WELLA P.O.VNAPABUNTONG HININGA ang reyna bago muling ngumiti sa lahat.
"katulad nang inyong nadinig. Si allan ang pumatay sa aking butihing asawa" Napasinghap ang lahat at napatingin kay Red at Sean na walang imik lamang.
"kung ganoon! Isa ngang taksil ang mga magulang nina prinsepe Sean at prinsesa Shakia!" sigaw nang isang studyante na kinaayunan nang lahat at pinagmulan nang matinding komusyon sa lahat.
"marapat lamang na tanggalan sila nang korona!"
"isunod sa kaniyang ama!"
"parusahan!"
"ikulong!" Ilan lamang iyan sa mga sigawan nang mag-aaral dito sa arcadia pero inangat lamang nang reyna ang kamay kaya natahimik ang lahat.
"SI PRINSESA SHAKIA AY HINDI ANAK NI ALLAN AT BATID KONG BATID NA NINYONG LAHAT IYAN SAMANTALANG SI PRINSEPE SEAN AY SIYANG TUMULONG UPANG MASUGPO ANG KANIYANG AMA! KAYA MARAPAT LAMANG SIGURO NA PARANGALAN SIYA AT HINDI PARUSAHAN HINDI BA?"
"masakit sa isang anak ang ipahamak ang isang magulang pero dahil si sewan ay may paninindigan, gumawa siya nang paraan upang masugpo ang kasamaan" Hindi nakaimik ang lahat at tumango na lamang. Tumingin ang reyna kay Allyca na ngayon ay tila hindi mapakali.
"tila hindi ka makapali Prinsesa?" Natauhan si Allyca at tumigil sa kakalakad at kakalingon sa paligid.
"Opo ina! Marahil ay nagagalak lamang akong makoronahan bilang isang Prinsesa!"
"kung ganoon ay ito na ang takdang oras" Ngumiti ang lahat at inabangan ang pagbabagong anyo nang prinsesa kaya maging ako ay nasabik.
Pinikit nang prinsesa ang kaniyang mga mata subalit wala namang nangyari kaya naman nagtaka na ang ilan at umusbong na naman ang mga bulungan.
"bakit walang nangyari?"
"tila ata hindi pa ngayon ang takdang oras"
"subalit ito na nga ang isinabi nang Propesiya"
"marahil nagkamali ang propesiya--"
"hindi nagkakamali ang propesiya" Natigil ang bulungan nang biglang may nagsalita sa entablado.
"ang propesiya" Sabay sabay nang sambit namin.
Nakasout ito nang puti na hanggang lupa at may tungkod din itong umiilaw
"Naganap na ang propesiya! Nasugpo na ang mga itim na bampira" Nagtaka ang lahat maging ang reyna na ngayon ay nangingilid ang luha.
"s-subalit? H-hindi pa nakakaharap ni A-llyca ang mga bampira"
"nagkamali ka mahal na reyna. Naganap na ang bagay na iyon"
"kung gayon!?--"
Hindi na natuloy nang reyna ang sasabihin nang tingnan nang matanda si Allyca na ngayon ay bumubuhos na ang luha.
"sino naman itong babaeng bumubuhos ang luha?"
"si Allyca po ang prinsesang itinakda" sambit nang Reyna na ikinailing nang propesiya.
"ang batang ito ang batang may hawak nang copying magic. Ang batang ito ay si caryl na anak nang isang tao at isang arcadion"
"k-kung ganon? S-sino ang anak ko" Sa nasambit ng reyna ay bigla na lamang itong napaupo at umiyak.
"n-napahamak k-ko ang sarili kong anak" Nang nasambit ito nang reyna ay umiyak na ang lahat maging ako mabuti na lamang at nandirito si Evan sa aking tabi.
"i-ina" iyak ni Allyca pero hindi umimik ang reyna. Nakita kong umakyat sina Earah at Fredo at may isinambit lang sila kay Allyca bago bumaba at nagpaalam.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng