Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahaplos sa aking buhok.
"Wake up, Zeipy." narinig kong bulong malapit sa tainga ko pero binaliwala ko lang ito.
Niyakap ko pa ng mahigpit ang unan na nasa braso ko dahil inaantok pa ako. Malapit na sana akong makatulog ulit ng maamoy ko ang hindi pamilyar na amoy ng unan na yakap ko.
Napakunot ang noo ko kahit na nakapikit pa ako ng maalalang hindi ganun ang amoy ng unan ko sa kwarto.
May narinig akong mahinang tawa sa gilid ko.
Naramdaman ko rin na nasa malambot akong kama hindi sa matigas na katre.
Agad akong napabangon sq pagkakahiga upang tingnan kung nasaan ako pero mabilis ko iyong pinagsisihan. Sumakit agad ang ulo ko pagkaupo ko sa kama dahil sa pwersa ng pagkakabango.
"Hey, are you okay?"
Nagulat ako ng may magsalita sa gilid ko kaya agad akong napatingin dito.
Mas lalong lumaki ang mata ko ng makita ko si Acrux na nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ko kanina lang.
Ang kaninang normal na tibok ng puso ko ay naging abnormal nang siya agad ang bumugad sa akin pagkagising ko.
Agad kong inilibot ang aking mata upang mapagtantong wala nga ako sa sariling kwarto.
This room is freaking huge. The wall is painted with color gray. Some of the furniture is also color gray. One look and you already know that the owner of this room is a man.
I look outside the window to see a beautiful view of buildings and the rising sun.
Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo at nakita kong lagpas alas-nuwebe na ng umaga.
"Are you hungry? Do you want to eat a breakfast?" he caught my attention when he asked me.
"Nasaan ako?" imbis na sagutin siya ay nagtanong din ako sa kanya. Hindi pa rin bumabalik sa dati ang tibok ng puso ko.
Napabuntong hininga siya nung hindi ko pinansin yung tanong niya.
"Nasa condo kita. Bigla ka na lang nahimatay kahapon kaya dito kita dinala." sagot niya sa tanong ko.
Kahapon. Ibig sabihin ay simula nung hapon hanggang ngayong umaga ako nakatulog dito sa condo niya. Wala naman akong sakit kaya bakit naman ako nahimatay kahapon sa shop.
Naalala ko tuloy bigla yung shop ko.
"Anong nangyari sa shop ko? Sino ang nagsara nun?" tarantang tanong ko sa kanya.
Baka kasi iniwan niya lang na bukas yung shop ko edi mananakawan iyon kung ganon. Iyon na nga lang ang kabuhayan namin baka malugi pa ako dahil lang doon.
"Don't worry, sinara ko siya bago kita dinala dito. Bitbit ko rin yung bag mo." saad niya at tinuro ang bag ko na nakapatong sa maliit na lamesa.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Buti na lang at sinara niya iyon dahil kung hindi magiging impyerno na talaga ang buhay ko.
Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong kumulo ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain simula kahapon ng tanghali hanggang ngayong umaga.
Namula agad ang pisngi ko dahil sa hiya. Nakita ko ang pagpigil niya ng tawa habang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong namula.
Dahil sa sobrang hiya ay nagtalukbong ako ng kumot para hindi niya makita ang pamumula ng pisngi ko.
Bakit ba kasi ako nandito. Di ba galit ka sa kanya, Nyx. Bakit parang ikaw natutuwa ka pa sa presensiya niya ngayon.
BINABASA MO ANG
Only Star Can See (Inspired Series 1)
RomanceInspired Series 1 When a young heart wants their dreams to be granted, they will throw a coin in a wishing well. But Zeiphorah Nyx Mendez is different, her young heart doesn't believe the magic of a wishing well. She believe in the power of a fallen...