Nanunuod ako ngayon sa tv habang tumitingin sa mga bulaklak na pwede kong idagdag sa shop. Gusto ko kasing dagdagan ng mga supply ang shop para makadami ako ng benta.
Nang hindi ako makapili ng magagandang bulaklak ay sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ang aking mata.
Mahirap magtaguyod ng shop lalo na kung mag-isa ka lang. Ayaw ko naman kasing kumuha ng mga tauhan kasi dagdag gastos yun. Buti na lang sa pinagkukuhanan ko ng supply ay pwedeng ideliver dito sa shop ko kaya hindi ako nahihirapan sa pagkuha ng supply.
"Kapapasok pa lang pong balita. Nakalapag na kahapon sa NASA ang spaceship na sinasakyan ng tatlong Astronaut." napamulat ako nang marinig ko ang balita sa tv. "Kasama sa tatlong ito ang isa nating kababayan na si Acrux Vachernar Salvador."
Pinakita sa tv ang larawan ng sinasabing kababayan natin.
I can see in the picture that the man have a muscular figure. He have a long curly hair that reach above his shoulder. His ocean blue eyes, pointed nose, and red lips suit on him.
He looks like a hollywood actor rather than an astronaut.
Mabilis kong inabot ang remote at pinatay ang tv. Ayaw ko nang marinig pa ang tungkol sa kanya.
Nakabalik na pala siya dito sa mundo. Ayaw ko man siyang isipin ay hindi ko rin siya maalis sa aking isipan.
Alas-7 na ng gabi nang isara ko ang shop. Balak kong maglakad ngayon para makatipid ako sa pamasahe.
Nakailang hakbang pa lang ako nang biglang may humarang sa harapan ko. Muntik na tuloy akong matumba dahil sa gulat.
"Zei." tawag nito sakin.
Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin kahit na kilala ko na kung sino.
Nakita ko si Beathrix sa harapan ko. Napansin kong iyon pa rin ang suot niya noong pumunta siya sa shop kaninang umaga. She is wearing a blue off-shoulder knee-length dress and white high heels.
"Hindi mo ba ako titigilan, Beathrix?" tanong ko sa kanya.
Hindi man lang ba ito nagsasawa kakasunod at kakapilit na kausapin ako. Bigla-bigla na lang kasing susulpot kung nasaan man ako.
"Kausapin mo naman kasi ako."
pakiusap nito. "Titigil lang ako kung papakinggan mo na ako.""Ayaw kitang makausap,okay? At mas lalong ayaw kong makinig sa mga paliwanag mo. Sapat na sa akin ang hindi na kayo makita kahit kailan." aniya ko at nagsimula nang maglakad paalis. Napatigil lang ako nung maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso oara pigilang umalis.
"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa namin pero totoo na mahal ka ni Kuya. Kung ano man ang naging desisyon namin noon, hindi namin yun sinasadya." mahabang paliwanag niya habang hawak pa rin ang braso ko.
Mabilis kong inalis ang pagkakahaeak niya sa akin at hinarap siya. Napatawa pa ako dahil sa sinabi niya.
"Mahal ako nang Kuya mo? Tang*na!, ang sakit naman niyang magmahal kung ganun!" bulyaw ko.
Hindi ko na talaga mapigilang hindi sumigaw sa mga sinasabi niya. Ganun na pala ang definition ng mahal ngayon.
"Alam niyo kung ano ang kaisa-isa kong hiling pero sinira niyo yun. Kunwari pa kayong sinusuportahan ako pero patago niyo akong nilalaglag." sumbat ko sa kanya.
"I'm sorry if we fool and hurt you. We just want our mother to be happy."
"So hurting me makes your mother happy?" I asked in sarcastic tone.
"Hindi sa ganun yun, Zei." sabi niya at umiling-iling pa.
Pinakalma ko muna ang sarili ko at pinunasan ang tumutulong luha sa mata ko.
