HULING KABANATA

355 7 1
                                    

Shakira Redielyn P.O.V

NAPAATRAS ako at nangilid ang luha nang mapatingin sa akin si ayesha.

"R-red?" nangingilid ang luhang ani nito.

"HINDI! HINDI AKO PAPAYAG NA KUNIN NINYO ANG ANAK KO!" agad akong tumakbo palayo at nagulat ako nang may humawak sa kamay ko at tumakbong kasama ako.

"tandaan mo red na kasama mo ako sa lahat nang bagay." Napangiti ako at napaluha sa kaisipang nandiyan palagi si wind na kasama ako.

Nang makarating kami malapit sa gubat ay nagulat ako nang biglang humarang sa amin sina Fredo, Evan at Kuya.

"Wind! Alam mo ang utos nang Reyna! Para sa boung Arcadia! Hari ka nang Wiland! Dapat ngayon pa lamang ay sundin mo ang utos nang Bagong Reyna!" sambit ni Evan pero hinigpitan lamang ni Wind ang paghawak sa aking kamay.

"Hindi! Magkamatayan na muna tayo! Mahalaga pa rin ang dugo kesa sa batas"

"kung ganoon mapipilitan kami" sabi ni Kuya at inilabas ang birtud nang apoy kaya humarang ako.

"Kuya! Parang awa mo na! Wag mong patayin si Wind para sa Anak ko! kuya!"

"lumayo ka sa kaniya Red! Taksil siya"

"taksil din ako!" Hindi umimik si Kuya at nagulat ako nang nagkaroon nang Wind shield sa harap namin na gawa pala ni wind.

"Red mahal! Umalis na kayo iligtas mo ang anak natin"

"Wind! Hindi. Sasama ka sa amin!"

"susunod ako pangako" Napaluha nalang ako at napatingin kay kuya Sean.

"parang awa mo na Kuya" sambit ko sa hangin at tumakbo na palayo.

SEAN P.O.V

"PARANG AWA MO NA KUYA"
Napayuko ako at hindi umimik sa kahiligan ni Red. Mahal ko ang kapatid ko at batid kong hindi niya nanaisin na mawalan nang Anak subalit ang utos nang Reyna ang dapat na masunod.

Nang makalayo si Red ay tinira na nang tinira nila Evan at Fredo ang wind shield ni wind. Hindi nila kaya ang kapangyarihan ni wind dahil maliban sa may birtud ito ay binigyan siya nang dagdag na kapangyarihan nang Reyna.

Nakita ko si Red na papalapit kay wind kaya gumawa na ako nang apoy palibot sa pwesto ni wind

Napatingin sa akin si red at nagmamakaawa pero ayaw kong mawalan nang kapatid.

Nagulat ako nang mas lumakas ang hangin sa apoy na ginawa ko at humarang ito sa pwesto ni red kaya hindi na nakalapit pa ito

Hindi ako tumutulong sa dalawang bagong hari na pinagtutulungan si wind na ngayon ay wala man lang kahirap hirap. Batid kong hindi nila papaslangin si wind bagkus ay papasukuin lamang nila ito.

Gumawa nang mga wind sphere si wind patungo kay evan na agad naman nitong naisalag. Nagulat kami nang biglang lumipad si wind gamit ang broom stick nito at pinagbabato kami nang mga wind balls na batid kong makakapanghina sa amin kaya umiiwas kami.

'may mabuting kalooban pa din si wind kaya hindi niya kami magawang alisang nang hininga'

Lumundag pababa si wind malapit kay Evan at hinampas ito nang wand at nakailag pero mas nangulat kami nang dumaing si wind at napaubo nang dugo.

Nanlaki ang mata namin nang makita si wella na hawak ang kutsilyo na nakatusok sa dibdib ni Wind.

"w-wella"

Biglang nawalan nang malay si Wella na kaagad namang sinalo ni Evan at inilayo kay Wind.

Napatingin kami kay Samantha na tumatawa.

"mga walang kwenta! Mga talunan"

"walang hiya ka!" agad na tumakbo si Samantha na agad namang hinabol nila earah at fredo kasama si evan.

"WIND!!!!" napatingin ako kay Red na humahangos papunta kay Wind.

"Mahal" nakita kong ngumiti si Wind kahit bakas sa mukha nito ang hirap.

"s-sa wakas, n-natawag m-mo na d-din akong m-mahal"

"wind kumapit ka wag mo kaming iiwan"

"R-red, kahit n-na mawala ako. B-buhayin mo ang anak natin"

"shhh!! Ano ka ba, k-kung m-magsalita ka p-para mo kaming iiwan ah"

"Red" hinawakan ni Wind ang pisngi ni Wind.

"a-ako, s-si haring wind. Nang wiland. I-pinapamana ko sayo aking anak ang birtud nang hangin"

Lumabas ang birtud nang hangin at nilagay ito ni wind sa sinapupunan ni red

Ilang sandali lang ay unti-unti nang nawala ang katawan ni wind.

"w-wind" iyak ni red kaya hinayaan ko lamang ito.

"ano pang hinihintay mo kuya! Paslangin mo na din ako" iyak ni Red sa harapan ko subalit hinawakan ko ito sa balikat.

"red, umalis ka na. Magpakalayo ka! Sundin mo ang habilin sa iyo ni Wind. Mamuhay kayo nang matiwasay"

"kuya"

"kung talagang mahal mo siya. Lalayo ka" umiyak nalang si Red at tumango bago tumakbo paalis.

'mamuhay ka nang payapa Red'

"Mahal na hari" Napatingin ako sa bote na bitbit ni evan.

"nasa loob na nito si Samantha" Tumango ako at umalis na. Sa buhay may mga tao talagang mawawala pero kahit na ganoon ay mayroon ding papalit.

The end....

SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon