GUMAWA ng portal si headmistress nang sandaling makalabas kami sa pintuan
"nawa'y magtagumpay kayo sa inyong mission" sabi nito kaya yumuko kami at nagsimula na silang pumasok
"wayesha" napatingin ako pabalik kay headmistress ng tinawag ako nito
"mag-iingat ka sa iyong paglalakbay" tumango ako dito kaya tinuro nito ang lagusan kaya naman pumasok na ako doon at katulad dati ay sandamakmak ata ng asim sa katawan ko ay napunta sa bibig ko
Pagkalabas ko ay agad akong tumakbo sa puno na malapit
"pfft" rinig kong pigil tawa ng mga prinsesa
"bakit ba sumama ka pa dito wayesha?" tanong ni wella kaya yumuko at hindi na umimik
"tss" irap ni earah at naglakad na palayo dahil nagsisimula na pala si prinsepe sean na maglakad
"malayo pa tayo sa mismong bundok" biglang saad ni prince evan
"maging alerto kayo sa lahat ng bagay. Wala pa tayo sa mismong bundok kaya ligtas pa tayo" sabi nito muli kaya tumango kaming lahat
"we need to hurry, we don't have much time" sabi bigla ni sean at nagsimula na muling maglakad
Nakita ko si wind na agad tumabi kay redielyn na mukhang banas
"can you please give me a space!" sabi ni red habang ang kamay ay nakaharang sa mukha ni wind
"ayoko nga mamaya napahamak ka"
Walang nagawa si red at lumakad nalang
"earah" sabi ni fredo na naglakad
"wag mo kong kausapin prinsepe ng mga isda, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pagtataksil"
Dumiritso ito palapit kay wella na ngayon ay nakayuko
"wella? Himala ata at hindi ka lumapit kay kuya?" tanong bigla ni earah kaya napatigil ang lahat sa paglalakad
"w-wala" sabi nito pero lumapit si evan at hinila ito sa kamay
"halika na! Tumuloy na tayo"
Naglakad na kaming muli hanggang sa makarating kami sa paanan ng creation forest
"nararamdaman ko ang lakas ng barrier na ginamit ng gifted" seryosong sabi ni earah at tumingin sa akin
"makakapasok ka kaya wayesha? Kung katulad ka lang ng kaibigan mong lampa"
"EARAH!" sabay na sambit ni evan at fredo bago sabay na umiwas ng tingin
"sa loob ng gubat na ito ay marami tayong mga makakasalamuhang nilalang na bago pa lamang sa paningin mo wayesha kaya sana ay sumunod ka sa sasabihin namin" tumango ako kaya napabuntong hininga sila
Nang makapasok kami ay naramdaman ko nga ang parang harang.
Napatingin ako sa paligid at agad na namangha. Maraming mga bulaklak ang nasa paligid at mukha kang nasa garden
"ang ganda!" sabi ni fredo na katulad ko ay namamangha din
"wag kang papalinlang sa nakikita ng iyong mata fredo" biglang sambit ni redielyn kaya natahimik si fredo
"tumuloy na tayo"
Habang naglalakad kami ay puro halaman lamang ang aking nakikita at walang puno. Wala ring hayop sa paligid na nakakapagtaka. Hindi ba't dapat ay may hayop? Hindi masasabing gubat ang isang lugar na walang hayop.
"nakita ko na ang bahay!" excited na sabi ni fredo at agad na tumakbo
"SANDALI! MAAARI IYANG BITAG!" sigaw ni wind pero huli na dahil nakatakbo na si fredo
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng