"Can you stay here tonight? I just want to be with you, Zeipy. Please kahit ito lang." pakiusap sa akin ni Acrux.
Katatapos lang namim kumain ng pang gabihan. Gabi na kasi akong nagising kaya dito na niya ako pinakain.
Gusto ko na sanang umuwi ngayon dahil masyado na akong nagiging malapit sa kanya pero pinigilan niya ako.
"Kahit ihatid pa kita bukas basta dito ka muna ngayong gabi."
Tumingin ako sa kanya na nakatayo sa harap ko. Hinarangan niya kasi ako noong tinangka kong umalis.
"Acrux, please lang din. Tama na, salamat na lang sa malasakit mo sa akin pero aalis na ako." aniya ko at tinangkang umalis na pero humarang na naman siya sa harap ko.
"No. Walang aalis, dito ka lang at nang mapag-usapan natin ang problema noon. Matagal ko nang gusto sayong sabihin ito kaya hindi ko pakakawalan ang tiyansang makapagpaliwanag sayo" matigas niyang sabi.
Napatawa sa sinabi niya at umiling-iling pa.
"Ngayon mo pa naisipang pag-usapan yan? Limang taon na ang nakakalipas, Acrux. Wala ng saysay yang paliwanag mo. Sa tagal ng panahon ang lumipas, wala nang magbabago." mahabang paliwanag ko sa kanya.
"Pero mababago ko yang laman ng isip at puso mo. Alam kung puro pagkamuhi at galit ang laman niyan. Hanggang kailan mo dadalhin yan galit mo para sa amin?" puno ng awa niyang saad habang nakitingin sa aking mata.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Hanggang kailan ko nga ba dadalhin ito. Sa mga nakalipas na taon, puno ng galit ang puso ko dahil sa nalaman ko sa kanila. Iyon ang itinatak ng isip ko kaya hanggang ngayon ay daladala ko pa rin.
"Huli na ito. Bibigyan kita ng buong gabi para makapaliwanag ka pero bukas na bukas ay aaliks na ako dito." mahinahon kong wika pero nagsimula ng umusbong ang kaba sa aking dibdib.
Pumayag ako sa sinabi niya dahil alam ko sa sarili ko na gusto kong malaman ang totoo. Galit man ako sa kanya pero hindi maiwasang hindi isipin na baka hindi totoo ang nalaman ko noon.
"Pwede bang sa terrace na lang tayo mag usap? Maaliwalas ang hangin doon at magandang tanawin ang mga bituin sa langit." yaya niya.
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya noong pumunta siya sa terrace. Umupo kami sa upuan doon at tahimik na pinagmasdan ang syudad at bituin sa langit.
Maganda ngang tingnan ang nagkikislapang mga bituin sa maitim na langit. Nakadagdag pang atraksiyon dito ang mga ilaw mula sa nagtataasang gusali.
Wala sa amin ang nagsalita kaya halos anim na minuto na kaming nakatulala sa langit.
Napabuntong hininga si Acrux bago nagsalita.
"I was born with a complete and happy family. My parents are both into businesses and they love each other. I always dream for that love someday. Ako ang sumobaybay sa pagmamahalan nila hanggang sa ipanganak ang kapatid ko, si Beathrix." kwento niya sa akin.
Hindi ako kumibo kahit na alam ko na ang kwentong iyon.
"Masaya naman kaming namumuhay noon hanggang sa may dumating na isang malaking problema sa aming pamilya. Kakasimula ko pa lang noon sa college ng malaman kong may kabit si Papa."
Napasinghap ako sa aking nalaman. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Mahirap mang paniwalaan dahil saksi ako kung gaano kamahal nila Mama at Papa ang isa't isa ay iyon ang totoo. Nakita mismo ng dalawang mata ko ang pagtataksil ni Papa kasama ang kabit niya." nakita kong kumuyom ang kayang kamay dahil sa pagpigil ng galit. Naalala niya siguro ang pangyayaring iyon.
"Acrux." bulong ko sa pangalan niya para sana ay patigilin muna siya dahil alam kong masakit para sa kanya ang nangyari noon.
Hindi niya pinansin ang pagtawag ko at pinagpatuloy ang pagkwekwento.
"Simula noon ay nagkawatak-watak na ang dating kompleto naming pamilya. Palaging lasing si Mama at si Papa naman ay bihira nang umuwi sa bahay kaya kami na lang ni Beathrix ang kasama ni Mama doon."
"Ganoon ang set-up naming pamilya hanggang sa malaman namin na namatay sa isang car accident si Papa. Mas lalong naging malungkot si Mama dahil doon at sinisisi niya sa kabit ni Papa ang lahat ng nangyari." malungkot nitong wika.
