Chapter Six

0 0 0
                                    

One week passed since I saw him. It's been week but the pain in my heart is still here in my heart.

After that day, I didn't see him in our town so I conclude that he is having his vacation in their house that located before our town.

The rumors that Thalia said is true. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit sa laki ng bayan nila ay napadpad pa siya dito sa amin.

Hindi ko na muna yun iniisip sa ngayon dahil ang laki na naman ng problema ko dito sa bahay.

I already go back in our house, three days ago. House. You know, I'm not a part of their family but they still want me to stay because of my money. As usual, nothing change on their attitude towards me.

Sumasakit ulo ko sa problemang binungad nila agad sa akin pag-uwi ko. Kaya naman pala sila tawag ng tawag sa akin dahil may problema na naman sa bahay.

"Ma, bakit kasi di niyo binabayaran yung kuryente natin? Mapuputulan tayo niyan kapag di pa tayo nakapagbayad sa susunod na linggo." problemado kong sabi.

Nakatayo ako sa harap niya habang tinitingnan siya. Sinulyapan niya lang ako saglit at bumalik na ang tingin sa hawak niyang cellphone.

Nakita ko pang umismid ito bago sumagot.

"Paano ko babayaran yang bill sa kuryente kung naipambili ko na sa mga damit at sapatos ng kapatid mo." masungit niton sabi.

"Pero Ma, para sa bill ng kuryente yung perang yun ahh!" hindi ko maiwasang sumigaw dahil sa problemang ito.

Napatigil si Mama sa ginagawa niya at galit na tumayo paharap sa akin.

"Wag mo akong sigawan, Zeiphorah. Kung pinahiram mo sana ako ng pera noon edi sana nabayaran ko yang lintik na bill na yan." sigaw niya sa akin habang dinuduro duro ako.

Hindi ko maiwasang masaktan sa ginagawa niya kahit na sanay na ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong dinuro-duro ng ganyan pero hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako.

Alam kong parang simpleng turo lang yun pero iba ang impact sakin nun.

Na sa bawat duro niya sakin ay palaging may kalakip na kahulugang nakakapagdurog ng puso ko.

Ang hindi na dapat ako nabuhay sa mundong ito. Na kasalan ang ipanganak ako.

Naramdaman kong may namumuong-luha sa gilid ng mata ko pero pinipigilan ko itong tumulo.

"Mas importante pa po ba yung bagong gamit ni Zabrina kaysa sa bill natin, Ma?" tanong ko sa kanya.

"Malamang na mas importante yun dahil mas kailangan iyon ng kapatid mo." baliwalang sagot nito.

Bumuntong-hininga na lang ako sa sagot niya. Ano pa ba aasahan mo, Nyx? Eh sa mas importante yung kapatid mo kaysa sa pangangailangan ng bahay na ito.

"Paano kung maputulan po tayo ng kuryente? Paano mo po mababayaran yun bill kung ganon?"

Alam ko na isasagot niya sa tanong ko.

"Bayaran mo muna kung may pera ka pa dyan. Kung wala mangutang ka muna basta wag mong hayaan na maputulan tayo ng kuryente. Nakakahiya naman sa kabitbahay natin kung naputulan tayo." baliwala niyang sagot at umalis na siya harapan ko.

Nahiya pa siya sa kabitbahay namin. Sa akin hindi na nahiya dahil ako pa ang magbabayad ng bill namin na dapat ay bayad na ngayon.

As I expected, sa akin din nila ipapasa ang problemang sila ang gumawa.

Ito ata role ko sa bahay na ito. Ang solusyonan ang problema sa bahay na sila ang gumawa.

Pera ko na nga yung ginastos tapos ako pa sasalo sa bayarin ng bill na kung sana binayaran eh wala akong problema ngayon.

May trabaho nga sana si Papa kaya lang asa naman ako na tutulungan niya ko.

Sa luho lang ng dalawa kong kapatid at ni Mama napupunta ang sweldo nun. Kung ano-ano kasi ang pinagbibili sa sahod ni Papa.

"Thalia, sorry kung sayo ako humiram ng pera. Wala kasi akong ibang mauutangan eh. Wala rin naman kasi ako gaanong kakilala na pwedeng mahiraman ng pera." hingi kong pasensiya sa kanya.

Tinawagan ko siya kanina para humiram muna ng pera dahil hindi naging maganda ang benta ng shop noong nakaraan kaya konti lang ang hawak kong pera.

Ayaw ko naman iyon ang ipangbayad ko dahil kailangan ko rin ng pera para sa sarili ko. Idagdag ko pa iyong tinitipon kong pera sa banko. Ako kasi yung tipo ng tao na kahit kaunting pera ay tinitipon ko para sa emergency purposes.

Hindi ito alam ng pamilya ko kaya minsan malakas ang loob kung tumanggi kapag humuhingi sila ng pera.

It is my saving for myself not for them. Alam kung selfish man tingnan para sa iba pero inaalala ko rin naman sarili ko sa oras na ipagtabuyan na talaga nila ako ng tuluyan.

"Ano ka ba naman, Girl. Hindi mo naman kailangang mag-sorry kasi di mo naman kasalanan na mukhang pera at kuripot ang pamilya mo." saad niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Maaasahan ko talaga ang bestfriend ko sa oras ng kagipitan.

"Babayaran kita kapag nakabenta ako ng marami sa shop. Gusto mo ilibre pa kita sa araw na yun?" yaya ko sa kanya. Siya kasi palagi ang nanglilibre sa aming dalawa kapag namamasyal kami. Mayaman kasi sila kaya ang lakas ng loob manglibre.

"Ayy bet ko yan. Game ako. I will wait for that day. Makakatikim rin ako ng libre mo." natatawang sabi niya.

Napatawa rin ako sa sinabi niya. Minsan lang kasi ako manlibre sa kanya.

Gabi na ng matapos ang kulitan namin sa tawag. I open the window of my room to breathe some fresh air.

The moon is already out and stars is already spread in the sky.

I just stared at the moon and stars while waiting for a fallen stars. Old habits never die.

Minutes passed staring at them when I saw in my peripheral vision a familiar car in front of our neighbors.

Hindi ko sana yun papansinin pero naalala kong wala namang kotse sila Aling Nina. Nagtataka man ay pinabayaan ko na lang.

Baka bisita lang nila yun dahil parang nakita ko na yung kotseng iyon.

I just shrugged it and continue waiting for a fallen star. But like the other nights, I waited for nothing.

Malungkot akong ngumiti sa langit bago naisipang isara ang bintana para matulog na.

Nang makahiga sa kama ko ay nakatulog agad ako at sa panaginip ko ay natupad ang aking hiling.

______________________________

Only Star Can See (Inspired Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon