"Where are we?"
I asked while looking outside the window of the car.
Napapalibutan ng matataas na puno ang daan na tinatahak namin ngayon. Mahigit isang oras na siyang nagmamaneho kaya nangangalay na din ako sa pag-upo.
Ayaw niya kasing sabihin kung saan kami pupunta kaya hindi ko alam kung nasaan na kami. Hindi rin ako pamilyar sa dinadaanan namin.
"Tagaytay. Just few minutes and we will reach our destination here."
"Akala ko ba ay date ito? Bakit nasa gitna tayo ng gubat ngayon?" takang tanong ko sa kanya.
Pano kasi eh parang walang katapusan ang mga puno dito. Wala nga akong makitang ibang sasakyan na dumadaan. Mukhang nasa liblib na parte kami ng Tagaytay.
"Just wait and relax there. I know you will love the place here."
"Siguraduhin mo lang ah."
Tumawa lang siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na nasa hita ko at pinisil ito. Tumingin ako sa kanya at nakangiti lang itong sumulyap sa akin.
"Magdrive ka na nga lang diyan." mataray kong saad ng maramdaman kong namumula na ang pisngi ko.
"Okay but let me hold your hand while driving, please."
Pinigilan kong mapangiti nang marinig ko ang malambing niyang boses. Ang sarap talaga sa tainga ng boses niya.
"Baka mahirapan kang magmaneho kung hawak mo ang kamay ko."
"Hindi ako mahihirapan basta ikaw ang hinahawakan ko." nakangiting wika nito.
Nakurot ko tuloy ang kamay niya dahil sa kilig na nararamdaman ko. Ang puso ko ay hindi na naman mapakali sa bilis ng tibok ng puso.
"Ouch! Why did you pinch me?
Napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin. Hinihimas-himas niya pa ito na parang masakit ang pagkakakurot ko. Sa tingin ko ay mamumula iyon dahil maputi siya.
"Ikaw kasi ehh!" nakanguso kong sabi.
Tiningnan ko ang kamay niya na nakurot ko at namunula nga ito.
"Iba ka rin kiligin noh. Sadista pa rin hanggang ngayon." wika nito.
Sumimangot ako sa sinabi niya. Kasalanan naman niya kasi, alam naman niyang ganun ako kapag kinikilig pero sige pa rin siya sa pagpapakilig sa akin.
Kinuha ko ang kamay niyang namumula mula sa pagkakahawak sa manibela. Magaan ko itong hinawakan at hinaplos.
"Sorry, Acrux." mahinang sabi ko.
Hindi naman dumugo iyong kinurot ko pero bakat ang kuko ko dito. Kinagat ko ang labi ko ng makaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa ko.
"Hey, baby. Hindi naman na masakit." marahan na saad nito.
"But still I hurt you."
"I'm fine now, okay?" wika nito.
Sinulyapan ko siya na nakangiting nagmamaneho gamit ang isang kamay.
Wala sa sariling dinala ko sa bibig ko ang kamay niyang namumula at hinalikan ito. Marahan ko lang dinampi ang labi ko sa kamay niya na parang ayaw ko itong masaktan.
Nang tumigil ako sa ginagawa ko ay doon ko lang namalayan na huminto na pala ang sasakyan.
Inangat ko ang tingin ko kay Acrux na malamlam na nakatingin sa akin. Ang kanyang asul na mata ay punong-puno ng pagmamahal na palagi kong nakikita sa tuwing magkasama kami.
Umayos ako ng pagkaka-upo ng mapagtanto ko ang ginawa ko. Namula ng husto ang mukha ko kaya iniwas ko ang mata ko sa kanya at tumingin sa labas.
Nakatigil ang kotse niya sa harap ng isang malaking tree house. I can see the beautiful and unique structures of tree house.
"Wow!"
Lumabas agad ako sa kotse ng makita ko ang malawak na garden sa gilid ng bahay. Fresh air welcomes me when I walk towards the house.
"I told you, you will love this place."
