CHAPTER 48.
JUSTINE
"Don't worry. Everything will be alright." Sabi niya sakin kaya naman napatingin ako sa kanya agad.
"I'll do everything just to protect you." Dugtong nya pa. He caressed my cheeks.
"Don't sacrifice yourself. Kailangan kita." Sabi ko naman sa kanya. Ngumiti siya sa'kin ng matamis.
"I won't. Don't worry. I'm going to protect you and I know that you'll be watching my back." Sagot niya sa'kin.
"Buti alam mo 'yon. Talagang babantayan din kita habang binabantayan mo ko para alam kong ligtas tayong dalawa." Masayang komento ko.
"May plano na po ba kayo, daddy?" Tanong ko kay daddy. Tumango naman siya sa'kin bilang sagot.
"May plano na kami. Pero dapat makasiguro muna tayo na tama nga ang mga impormasyon na nalaman naming para walang mapamahak sa'tin kahit sino." Sabi ni dad.
"Ano po 'yun, ninong?" Tanong naman ni kuya RJ. Napatingin naman kaming lahat sa kanila dahil hinihintay namin ang magiging sagot nila.
"Lahat naman kayo marunong manghack diba?" Tanong ni daddy sa'min.
"Hindi ako marunong manghack." Sagot ko naman. Nagpipigil naman ng tawa sila Lars at Tristan dahil sa sinabi ko.
"Laugh and I'll kill you." Kalmado pero mapanganib na pagbabanta ni Quin sa kanila. Kaya naman napatahimik sila agad.
"Ayan kasi, ang kukulit. Pinagbantaan tuloy kayo." Komento naman ni Clyde habang nailing.
"Kailangan niyo nang turuan kung paano manghack si JB." Sabi ni dad. Nakita ko namang napangisi si Quin dahil doon.
"I'll be the one to teach you." Sabi ni Quin sa'kin na may malaking ngisi sa mga labi niya.
'May plano ata 'tong isang 'to ah.' Sabi ko sa isip ko.
"May plano ka noh?" Tanong ko sa kanya. Mas lalo namang lumaki 'yung pagngisi niya sa'kin.
"I don't have any plans babe. Why?" Inosente niyang tanong sa'kin. Siningkitan ko naman siya ng mata pero hindi pa rin siya nagpatinag.
"Subukan mong may gawin sa kanya talagang mananagot ka sa'kin." Pagbabanta din ni dad sa kanya.
"Dad, wala naman talaga eh." Hirit niya pa. Natatawa na sila Xander dahil dito. Buti pa si dad ay kumakampe sa'kin.
"Okay na. Ito na 'yung files." Napatingin kami kanila ate Reine at ate Ghail dahil sa mga sinabi nila.
'Files? Anong files? Para saan 'yung mga files na 'yon at tungkol saan?' Tanong ko sa isip ko.
"Mga hackers nga naman 'yung mga miyembro dito oh. Ang bibilis eh!" Natatawang saad naman ni Kris.
"Nagsalita ang hindi hacker." Sabi naman ni Zerah sa kanya. Napatigin naman si Kris sa kanya dahil doon.
"Talagang trip mo ko noh?" Tanong naman ni Kris sa kanya. Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa dahil halata naman na may gusto sila sa isa't isa.
"Kilala ang org ni Zach Lutrereal sa pag transact ng mga illegal na baril at gamot." Saad ni ate Ghail samin. Napatingin naman ako sa direksyon niya.
"Illegal na gamot? That means-"
"Drugs." Pagpapatuloy ni Quin sa sasabihin ko.
"May gano'n pala kapag sa mga transactions. Kala ko mga baril at armas lang ang mga tina-transact." Sabi ko naman.
"In underground transactions, you are free to transact all the things that you want to transact even drugs." Pagpapaliwanang naman ni Quin sakin.
"Pero kung gano'n, mga addict sila. So, ibig sabihin din no'n ay nagbe-benta din kayo?" Sabi ko naman.
"Nope. We're not selling illegal drugs in the underground, only illegal guns. Dad doesn't want to do that, that's why." Paliwanag naman niya.
"And, about theme being addict, they're not. Those drugs have its own poison. Kung gagamitin mo 'yun after 5 seconds patay ka na." Sagot naman ni Quin sa'kin.