Tulala naman akong nakatingin sa langit habang winawaglit sa isipan ang bumubuong ideya dito.
"Ayon daw sa mga nakasaksi ng pangyayari mabilis daw ang takbo ng kotse ni Papa dahil may hinahabol daw itong babae kaya hindi daw nito nakita ang pasalubong na isang truck. Sinisi ni Mama ang kabit ni Papa dahil malapit sa insidenteng iyon ang bahay ng kabit nito."
Malungkot itong tumingin sa akin. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin kaya mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo.
"Sabi ni Mama ay Rinalyn Mendez daw ang pangalan ng kabit ni Papa." mahinang sabi nito pero dahil sa katahimikan ng gabi ay narinig ko iyon.
Nanghina ang tuhod ko sa nalaman ko. Bigla na lang akong napaupo ulit sa kawalan ng lakas. Kahit na ganoon na ang pumasok na ideya sa utak ko ay di pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko.
Kaya ba nila ako niloko dahil doon.
Tila nabasa niya ang nasa isip ko dahil nagsalita ulit siya.
"Alam ni Mama ang lahat ng tungkol sa kabit ni Papa. At ng dahil sa sobrang galit niya dito ay inutusan niya kami ng kapatid ko na maghigante."
Namuo agad sa gilid ng mata ko ang aking luha. Hindi ko maiwasang magalit sa Mama niya dahil doon.
"Sabi ni Mama ay may panganay na anak si Rinalyn kaya iyon daw ang paghigantihan naming magkapatid. Kaibiganin at paibigin saka namin iiwan para maranasan daw nito kung ano ang naranasan niya mula sa Nanay niya at Papa ko. Hindi ko naman aakalain na babae pala ito. " tumingin ito sa akin na puno ng pagsisisi.
Napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko kaya halos wala na akong makita.
Hindi rin ako makahinga ng maayos. Namamanhid na ang aking katawan sa sobrang pag-iyak.
Agad akong niyakap ni Acrux nang makitang umiiyak at nasasaktan ako sa nalaman ko.
Hindi ko alam na ganun pala kalalim ang galit ng Mama niya sa Mama ko para idamay kaming mga anak nila.
Akala ko noon ay ayaw lang sa akin ng Mama nila dahil mahirap lang kami. Iyon pala ay mas malala pa. Alam ko na inutos ng Mama nila na lokohin at saktan ako pero hindi nila sinabi sa akin ang dahilan.
Ngayon na nalaman ko ang dahilan ay hindi ko maiwasang magalit kay Mama. Bakit ako ang sasalo sa mga kasalanan na sila ang gumawa.
"Stop crying, I know what we did was wrong. Sinunod namin ang kagustuhan ni Mama." narinig kong wika niya habang hinahaplos ang aking buhok.
"Y-yung unang pagkikita natin kasama ba iyon sa plano niyo maski ang p-paglapit sa akin ni Beathrix?" nauutal kong tanong kahit pa alam ko na masasaktan na naman ako kapag nalaman ko ang totoo.
Humiwalay ako sa yakap niya nang hindi ko siya sumagot. Nakita kong nakayuko lang siya na parang ayaw sagutin ang tanong ko.
"Bakit pa ba ako magtataka? Sayo na nga mismo nanggaling ang totoo. Noon palagi kong iniisip kung maswerte talaga ako dahil nakilala ko kayong magkapatid. Palagi akong nagpapasalamat noon sa Diyos na binigyan niya ako ng taong magmamahal din sa akin na hindi maibigay ng pamilya ko." umiiyak kong sabi sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim dahil hindi na naman ako makahinga ng maayos.
"I'm sorry, Zeipy, kung nagawa namin iyon sa iyo pero maniwala ka sa akin noong nakilala ka namin ng lubusan ay itinigil namin ang plano. Alam namin ni Beathrix na magagalit sa amin si Mama pero hindi rin kaya ng konsensiya namin na saktan ka dahil napalapit na kami sayo." diretso siyang nakatingin sa akin kaya kita ko sa dalawang mata niya na totoo ang kanyang sinasabi.
Malakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniyang asul na mata.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Totoong minahal kita noon, Zeipy. At mahal pa rin kita hanggang ngayon."
______________________________
BINABASA MO ANG
Only Star Can See (Inspired Series 1)
RomanceInspired Series 1 When a young heart wants their dreams to be granted, they will throw a coin in a wishing well. But Zeiphorah Nyx Mendez is different, her young heart doesn't believe the magic of a wishing well. She believe in the power of a fallen...