Nagulat ako ng magsalita si Acrux sa gilid ko. Di ko namalayan na lumabas na siya sa sasakyan. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa gilid ng leeg ko.
He encircled his one arm in my waist and guide me to walk to the garden. I can see a round table and two chairs at the center of the garden.
I look around to see a different kinds of flowers. Ang mga matataas na puno ay nakatulong sa pagharang sa nakakasilaw na sinag ng araw.
Hinila niya ang isang upuan at pinaupo ako doon. Kompleto na ang gamit na nakalagay sa mesa ngunit wala pa itong pagkain.
Naupo na rin siya sa harap ko habang ako ay tulala pa ring nakatingin sa magandang setup na halatang pinaghirapan.
"This is the perfect place for a date."
"I know, that's why I choose this because I know that you will love here."
Ngumiti ako sa kanya. Alam niya na ganito ang gusto ko. Silent, peaceful, and beautiful place.
"Thank you, baby." I chuckle when I saw him blush.
I rarely called him 'baby' because I'm not a fan of endearment.
"You are being so sweet today, baby. Sana magtuloy-tuloy kang ganyan sa akin." saad nito habang pinaglalaruan ang kamay ko na hawak niya.
Matamis ang ngiting nakapaskil sa aking labi. He know that I'm not a sweet kind of person but still I'm trying to show him the sweet side of me.
"Can we eat now? It's already lunch time."
Nakaramdam na kasi ako ng gutom, di ko pa naman kasi dinamihan kain ko kanina.
Tumayo ito. "Wait here, I will get our foods inside." paalam nito saka pumasok sa bahay.
How can I forget and unloved this man if he always do a things that make my heart fall for him deeper.
Nang lumabas si Acrux ay may dala itong isang tray na nalalagyan ng mga pagkain.
Ito na ang naglagay ng pagkain sa plato niya bago sila nagsimulang kumain.
Tahimik lang kaming kumakain habang ninanamnam ang magandang tanawin na nakapaligid sa amin. Ang katahimikan ng paligid ay napakasarap sa pakiramdam.
Nang matapos kaming kumain ay sa garden ay pumasok na kami sa tree house. It is a modern tree house. May ikalawang palapag ito na sa tingin ko ay isang silid lang ang naroroon.
Nilibot ko muna ang unang palapag habang naghuhugas si Acrux ng plato sa kusina.
I'm in the living room looking at the picture frame in the walls. Most of it is his picture with Beathrix. Alam ko kung gaano ka-close ang magkapatid. Minsan nga ay naiingit ako dahil gusto ko rin na maging close ang mga kapatid ko pero alam kung hindi iyon mangyayari.
In the middle of the wall, there is the big frame with a photo of their happy family. I can see in their eyes how happy they are when the photo captured.
Halata mong matagal na panahon na ng nakakalipas simula ng kinuha ang litrato dahil mukha pang teenager si Acrux dito. Ito siguro ang huli nilang family picture bago nagkawatak-watak ang pamilya nila.
Tinitingnan ko pa ang ibang litrato ng maramdaman ko ang pagpulupot ng dalawang braso sa beywang ko. Pinatong ni Acrux ang kanyang baba sa balikat ko.
Nakangiting sumandal ako sa kanya at niyakap ang brasong nakayakap sa akin. Masarap sa pakiramdam ang makulong ka sa bisig ng taong mahal mo. Iyong tipong ayaw mo nang umalis pa dito at manatili na lang habang-buhay.
"I hope that we can still be like this forever." bulong ko habang nilalasap ang init ng yakap niya.
"Just stay with me no matter what and we can make it forever." he said as he kiss my head.
______________________________
BINABASA MO ANG
Only Star Can See (Inspired Series 1)
RomanceInspired Series 1 When a young heart wants their dreams to be granted, they will throw a coin in a wishing well. But Zeiphorah Nyx Mendez is different, her young heart doesn't believe the magic of a wishing well. She believe in the power of a fallen...