Chapter Thirteen

0 0 0
                                    

Kompleto kaming lahat na nakaupo ngayon sa harap ng hapag-kainan habang kumakain ng almusal. Tahimik lang akong kumakain at hindi pinagtutuonan ng pansin ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman nila ako sinasali na para bang wala ako sa harap nila.

At dahil maganda ang gising ko ngayong araw ay hindi ko din sila pagtutuonan ng pansin. Kung hindi lang talaga ako nagugutom ngayon ay hindi talaga ako magtitiis sa harapan nila.

Masaya silang nag-uusap ng makarinig ako ng busina ng isang kotse. Napatigil kami dahil parang sa harap ng bahay namim nagmula ang busina.

"May bisita ba tayo ngayon, Ma?" narinig kong tanong ni Zabrina kay Mama na kumibit-balikat lang bilang sagot.

Mabilis na tumayo si Mama para tingnan ang kung sino ang nasa labas. Sumunod din agad sa kanya si Zabrina na para bang excited sa kung sino mang bisita namin.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at agad din itong tinapos. Nagtoothbrush muna ako bago lumabas ng kwarto ko.

Hindi ako ngayon magbubukas ng shop dahil Linggo ngayon. Balak ko sanang magsimba mamayang hapon kaya magpapahinga muna ako ngayong umaga.

Malapit na ako sa sala ng marinig kong may kausap sila Mama, yung bisita siguro.

"Ano ka naman ni Zeiphorah?" rinig kong tanong ni Mama.

Napakunot-noo ako dahil nabanggit niya ang pangalan ko. Bakit naman nila ako pinag-uusapan nang kung sino man ang kausap nito.

"I'm her suitor." sagot ng pamilyar na boses.

Napatigil ako sa narinig ko at mabilis na pumunta sa sala para makita si Mama at Zabrina na nakaupo sa sofa. Agad kong hinanap ang may-ari ng boses na narinig ko kanina at nakita ko si Acrux na nakaupo sa pang-isahang sofa.

"Good Morning Zeipy baby." he greet when he saw me. He stared at me while walking towards my direction. He stop in front of me and kiss my cheeks.

Namula ako ng marinig kong napasinghap sila Mama at Zabrina. Ang kaninang kalmado kong puso ay bumibilis na naman ang tibok na siya lang ang nakakagawa nito.

"G-good Morning din." nauutal kong bati sa kanya dahil hindi ako komportable na nasa harapan kami nila Mama. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya.

Napatingin ako kay Mama ng tumikhim ito para kunin ang atensyon ko.

"Hindi mo ba kami ipapakilala sa manliligaw mo, Zeiphorah?" tanong ni Mama pero nahihimigan ko ang sarkastiko dito.

Hindi kilala ng pamilya ko si Acrux kahit na noong magkasintahan pa kami. Alam ko kasing tututol sila kaya nilihim ko iyon. Para maging masaya ako sa piling ni Acrux ay pinili kong ilihim siya sa pamilya ko.

Kilala ni Acrux sila Mama dahil gusto kong maging open sa kanya. Bukod pa doon ay sa kanya ako naglalabas ng hinanakit tungkol sa pamilya ko.

Tumingin muna ako kay Acrux na nakatingin din pala sa akin.

"Ahmm. Si Acrux po pala..." pakilala ko kila Mama. "..manliligaw ko po." mahina kong dugtong.

Napasulyap ako sa tabi ko nang marinig ko siyang tumawa ng mahina. Tiningnan ko siya ng masama dahil alam kong ako ang pinagtatawanan niya.

Sumeryoso naman agad siya ng makita ang masama kong tingin.

"Acrux Vachernar Salvador po, Ma'am." nakangiti nitong pakilala.

"Oh My God! Kaya pala pamilyar ka sa akin. Ikaw iyong gwapo at hot na astronaut sa NASA! Sh*t! Maiingit ang mga kaibigan ko kapag nalaman nilang na face-to-face ko ang crush nila." gulat na tili ni Zabrina at nakaturo pa kay Acrux ang daliri. Kinikilig itong nakatingin sa kanya.

Napanguso ako sa sinabi niya. Alam ko namang gwapo at hot siya pero di ko alam na sikat pala siya sa mga kababaihan.
Nakaramdam tuloy ako ng selos dahil marami pala ang nagkakagusto sa kanya.

Napakislot ako ng hinapit ni Acrux ang beywang ko palapit sa kanya. I can feel his chest at my back. I smell his strong scent, my favourite scent of all.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba ay may trabaho ka kapag umaga." takang tanong ko sa kanya.

Pinagsawalang bahala ko na lang ang nararamdaman ko. Di naman niya kasalanan na maraming babae ang nahuhumaling sa kanya.

Nagtataka lang ako dahil alam kong maaga ang pasok niya sa trabaho. Aside from being an astronaut, he also manage their family business.

"Well, I'm here to fetch you so that we can have a date today." he said sweetly. "Can I borrow your daughter today? Promise, ibabalik ko siya ng ligtas at maayos." he assure to my mother.

Mahinang tumango si Mama sa sinabi ni Acrux kahit bakas ang tutol sa mukha nito na halatang ayaw ipakita sa huli. Kahit si Zabrina ay ganun din ang reaksiyon.

Alam kong ayaw nilang pumayag pero di sila makatanggi kay Acrux.

"So, change your clothes, Zeipy baby. I will wait you here." he said to me.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko ulit para magpalit ng damit.

Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinatanaw ang mga gusaling nadadaanan namin.

Wala akong ideya kung saan kami pupunta. Ito ang unang beses mula noong magkaayos kami na magyaya siya sa akin.

Busy kasi ako sa shop at ganun din siya sa business nila. Pero kahit ganoon ay araw-araw pa rin siyang pumupunta sa shop kapag bukas ito.

"Saan tayo pupunta, Acrux?" di nakatiis na tanong ko.

Tumingin ako sa kanya na diretso lang ang tingin sa daan pero kita ko ang ngiti sa labi nito.

"Surprise, Zeipy baby." he answered still focusing on driving.

I pouted my lips when I heard again his endearment on me.

"Can you stop calling me with that name!" I bursted out.

He just chuckled on my sudden burst out.

"Why would I? It suite on you because you are my baby and I love calling you with that." I feel my cheeks turn to red when he said that.

I looked away on him when my heart is beating abnormally and I can feel a butterfly on my stomach.

"It's sound cheesy on you. At masyadong mahaba iyon. Okay na ang 'Zeipy', wag mo nang dagdagan pa." nakanguso kong saad.

Hindi naman sa ayaw ko ng tawag niya sa akin. Sadyang ako ang nahihiya kapag tinatawag niya ako sa ganun.

At isa pa palagi akong kinikilig kapag binabanggit niya iyon. Iba kasi ang pagkakabigkas niya na oara bang sinasadya niyang kaakit-akit na pakinggan.

"Okay, you won but I'm not calling in your nickname instead I will call you 'baby'." he said while smirking. He look at me smiling from ear to ear and go back to the road again.

I know that smirk of him. He just teasing me but in my heart I want that name to be called on me.

"Fine, baby." I said on him teasingly.

I laughed at him when I saw his smile faded and starting to blush. His face and ears turns to red.

"Stop teasing me if you don't want me to kiss you." banta nito.

Tumahimik na lang ako sa gilid at pinipigilan ang pagtawa, baka kasi totohanin nito ang banta.

I can't stop smiling while imagining what will happen later on our date.

Having a date with him again is my dream before but now my dream will be granted by him.

______________________________

Only Star Can See (Inspired Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon