"Thank You po, Kuya" sabi ko at kinuha ang inabot sa akin ng delivery boy.
Hindi na ako nagulat na may natanggap na naman ulit akong padala ngayon. Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nung may misteryong tao ang nagpadala sa akin. Halos araw-araw din akong nakakatanggap ng padala niya na kalimitan ay pagkain ang laman.
Kung minsan pa nga ay may kasama pa itong bulaklak, damit, teddy bear o kung ano pa man.
Noong unang linggo ay nakaramdam na ako ng takot dahil sa sunod-sunod niyang pagpapadala ng kung anu-ano. Wala naman kasing nakalagay na card kaya wala akong ideya kung sino siya.
Tinanong ko pa nga yung delivery boy kung kilala niya kung kanino galing yun pero wala daw siyang alam kasi nagdedeliver lang daw siya.
I also told Thalia about it pero sinabi niya lang na kung di naman daw ako sinasaktan nito ay wala daw akong dapat na ikatakot.
Kaya nang sumunod na linggo ay naging kampante ako na hindi masamang tao iyong nasa likod nun dahil wala naman nangyayaring masama sa akin.
Ayaw ko mang aminin sa sarili ko pero nasanay na tuloy akong makatanggap ng kung ano man basta galing sa misteryosong taong yun.
Weird mang isipin para sa iba pero natagpuan ko na lang ang sariling kinikilig kapag may natatanggap galing sa kanya.
But its different today because its already one-twenty-six in the afternoon and I didn't receive my usual lunch.
Noon bago pa mag twelve-thirty ay nandito na ang lunch ko pero ngayon ay inabot na ako ng hapon ay wala pa rin.
Ayaw ko namang lumabas para kumain kahit nagugutom na ako dahil hindi ako nag-almusal sa amin. Baka kasi na-late lang yung delivery boy sa paghatid kaya umabot sa ganitong oras.
Suot ko pa naman ngayon ang damit na binigay niya sa akin noong nakaraang araw. Isang yellow shirt na may nakasulat na 'Shining Stars'.
Malungkot akong napangiti bago tiningnan ang cellphone ko. Simula nung makatanggap ako ng text mula sa unknown number ay naging sunod-sunod na ito.
Kahit di nito sabihin ay alam kong siya ang nagpapadala sa akin. And base on the text I think lalaki siya kaya kinikilig ako kapag nagmemessage siya sa akin.
He keeps on texting me but when I reply to him he will just stop like he never want me to know him.
Kaya kahit gusto kong tanungin siya kung sino siya ay di ko na inulit dahil di naman niya pinapansin mga tanong ko.
1:42 na pero wala pa rin akong natatanggap na kung ano mula sa kanya. Kahit text man lang niya para mapanatag yung kalooban ko.
Nakatitig lang ako sa cellphone ko nagbabaka-sakali na magtext siya sa akin ngayon nang may narinig akong tumikhim sa likod ko. Nakasandal kasi ako sa counter kaya nakatalikod ako sa taong yun.
Napatayo tuloy ako ng tuwid dahil sa gulat. Inilapag ko muna yung cellphone ko bago humarap sa kanya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.
Acrux. He's wearing a white t-shirt, pants and a shoes. His hair is now in undercut style.
"Can we talk?" he asked. I look at him and I can see his serious eyes looking at me.
Kahit mabilis ang tibok ng puso ko ay napakunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi man lang muna bumati bago magtanong.
"About what?" I asked him. Pilit kong tinatago ang kaba ko sa kailalim laliman ng aking puso.
"Us." he simply answer.
Napatawa ako sa sinabi niya na parang nagbibiro lang siya. 'Us' sa tagalog tayo.
Walang kami dahil sa simula pa lang ay niloko na nila ako. Ng maalala ko ang mga nangyari noon ay biglang sumiklab ang aking galit.
"Us? Wow! At kailan pa nagkaroon ng tayo?" galit kong tanong sa kanya. Ang kaninang kabang nararamdaman ko ay nawala dahil sa sinabi niya.
Nakita kong lumambot ang mga mata niya nang makitang galit ako.
"Zeipy, mag-usap naman tayo oh. Matagal na kitang gustong kausapin pero ngayon lang ako nagkaroon nang lakas ng loob." pakiusap niya sakin.
Mabilis akong lumabas sa loob ng counter at sinugod siya.
"Wag na wag mo akong matatawag sa pangalang yan." sigaw ko sa kanya nang nasa harapan niya na ako. Hindi ko mapigilang mapaiyak nang binanggit niya ang pangalang iyon.
Siya lang ang nagtawag sa akin ng ganun dahil noon gusto niyang tawagin ako sa pangalang siya ang nagbigay.
Tuwing naaalala ko ang pangalang iyon ay naaalala ko rin ang mga masasayang araw na kasama ko siya.
"Alam kong galit ka sa akin pero alam ko ring gusto mong malaman ang buong kwento kaya sana ay pakinggan mo ako." mahinang sabi nito habang nakatingin sa akin na puno ng pagmamaka-awa.
Umiiyak akong umiling sa kanya. Totoo ang sinabi niya, gusto kong malaman ang dahilan kung bakit niya nagawa sa akin yun pero di ko alam kung kaya kong makinig sa kanya.
"I'm sorry, Zeipy if I am hurting you now but please listen to me first so that you can't keep that anger forever." he said.
Naglakad siya palapit sa akin at mabilis akong kinulong sa bisig niya.
Pinilit kong makawala sa yakap niya kahit na mahigpit itong nakayakap sa akin. Nang hindi ako makawala sa kanya, sumuko na ako sa pagpapalag.
Patuloy akong umiiyak sa bisig niya. Hindi ko na naisip na nasa shop pa kami at baka may biglang pumasok na costumer.
He kept on whispering something on my ears while hugging me.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong umiyak sa bisig niya kaya nang magkaroon ako ng lakas ay tinulak ko siya.
Napaatras siya sa biglaan kong pagtulak. Magsasalita sana ako ng biglang makaramdam ako ng matinding hilo.
Napahawak ako sa ulo ko para mawala ito ngunit hindi ko na kinaya ang tindi ng pagkahilo ko.
Nandilim na ang aking paningin at matutumba na sana ako kung hindi ko naramdaman ang dalawang bisig na sumalo sa katawan ko.
I heard him calling my name and after that everything went black.
______________________________
BINABASA MO ANG
Only Star Can See (Inspired Series 1)
RomanceInspired Series 1 When a young heart wants their dreams to be granted, they will throw a coin in a wishing well. But Zeiphorah Nyx Mendez is different, her young heart doesn't believe the magic of a wishing well. She believe in the power of a fallen...