Chapter Seven

0 0 0
                                    

It's seven in the morning but I still in my bed savouring the moment of silence.

Tinatamad pa akong bumangon dahil ngayon lang ako nakapagpahinga ng maayos simula nung umuwi ako dito.

Mamaya pa naman ako magbubukas ng shop kaya di pa ako bumabangon.

Kahapon ko pa nakuha yung hinihiram kong pera kay Thalia. Agad ko rin itong pinangbayad sa kuryente.

I didn't tell them that I borrowed a money because they don't really care at all. Ako rin lang naman magbabayad nun kaya bakit ko pa sasabihin sa kanila.

Nang makita kong mag aalas-otso na ay bumangon na ako para maligo na.

Pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng yellow v-neck shirt at ripped jeans na pinarisan ko ng usual kong flat sandals.

I also applied a powder in my face and a cherry lip tint in my lips. Just simple cause I don't like applying make-up or anything else.

Nang matapos ako ay lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa shop ko.

Kakabukas ko pa lang ng shop ay marami na agad akong costumer. Sa sobrang dami ay hindi ko na namalayan ang oras dahil sa maya't mayang pasok ng costumer.

"Thank You po, Ma'am." pagpapasalamat ko sa costumer kong bumili.

Nang wala ng sunod na costumer ay napaupo na lang ako sa sobrang pagod. Pinunasan ko yung tumutulong pawis sa noo at leeg ko.

May ceiling fan naman dito sa shop ko pero masyadong mainit ang sinag ng araw ngayon.

Ramdam ko na basa na yung damit ko sa likod. Wala pa naman akong dalang extrang damit.

Napatingin ako sa relong suot ko at nagulat dahil lagpas alas-dose na pala ng tanghali.

Kaya naman pala nakakaramdam na ako ng gutom dahil lunch time na. Tatayo sana ako para kunin yung bag ko dahil kakain muna ako sa labas ng biglang may pumasok na delivery boy.

"Good Noon, Ma'am. Ikaw po ba si Zeiphorah Nyx Mendez?" tanong niya sa akin.

Wala sa sariling tumango ako sa tanong niya. Ano namang ginagawa ng delivery boy sa shop ko.

"Delivery po Ma'am, para sa'yo." sabi niya sabay abot sa aking ng dalawang malaking paper bag.

Nagtataka man ay napilitan akong tanggapin iyon dahil nakakahiya naman sa kanya kung di ko kukunin.

Hindi naman ako nagpapadeliver ng kung ano kaya kanino naman galing ito.

"Pakipirmahan na lang po, Ma'am."

Inabot niya sa akin ang isang papel kung saan ako pipirma. Wala tuloy akong nagawa kundi pirmahan yun.

Nang makaalis na ang delivery boy ay binuksan ko yung isang paper bag. Napatingin pa ako sa logo nito at napakunot-noo. Isa itong logo ng isang sikat na restaurant sa bansa.

Kahit nagtataka ay inilabas ko ang laman nito. Hindi na ako nagulat ng makitang pagkain ang nasa loob.

Binuksan ko din yung isa pang paper bag at nakita ko ang isang black t-shirt, pulbos at maliit na towel na puti.

Kinilabutan tuloy ako sa kung sino man ang nagpadala nito sakin. Paano niya nalaman na kailangan ko ng mga ito ngayon.

I look outside the shop to see if someone is watching me. Pero wala naman akong nakitang kahina-hinala.

At dahil gutom na talaga ako at wala na akong oras para kumain sa labas ay kinain ko na lang yung pagkaing pinadala sa akin. Sana lang ay wala itong lason. Ayaw ko pang mamatay noh.

Sinuot ko na rin yung t-shirt, baka kasi magkasakit pa ako kung matutuyuan ako ng pawis.

"Bongga Girl, may secret admirer ka na ngayon ah." komento ni Thalia.

Wala kasi akong magawa kaya tinawagan ko siya at naikwento sa kanya yung nangyari kanina. Sakto namang vacant niya kaya napapahaba kwentuhan namin.

"Secret Admirer ka dyan. Kinikilabutan nga ako ehh baka sa susunod kung ano ang ipadala sa akin."

"Why naman Girl? He's sweet at caring kaya dahil iniisip niya ang kalagayan mo noh." conyo niyang wika.

Minsan talga tong babaeng toh ang conyo magsalita. Akala mo hindi lisensyadong guro.

"Kalagayan ka dyan, ano ako may sakit? At anong He's? Malay mo babae ang nagpadala nun." napangiwi naman ako sa sinabi ko. Mas kikilabutan ata ako kung babae nga yun.

"Yuck! At bakit naman magiging babae? Hindi naman nakaka-tomboy ang kagandahan mo." alam kong nakataas ang kilay niya habang nagsasalita.

"Grabe siya kung makapagsalita diyan. Akala mo naman ay kagandahan din siya." binulong ko lang yung huli pero dahil isa siyang dakilang nilalang na may malakas na pandinig ay narinig niya pa iyon.

"FYI! For Your Information! Mas maganda ako sa yo, Nyxie Girl." sigaw niya sa cellphone.

"Oo na, ikaw na ang mas maganda kaya wag kang sumigaw dahil nasa school ka ha? Wala ka sa bahay niyo." paalala ko sa kanya.

"Yes po, Ma'am. Quite na ako from now." biro niya.

Napatawa na lang ako sa kanya.

"Back to our main topic, sa tingin ko magkaka love life ka na Girl. Excited na akong makilala ang secret admirer mo." kinikilig niyang saad.

"Love life agad, Thalia. Malay mo napagtripan lang ako ng kung sino-sino dyan." bwelta ko sa kanya.

"At sino namang tao ang mangtritrip na nga lang ay sa mamahaling resto pa bumili ng pagkain. Ang sosyal naman niya kung ganon." sagot niya. "Edi sana yung mumurahin na lang para di siya gumastos ng malaki."

"Ay basta! Bahala siya basta walang lason yung pagkain, okay lang sa akin. Ayaw ko na munang isipin yan sa ngayon, Thalia. Dagdag lang yan sa problema ko." suko ko sa kanya.

Natapos kamimg mag-usap ni Thalia noong natapos na yung vacant time niya.

Wala na rin namang gaanong costumer ngayong hapon kaya nakapagpangiha ako ng maayos. Nang sumapit na ang gabi ay pinasok ko lahat ng mga bulaklak sa isang kwarto dito sa shop.

Isang kwarto kung saan napapanatiling sariwa ang mga bulaklak.

Nang matapos ako ay kinuha ko na yung gamit ko at sinarado na ang shop.

Sumakay ako sa jeep pauwi sa bahay. Tahimik lang akong pumasok at dumiretso agad sa kwarto.

Hindi na ako kakain ng gabihan dahil di naman ako gutom. Nakahiga ako sa kama habang nakatingala ng biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may message na dumating.

Sa pag aakalang si Thalia yun ay binuksan ko ito. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng mabasa ko ang message.

From: Unknown Number

I hope you like the foods and shirt. Good night, Zeiphorah.

______________________________

Only Star Can See (Inspired Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon