Chapter Eleven

0 0 0
                                    

Tulala akong nakatingin sa mala-dagat niyang mga mata. Narinig ko ng malinaw ang kanyang sinabi pero bakit parang nabingi naman ako pagkatapos.

He's looking through my soul. Nanindig ang mga balahibo ko sa batok dahil doon.

Sanay ako sa kanya noong magkasintahan pa kami na marinig ang salitang iyon. Pero ngayon, sa tagal na hindi ko siya nakita at nakausap ay naninibago ako sa sinabi niya.

He's my first love, my first suitor, my first date, my first boyfriend, and my first kiss. But he is also my first heartbreak.

I met him when I attend a star gazing event in Quezon City. When I was in college, I love going in a star gazing events to watch how the star shines. Nagtitipon agad ako ng pera noon para lang makapunta sa mga event. Kahit malayo basta kaya kong pumunta ay tumutuloy ako. I really love seeing a star using a telescopes.

That time, I just busy watching the stars in the night sky when he approached me. At first, I just ignored him because I don't like talking to a strangers. But he talk to me first. I don't want to be rude so I entertain him. At doon na nagsimula ang pagkikita namin hanggang sa nauwi sa ganito.

"Zeipy, I know you wouldn't believe me but after the first night in that event. I already stop my plan against you." he said still staring at me and holding my hands. "Naiisip ko noong gabing iyon na hindi ko kayang sirain at wasakin ang puso mo na matagal nang sira dahil sa pamilya mo."

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Pinunasan ko ang luhang tumutulo na naman sa mata ko.

Dahil sa sobrang bigat ng dinadala kong problema noon sa pamilya ko ay nasabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ako mahilig sa mga bituin. Akala ko kasi iyon na ang huling pagkikita namin dahil istranghero lang siya para sa akin pero hindi pa pala.

"When we met again, I plan it not to hurt you but to make you happy. Gusto kong makita kang ngumiti dahil masaya ka hindi iyong pinipilit mong maging masaya." saad niya.

Tumingala ulit ito at tumingin sa mga bituin.

"Naalala mo pa ba iyong una kong pangako sa iyo dati?" tanong ni Acrux.

Napalunok ako sa tanong niya. Hinding hindi ko makakalimutan ang pangakong iyon.

"I promise you before that if the fallen star can't grant your wish, maybe I can help you because my dream is to become an astronaut." nakangiti siya na tila inaalala ang pangyayari noong pinangako niya sa akin iyon.

Naalala ko ang araw na iyon.

Nasa isang park ako noon naghihintay sa isang fallen star para humiling ulit. Nagulat pa nga ako dahil bigla na lang siya sumulpot sa tabi ko.

Tinanong niya ako kung ano ang ginagawa ko dahil gabing gabi nung oras na iyon. Sinabi ko sa kanya ang dahilan kaya nabuo ang pangako niya.

"I made that promise because that's the meaning of being an astronaut. 'Star Sailer'. I will be your one and only star. My job is to help you to find a fallen star that will granted your wish." he said. "And I become an astronaut now pero iyong pangako ko sa iyo ay hindi pa rin nangyayari."

Mapait akong ngumiti sa kanya. "Hindi mo na kailangang tuparin pa iyon. Tanggap ko na sa sarili ko na kahit kailan ay hindi na iyon matutupad pa."

"No. Kahit iyon man lang ay matupad ko para sa iyo. Madami na akong sinirang pangako sayo. Ayaw kong pati iyon ay sirain ko pa." tutol niya sa sinabi ko.

Napabuntong hininga ako kaya napatingin siya sa akin.

"Kahit mahanap mo ang lahat ng fallen star sa kalawakan ay hinding hindi na matutupad ang hiling kong iyon. Alam mo kung bakit, dahil hindi ako kasama sa pamilya nila." sabi ko sa kanya.

Mahigpit kong hinawakan ang laylayan ng suot kong damit bago nagsalita ulit.

"I-isa lang akong sampid sa p-pamilya nila. A-anak lang ako sa l-labas ni P-papa. Bi-binigay ako ng biological mother ko kay Papa dahil hindi daw niya ako kayang buhaying mag-isa." naiiyak kong kwento sa kanya.

Apat na taon ko ng alam ang totoo. Nalaman ko ito noong isang gabi na umuwi ako. Nasa kwarto sila noon kaya di nila alam na dumating na ako. Narinig ko silang nag-aaway kaya nagtaka ako dahil iyon ang unang beses na narinig ko silang nag-aaway. Nagsisigawan pa nga sila noon na parang galit na galit sa isa't isa. Hindi ko sana pagtutuunan ng pansin kaya lang ay narinig ko na binanggit ni Mama ang pangalan ko.

Dahil sa kuryusidad ay pinakinggang ko ang kanilang pinag-aawayan. At doon ko nalaman ang katotohanan tungkol sa aking pagkatao.

"Wala akong pamilya ni isa sa kanila dahil hindi ko sila kadugo. Si Papa na totoo kong kadugo ay hindi naman ako mahal. Napilitan lang siyang akuin at patirahin sa bahay nila dahil sa awa." patuloy lang sa pagtulo ang luha na para bang wala na itong katapusan.

Tumingin ako sa kanya. "Kaya ano pang saysay ng plano niyong mag-iina kung kahit saktan niyo ako ay wala naman pakialam sa akin ang itinuturing kong pamilya."

Nakita ko ang pagtulo mg luha sa kanyang mata at mabilis akong kinabig para yakapin.

Humagulhol ako ng iyak habang nasa loob ng bisig niya. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa akin ang katotohanan.

Wala akong pinagsabihan maski isa sa nalaman ko kaya mabigat sa pakiramdam na dalhin ang sakit sa araw araw na nagigising ako at sinasampal ako ng katotohanan.

Sa kanya ko unang sinabi ang tungkol doon dahil hindi ko na kaya pang itago ang sakit na nararamdaman ko.

Kumapit ako sa damit niya dahil pakiramdam ko ay nauubos na ang lakas ko mula sa pag-iyak.

"I'm sorry. Hindi ko alam. Sorry. Patawarin mo ako. Sorry." bulong niya.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa batok ko. Alam kong nasasaktan din siya para sa akin.

"Please, Zeipy. Give me another chance. Itatama ko ang mga mali ko basta bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon." sabi nito.

"Acrux."

"Please, Zeipy. Just one chance."

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Hindi ko sinagot ang pakiusap niya pero alam kong alam niya ang sagot doon dahil sa ginawa ko.

Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Nabubulag lang ako sa galit ko sa kanya pero hindi nawalan ang pagmamahal ko sa kanya.

Susugal ako ngayon dahil gusto kong maranasan ulit na maging masaya. Ano man ang kalalabasan nito ay tatanggapin ko.

Mahigpit niya akong niyakap na tila ayaw akong pakawalan. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

"I love you always, Zeipy." saad niya.

"Mahal pa din kita, Acrux." bulong na sagot ko sa kanya.

Alam kong narinig niya ang sinabi ko dahil naramdaman ko ang pag ngiti niya.

Sana maging masaya ako sa pinili kong landas kasama siya.

______________________________

Only Star Can See (Inspired Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon