Chapter Fifteen

0 0 0
                                    

Our date in Tagaytay was one of the most romantic date for me. Imagining the two of us in the middle of the peaceful forest makes my heart fluttered.

After we eat in the garden we just watch a movie while cuddling to each other. I really love being in his arms. It's like I am secured enough that no one else can hurt me.

When the night came, we decided to sleep in his tree house. But before we sleep, I asked him if he want to watch the stars and he agreed.

We went outside and lay down at the carpet grass just to watch the stars in the sky. I miss doing it with him.

"Ganda ng ngiti natin ngayon ahh." puna ni Thalia sa akin. Nasa restaurant kami, niyaya ko siyang kumain dahil binayaran ko na yung utang ko sa kanya. At tulad ng pangako ko ay nilibre ko siya.

"Masaya lang ako ngayon."

"Asus! Araw araw ka naman naging masaya simula ng magkabalikan kayo ni Acrux."

Napuna rin pala niya iyon. Sino ba naman kasi ang hindi magiging masaya kung palagi kayong nagkikita ng mahal mo.

"Hindi pa naman kami nagkakabalikan ni Acrux." tanggi ko sa sinabi niya.

"Pa? Edi may balak ka ring sagutin siya."

Namumula akong tumango sa kanya. Wala naman akong balak na patagalin pa ang pangliligaw ni Acrux. Sadyang gusto ko pang sulitin ang mga ginagawa niyang panliligaw.

"Asus! Bakit mo pa kasi pinapatagal? Kung di ko lang kayo kilala, aakalain kong magjowa na kayo sa sobrang tamis ng inyong tinginan." mahabang litanya nito. Umikot pa mata nito na akala mo ay may kaaway.

"Bahala sila sa gusto nilang isipin basta masaya ako na kasama ko si Acrux ngayon."

"Halata nga eh. Blooming palagi ang face." Tinapik pa ni Thalia pisngi ko.

"Inggit ka lang kasi hindi ka crush ng crush mo." katyaw ko. Nakwento niya kasi dati sa akin na hindi siya pinapansin ng crush niya.

Sumimangot ito. "Hindi ko na siya crush ngayon. Wala na akong pakialam sa kanya. Iba na crush ko."

"Wait! Si Jade ba iyon?" sambit ko sa pangalan ng crush niya. Kunwari pa akong tumuro sa likod niya para kapanipaniwala ang sinabi ko.

"Ha? Saan?" tarantang tanong nito at lumingon sa likod niya.

"Hindi na pala crush ah." nakangising tudyo ko.

Masama niya ako tiningnan nang mapagtanto nitong niloloko ko lang siya. Pinipigilan kong tumawa ng malakas dahil sa itsura niya.

"Bwisit. Hindi ko na nga siya crush." gigil na sabi nito. Tinusok tusok pa yung karneng kinakain niya.

"Sabi mo ehh. Chill ka lang, okay."

Tinarayan lang ako nito at tinuloy ang pagkain sa karneng nagkalasog lasog na. Grabe ang gigil.

Kakapasok ko pa lang sa di kalakihang bahay namin ay rinig ko na agad ang sigawan nila. Mukhang may pinag-aawayan na naman sila Mama at Papa. Pansin ko din na palagi na silang nag-aaway simula pa noong nakaraang araw.

"Ano nang gagawin natin ngayon, ha? Sana naman inisip mo munang hindi tayo mayaman bago ka magsugal!" galit na sigaw ni Papa.

Napatigil ako sa paglakad dahil sa narinig. Tiningnan ko sila na nasa sala nagsisigawan. Hindi pa nila napapansin na andito na ako. Sa tingin ko din ay wala pa ang dalawa kong kapatid kaya ang lakas ng loob nilang magsigawan dito sa loob.

"Hindi ko naman aakalain na matatalo ako. Gusto ko lang naman na magkapera tayo ng malaki dahil kulang ang ibinibigay ng pesteng anak mo sa atin."

