Chapter Four

0 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano kami nakauwi ni Thalia kagabi dahil ang nasa isip ko lang kagabi ay ang mga alaalang hindi ko makalimutan.

My head is aching because of too much alcohol when I woke up in Thalia's bed. I also conclude that I sleep here instead in my usual bed, it is in the floor.

Kapag kasi dito sa kanila ako nakikitulog lagi akong sa sahig humihiga kahit pa pinipilit ako ni Thalia na tumabi na lang sa kanya.

Ayaw kong isipin ng mga magulang niya na inaabuso ko ang pagkakaibigan namin.

Naghilamos at nagsepilyo muna ako para mawala ang sakit ng ulo ko bago lumabas ng kwarto ni Thalia.

Nakita ko sa sala si Tito Henry, ang papa ni Thalia na  nagbabasa ng dyaryo habang may hawak na tasa ng kape.

"Good Morning po, Tito." bati ko sa kanya.

"Oh good morning din, hija." balik na bati niya. "Buti gising ka na. Mag-almusal ka muna at nandun sa kusina si Thalia at ang Tita Tina mo."

Tumango ako kay Tito at pumasok sa kusina nila. Naabutan ko silang kumakain na sa may lamesa kaya lumapit na ako sa kanila.

"Morning po sa inyo." nakangiti kong bati sa kanila.

"Morning, Nyxie Girl." bati ni Thalia kahit na puno pa ang bibig ng pagkain.

"Morning din sayo, hija. Umupo ka na at sabayan mo kaming kumain ng almusal." yaya ni Tita Tina.

I sit down in a chair and made a coffee to drink before starting eating. When I'm done I volunteer to wash the dishes.

Naghuhugas ako ng mga pinagkainan ng biglang tumabi sa akin si Thalia.

"Oyy Girl, anong nangyari sayo kagabi? Bakit tulaley ka? Akala ko ba magpapahangin ka? Hindi ka naman kasi sumasagot sa akin kagabi, iniisip mo ba siya? Akala ko ba gusto mo na siyang kalimutan?" sunod sunod na tanong niya.

Napabuntong-hininga na lang ako sa kanya. Ayaw ko man siyang sagutin pero mangungulit yan hanggang sa masabi ko ang dahilan.

Tumigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya.

"Hindi ko maiwasang isipin siya, Thalia. Sa tuwing tumitingin ako sa langit at naiikita ang butuin, siya palagi ang naaalala ko." malungkot kong paliwanag sa kanya.

"Nyx, hindi sa nanghihimasok ako sayo pero sana naman kung nasasaktan ka pakawalan mo na yang nasa puso mo." malungkot siyang tumingin sakin habang sinabi yun. "Kahit hindi mo sabihin sakin ramdam ko na siya parin ang laman niyan." aniya at tinuro ang puso ko.

I avoided her gaze when she said that. She is really my bestfriend because she know what I feel even if I didn't tell her.

"He's my first in everything, Thalia. It is not easy to erase him in my life." I said while in a bridge of crying.

Hinagod agad ni Thalia ang likod ko para patahanin ako at damayan sa sakit na halos araw-araw kong dala dala.

"Okay. Wag ka nang umiyak dyan. Mamasyal na lang tayo ngayon para naman sumaya ka kahit konti." pag-aalo niya.

I know she wants me to be happy even in just one day so I agree on her idea.

Nandito kami ngayon sa mall para mamasyal at magshopping na rin at the same time.

"Ito oh bagay sayo toh." inabot sakin ni Thalia ang isang backless na bestida.

Napangiwi ako sa design ng damit. Wala nga siyang mga beads pero halata mong masyadong hapit kung susuotin. Sleeveless ito at masyadong mababa ang v-line. Hanggang kalahati lang rin ng hita ko ang haba.

"Ayaw ko nga niyan. Kulang sa tela yan." tanggi ko agad sa kanya.

Never pa akong nagsuot nang ganyang damit. Okay lang sana kung hindi masyadong daring ang dress, pwede ko pang isuot yun.

"Arte mo. Ganito na kaya ang usong daming ngayon."

"Alam mo namang hindi ako sanay sa ganyang klase ng damit." sabi ko.

We just continue shopping. I bought a two t-shirt and one pants while Thalia bought three dresses.

Nang sumapit na ang tanghali ay dumiretso kami sa food court para kumain. Ayaw ko naman sa restaurant kasi ang mahal don.

While we eating, we talk about her work. Thalia is a College Teacher. She start working three months ago.

Alam kong mahirap ang trabaho niya kasi di nalalayo ang edad niya sa edad ng mga estudyante niya.

She's 24 years old, same as me.

"You know Girl, may bago akong estudyante. Ang gwapo niya at macho pa. Crush ko na tuloy siya." kinikilig niyang wika.

Sira talaga toh kahit kailan. Sa dami nang pwedeng maging crush, yung estudyante niya pa.

"Child Abuse yang gawa mo, Thalia. Isusumbong kita sa DSWD." biro ko at sumubo ako ng inorder kong pagkain.

"Okay lang, gusto mo samahan pa kita." balik niyang biro.

Napatawa ako sa sinabi niya. Dapat naging komedyante toh kaysa naging teacher. Sa ugali niya kasi, di mo aakalain na isa siyang guro.

"Ewan ko sayo. Para kang hindi guro sa pinagsasabi mo."

"Ito naman hindi mabiro. Mabait kaya akong guro sabi nung mga studyante ko." saad niya habang ngumunguya.

"Asus! Binobola ka lang naman nila para mataas ang ibigay mong grade sa kanila." ani ko.

"Oyy hindi ako nadadaan sa mga ganyan, alam mo yan." natatawang sabi niya.

Tumango-tango ako sa sinabi niya dahil totoo iyon. Ayaw niya kasi sa ganung klaseng guro na nadadala lang sa mga bola-bola ng studyante.

Nang matapos kaming kumain ay nagyaya siyang pumunta sa arcade para maglaro.

"Ehem! Libre." pagpaparinig ko sa kanya.

Napatingin naman siya sakin at kumunot ang noo.

"Baka naman pwede mo akong ilibre kasi ikaw ang nagyaya." saad ko at nag beautiful eyes ako para pumayag siya.

"Oo na, libre ko na. Ang pangit mo pa namang magpacute diyan."

Pinalo ko siya sa braso dahil sa sinabi niya.

Naglaro kami ng naglaro sa arcade hanggang sa sumapit ang alas-5. Naisipan na naming umuwi na bago pa kami abutan ng dilim sa daan. Hindi na kami kumain ng gabihan dahil sa sobrang pagod.

Nakahiga na ako sa nilatag kong sapin sa sahig ng kwarto ni Thalia. Mahimbing na ang tulog niya sa sariling kama nito.

Napangiti ako nang marinig ko ang mahinang hilik niya. Naging masaya ang araw ko ngayon kaya nakangiti akong natulog.

Sana magtuloy tuloy na ang masasayang araw ko.

___________________

Only Star Can See (Inspired Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon