bakit wala po akong maalala sa nakaraan ko?" Nakita kong natigilan ito at hindi nakaimik.
"nais ko lang sana malaman kung sino ang mga kalaro ko at----"
"Ayesha hindi ko alam kung bakit wala kang ala-ala pero naniniwala ka ba sa kasabihan na minsan ang isip ng tao ay nauutusan?" Hindi ako nagsalita at yumuko lang.
"marahil ay sobrang sakit sa iyo nang nangyari sa mga magulang natin kaya sinadya na nitong kalimutan na lamang iyon"
"maaari ba iyon kuya?" Tumango si kuya at nagulat ako ng hinawakan nito ang kamay ko nang ubod ng higpit.
"kung may pagdududa ka man sa akin Ayesha. Nais ko sanang alisin iyan sa iyong puso sapagkat nasasaktan ako." Umiwas ng tingin si kuya at binitawan na ako. "at isa pa, hindi ko magagawang saktan ka" Tumayo si kuya at umalis.
'mukhang napasobra ata ako'
Kinabukasan ay naglalakad na ako papasok sa school habang palinga-linga sa paligid baka sakaling mahanap ko si Kuya. Hindi na kasi siya nagpakita sa akin kahapon at napag-alaman kong umalis pala siya.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng