NANG sumikat na ang araw ay umuwi na kami ni sean sa bahay at doon nakita ko na ang lahat.
"Nasaan na ang kamahalan?" Tanong ni Wella nang ilang oras na kaming nag-aantay sa sala.
"Marahil ay patungo na dito," sabi ni Evan na katabi ni wella sa upuan.
Bumuntong-hininga ang lahat at naghintay na lamang at ilang sandali lang ay dumating na din ito at kasama niya si Kuya Andrew. Napayukom ako ng kamao ko at agad na kinalma ang sarili. Umupo ito sa harap namin at tinaasan ako ng kilay.
"Sasama nga pala si Andrew sa Academya at nais ko lamang magpaliwanag dahil malayo pa lang ako ay amoy ko na ang sangsang ng panibugho ng isang nilalang."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Earah.
"Allyca" rinig kong saway ni Kuya dito nang akmang sasagot ito sa tanong ni Earah.
"Nais ko lamang sabihin na, ang tunay na dahilan kaya ako sasama sa academya ay kinausap ako ni Andrew. Itinuro niya sa akin ang mga dapat kong gawin pagtungtong ko sa academya kaya kung MAY paninibugho kayo 'wag sakin." Hindi kami umimik maging silang dalawa ni Andrew mabuti na lamang at tumayo si Kuya Sean.
"Ang mabuti pa ay gagawa na ako ng portal, Redielyn??"
Tumango si Redielyn at tumabi sa Kuya niya bago gumawa nang napakalakas na puwersa at bumou ng isang bolang salamin na parang Oblong.
"P-pumasok na tayo" rinig kong ani ni Red.
"Redielyn ayos ka lang?" saad ni Wind at agad lumapit dito. Tumango lang si Red kaya pumasok na ang lahat. Liban sa akin at kay Kuya Andrew at Sean.
"Mauna ka na Wayesha." seryosong ani ni Sean kaya tumango ako at pumasok na.
Masigabong palakpakan ang bumungad sa akin at doon kitang kita ko ang mga estudyanteng labis ang ligaya.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Kuya Andrew at si Sean naman ay naglakad pasunod sa mga kasama nitong Maharlika.
Biglang bumukas ang pintuan ng hall at pumasok si Headmistress na ubod ng laki ang ngiti.
"Binabati ko nang lubos ang inyong pagbabalik mga kamahalan nagtagumpay ba kayo sa inyong misyon?" Tumango si Sean at natahimik ang boung arena.
"Dalawang misyon ang aming napagtagumpayan. Nakita na namin ang may hawak ng copying magic at ang prinsesang itinakda ng propesiya."
Muling nanumbalik ang ingay ng nga estudyante at samo't saring opinyon din ang aking nadinig. Napatingin ako kay headmistress na tila naestatwa.
"A...Ano?"
"Nais kong ipakilala ang may hawak ng copying magic. Isang esyudyanteng nagmula sa Wiland. Wayesha!" pagkabanggit noon ni Sean ay natahimik ang hall at nagbulong-bulongan na lamang ang aking naririnig.
"Siya pala may hawak ng copying magic?"
"Bakit niya itinago?"
"Anong sekreto pa meron siya?"
"Napakamesteryoso niya?"
"Siya na ba talaga yun?"
"Kaya niya palang humawak ng mga kapangyarihan katulad ng Prinsesa"
Muling bumalik ang aking tingin sa itaas at sinenyasan ako ni Wella na umakyat kaya sumunod ako at tumabi kila Gladyz, Cha, at sa kambal.
"Paano niyo nasisigurong siya nga ang may hawak ng copying magic kamahalan?"
Biglaang tanong ng isa sa tagapangalaga ng lagusan patungo sa Wolland.
"Sapagkat may kakayanan din siyang humawak ng mga birtud." sabat ni Red na agad umikot ang mata.
BINABASA MO ANG
SHE'S THE LONG LOST VAMPIRE PRINCESS
FantasySi Ayesha. Kinagisnan ang mundong may mababait na magulang at may malasakit na kapatid pero nawala ang lahat ng iyon ng