Bigla naman akong may naalala tungkol sa uri ng lason na 'yon dahil para may narinig ako noon tungkol doon pero hindi ko lang maalala kung kanino.
"Parang pamilyar 'yan ah? Parang may narinig ako tungkol diyan kaso hindi ko maalala kung saan o kung kanino." Komento ko naman.
"Maybe, no'ng nasa hotel tayo? Mula sa mga kalaban na nandoon?" Tanong ni Kris at napa-isip din silang lahat.
"Sa dami ng taong nandoon, mahirap maalala kung saan niya narinig 'yon eh." Komento naman ni kuya RJ.
"Tama si kuya doon. Mahirap nang maalala kung sino ang nagsabi no'n dahil sa maraming grupo ang nandoon." Pagsang-ayon ni kuya Bernard.
"Impossible naman kung 'yung lalaking humablot sa'kin ang nagsabi no'n kasi medyo weird siya." Komento ko nang naalala ko 'yung naka-usap kong lalaki.
"Lalaki? Sinong lalaki?" Tanong ni ate Reine sa'kin.
"Hindi ko masyadong maalala ang mukha niya eh. Hindi ko kasi siya masyadong tinitigan dahil nag-iisip ako ng paraan kung paano ako makakatakas sa kaniya no'n." Sagot ko.
"Gano'n ba? Mukhang mahihirapan tayong malaman kung sino siya pero buti na lang at hindi ka niya nasaktan." Komento ni ate Ghail.
Tumahimik kaming lahat habang nag-iisip kung saan ako nakarinig ng tungkol sa lason na 'yon nang bigla kong naalala kung ano ang tawag sa lason na 'yon at kung kanino ko ito narinig.
"Floral Poison." Bulong ko naman sa sarili ko. Alam kong narinig nila ako kaya sila napatigin sa'kin.
"Floral Poison?" Takang tanong naman ni Lars sa'kin.
Natandaan ko lang naman 'yung sinabi sa'kin ni mommy bago siya tuluyang mahulog sa building. Binulong niya 'yun pero hindi ko naman naintindihan 'yun no'ng una pero ngayon, parang alam ko na.
"'Yun 'yung huling binanggit sa'kin ni mommy bago siya tuluyang mahulog sa building na 'yun." Sabi ko naman sakanila.
(Insert Song as ringtone: Realize by: Colbie Caillat.)
Napatingin naman ako sa phone ko dahil may nag-text sa'kin at nakita ko 'yung number ni mommy.
'You must know everything and anything before he kills you. Prepare for the war. Protect your people and love ones. The Floral Poison will kill each one of you.
I want you to know that I love you as my daughter and that is the reason why I'm doing this. Floral Poison is in the drink of your brother's drink.'
Pagkabasa ko no'n ay agad akong napatingin kay kuya RJ at nakita kong iinomin na niya 'yung tubig kaya naman agad kong inagaw 'yun mula sa kanya.
"Bakit Brent?" Takang tanong niya sa'kin. Tumunog ulit 'yung phone ko at isa pa rin 'yun sa text ni mommy sa'kin.
'You can smell the poison in the drink. But be careful because it has a toxic smell. I'll sacrifice myself to protect and save you from him.'
Inamoy ko 'yung inumin at naamoy ko nga na may lason. Agad ko naman binato 'yung baso at tinawagan na si mommy.
"Ano po ba talaga ang mron ngayon?! Ba't mo po 'to ginagawa ngayon?" Asar kong tanong kay mommy.
"Ginagawa mo ang lahat para mailigtas sila. Nandito lang ako para gabayan ka." Sagot naman niya sa'kin.
"Gabayan? Gabayan po saan?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Mahal kita anak. Sana nararamdaman mo 'yun." Sabi niya sa'kin at binaba na niya 'yung telepono niya.
•••• END OF CHAPTER 48. ••••
BINABASA MO ANG
The Sadist Is Married To A Mafia Boss
RomanceSi Justine Brent Salonga ay isang mabait, inosente, down to earth, sweet, masayahin, positive thinker, slow ng kaunti at higit sa lahat isang SADISTA. Si Moon Jaoquin Valencia ay isang brutal, masungit, laging naka poker face, cold, matalino, lagin...