"Bakit ka pa ba nagpapaliwanag sa akin, ha?" tanong ko. "Yung Kuya mo nga wala nang pakialam sa akin tapos ikaw ginugulo pa rin ako hanggang ngayon."
Simula kasi nung huling usap namin noong nalaman ko yung totoo, ni isang beses ay hindi na siya nagpakita sa akin. Akala ko ay bigla na lang siyang lilitaw para lang magpaliwanag pero hindi yun nangyari.
Nalaman ko na lang noon sa ibang tao na umalis pala siya ng bansa.
"He care for you, Zei. He doesn't really show up to you because he know that you hate him." she explained.
"No, I don't just hate him. I hate both of you. I loathe him. I loathe you." I said in angry tone.
Napaiyak siya sa sinabi ko. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na magagawa nila sa akin iyon. Sobrang sakit dahil pinagkatiwalaan ko sila pero sinira nila tiwala ko.
"Patawarin mo kami, Zei." umiiyak pa rin niyang sabi.
"Hindi ko alam kung kaya ko pa kayong mapatawad." yun lang at mabilis akong naglakad paalis.
Di ko alam kung paano ako nakauwi sa amin. Ayaw ko nang alalahanin pa ang mga nangayri noon.
Magfo-focus na lang ako sa sarili ko at sa pamilya ko. Sila lang sapat na kahit ganun ang trato nila sa akin.
Dahil sa dami nang nangyari sa akin ngayong araw ay mabilis agad akong nakatulog.
Maaga akong nagising ngayon para magluto ng almusal namin.
Alam ko naman kasing late na silang magigising dahil Sabado ngayon.
Nagluto lang ako ng fried rice, sunny side-up egg at hotdog. Ito na lang kasi ang nakikita kong pwedeng iluto.
Umiinom ako ng kape nang pumasok sa kusina si Mama.
"Morning, Ma." bati ko sa kanya.
"Tss." aniya at umupo sa upuan niya bago nagsimulang kumain.
Okay. Ang ganda ng bati niya sa akin. Na appreciate ko ng sobra.
"Ma, di po pala ako makaka-uwi mamaya dito sa bahay. Nagyaya kasi si Thalia kaya dun na lang muna ako sa kanila matutulog." paalam ko sa kanya.
Hindi ko na sa kanya sinabi na sa club kami pupunta kasi alam ko na naman kung ano sasabihin niya.
"Mas okay nga kung di ka na umuwi dito kahit kailan." asik niya.
Gusto niya akong paalisin dito pero pag kailangan nang pera grabe kung makahingi sa akin. Hayyy buhay nga naman.
"Okay po. Sabi niyo eh." sagot ko na lang at tumayo na para hugasan ang pinagkainan ko.
Naglalagay ako ng ilang pirasong damit sa di kalakihang bag kasi nga ayaw akong pauwiin dito kaya dun muna ako kayla Thalia makikitulog.
Hahanapin din naman nila ako pag wala na silang pera kaya hindi ko na dinala lahat ng damit ko. Ganyan kasi nila ako kamahal.
Nang makapag bihis na ako ay lumabas na ako sa kwarto bitbit ang bag na may mga damit ko.
Nakasalubong ko pa si Papa na papuntang kusina.
"Saan ka pupunta? Bat may dala kang malaking bag?" tanong niya nang lagpasan ko lang siya.
Himala pinansin niya ako ngayon. Kailangan ko na ata talagang maglayas para magkaroon naman sila ng konting pakialam sa akin.
"Maglalayas na po ako." biro ko sa tunong seryoso.
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi niya at lumabas na ng aming munting bahay.
_________________
BINABASA MO ANG
Only Star Can See (Inspired Series 1)
RomanceInspired Series 1 When a young heart wants their dreams to be granted, they will throw a coin in a wishing well. But Zeiphorah Nyx Mendez is different, her young heart doesn't believe the magic of a wishing well. She believe in the power of a fallen...