"Bago ka kasi sumubok ay sinigurado mo dapat na mananalo ka. Oh, anong napala mo ngayon? Imbis na magkapera tayo ay nabaon pa tuloy sa utang."

Problemadong napasuklay sa buhok niya si Papa. Halata mong malaki ang problemang kinahaharap dahil sa itsura nito.

Si Mama naman ay hindi mapakali sa kanyang kinauupuan at panay ay buntong-hininga. Kitang-kita ko ang eye bags sa ilalim ng mata niya. Hindi ata makatulog dahil sa ginawang problema.

Napakagat-labi ako nang mapagtanto ko na ang pinag-aawayan nila. Hindi pa ata nila ito sinasabi sa mga kapatid ko at wala ata silang balak na sabihin. Malaki ang problemang kinahaharap nila at alam kong haharapin ko din ito.

"Humiram ka muna ng pera sa banko o kaya sa mga kakilala mo. Kung hindi pa sapat humingi ka na lang sa anak mo, alam kong di ka nun matatanggihan."

Lumiwanag ang mukha ni Mama nang tila nakahanap ito ng solusiyon sa problema nito.

"At sa tingin mo ay sapat na iyon para mabayaran ang utang mo. ISANG MILYON! Isang milyon ang utang mo na kahit mangutang tayo sa lahat ng kakilala natin ay hindi pa rin sapat!"

Napakapit ako ng mahigpit sa bag ko dahil sa sinabi ni Papa. Ganun kalaki ang utang ni Mama. At saan talaga kami kukuha ng pera kung ganun. Hindi iyon kakayanin ng pera sa shop ko.

"Gagawa ako ng paraan. Basta sabihin natin sa anak mo itong problema para makatulong siya sa atin." masungit na saad ni Mama.

Alam ko naman na kapag may problema ay kasali ako sa gagawa ng solusiyon. Mukhang maski ako ay magiging problemado sa susunod na araw.

At dahil busy sila sa pag-uusap ay hindi nila namalayan na dumaan ako sa sala papasok sa kwarto ko. Mabuti ng ganun dahil ayaw ko munang sumakit ulo sa kanila.

Pagkahiga ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at may message na dumating. Umupo muna ako bago ito binuksan.

From: Baby Acrux

'Hey Zeipy baby, what are you doing now?'

Napangiti ako sa pangalan na nakaregister sa contact ko. Siya mismo ang naglagay ng pangalan. Gusto daw niya kasi na ganun daw ilagay ko.

To: Baby Acrux

'Sitting and thinking of you.'

Reply ko sa kanya. Alam kong kikiligin iyon sa sinabi ko. Iniisip ko pa nga lang ay natatawa na ako.

Wala pang isang minuto ay nagring na ang cellphone ko. Tumatawag si Acrux kaya agad ko itong sinagot.

"Hello." alanganing wika ko.

"Baby, why are you making my heart beats faster?"

He ask in his husky tone.

"What? Wala akong ginagawa sa iyo."

Tanggi ko sa sinabi niya.

"Yes, you didn't do anything but my heart keeps beating when I am talking to you."

Wika nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang pamumula ng dalawang pisngi ko.

Kinuha ko ang unan sa gilid ko at tinakpan ang mukha ko para pigilan ang pagsigaw dahil sa kilig.

"Hey, tulog ka na?"

"Hindi pa."

"Mamaya ka na matulog ah. Usap muna tayo. I miss your voice."

"I miss you, too."

Bulong ko pero narinig niya pa rin. Napanguso ako ng marinig ko ang mahinang mura niya.

Nag-usap lang kami sa tawag hanggang sa abutan ako ng antok. Dahil kausap ko siya ay pansamantala kong nakalimutan ang prblema ng pamilya namin.

"I feel that you want to sleep now."

"Yeah. I'm sleepy."

Inaantok kong tugon.

"I will end this so you can sleep now. Good Night and sweet dreams. I love you."

"You too. I love you."

And with that he ended the call and I sleep in my bed smiling not minding the problems that I will face next day.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Only Star Can See (Inspired Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon