CHAPTER 31.
JUSTINE
Pagkauwi namin sa bahay ay agad kaming sinalubong ni Foxy at agad ko siyang niyakap saka hinimas ang likod.
"Kamusta, Foxy? Hindi mo naman kami na-miss ng todo, diba?" Tanong ko at dinilaan niya ko sa mukha.
"Na-miss din kita." Hinalikan ko siya sa ulo at hinimas naman ni Quin ang ulo ni Foxy.
"Sorry if we went home late, Foxy. Let me prepare your food." Sabi niya at umalis na siya para pumunta sa kusina.
"Sa kusina tayo para makakain ka na agad." Pag-aya ko at naglakad na kami papunta sa kusina.
Pagkarating naming doon ay nilapag na ni Quin ang lalagyanan ng pagkain ni Foxy at agad naman niyang kinain ang pagkain.
"Quin, sa tingin mo ba, mabilis akong matututo?" Tanong ko at umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Can I be honest?" Tumango ako sa kaniya.
"To be honest, it's going to be your choice. Mabilis kang matututo kung determinado ka at hindi natatakot sa mga possibleng mangyari." Sagot niya.
"Because when I was at your place before, hindi din ako mabilis matuto because I am afraid. Because I was taken over by my fear." Pagkwento niya pa.
"So, para matuto ay dapat ready ako? Physically at mentally?" Tumango siya at napabuntong hininga na lang.
"You need to rest now, babe. So that, tomorrow you're ready. Okay?" Hinalikan niya ko sa noo at tumango ako.
"Naiintindihan ko. Good night."
"Good night, babe. Sweet dreams." Bati niya pabalik at tumayo na ko saka tumingin kay Foxy.
"Kain ka lang, Foxy. 'Wag kang magmadali. Hindi koi la-lock ang pintuan ng kwarto ko para sa'yo." Saad ko at umakyat na ko sa kwarto ko.
♥♥♥♥♥♥
Ala-cinco na ng umaga at gising na ko dahil sa ngayon na mang-uumpisa ang training ko na tinutukoy nilang lahat kahapon.
Maaga akong ginising ni Joaquin dahil ngayon na daw mag-uumpisa 'yung training ko. Tinatamad pa akong tumayo mula sa kama ko.
Matutulog sana ulit ako nang biglang ibinalibag ni Joaquin 'yung pintuan ng kwarto ko kaya naman nagising ako ng wala sa oras.
Narinig ko ring tumahol ng malakas si Foxy kay Joaquin at halatang galit nag alit siya dahil hula ko ay naistorbo din ang tulog niya.
"Hindi ba pwedeng mamaya na lang?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ngumisi muna siya bago sumagot. Bigla naman akong kinabahan dahil do'n.
"Kapag hindi ka pa bumangon diyan mula sa kama mo..." Sabi niya at naglakad siya palapit sa'kin.
Tinapat niya 'yung bibig niya sa tenga ko at may ibinulong siya sa'kin. Naamoy ko pa ang amoy ng sabon na ginamit niya.
"I'll make love to you right here, right now." Sabi niya kaya naman napatayo agad ako mula sa kama ko at pumasok na sa loob ng banyo.
"S-sabi ko nga babangon na ko eh. Sabi ko nga ngayon na tayo mag-practice eh." Sabi ko sa kanya pagkasara ko ng pintuan.
JOAQUIN
Pagkapasok ni JB sa loob ng banyo ay bumaba na ko papuntang sala at nakita ko do'n si Tristan na naka-upo sa sofa.
"Yo! Grabe naman 'yun. Talagang tinakot mo pa siya ah." He said with a smirk. I smirk at him too.
BINABASA MO ANG
The Sadist Is Married To A Mafia Boss
RomanceSi Justine Brent Salonga ay isang mabait, inosente, down to earth, sweet, masayahin, positive thinker, slow ng kaunti at higit sa lahat isang SADISTA. Si Moon Jaoquin Valencia ay isang brutal, masungit, laging naka poker face, cold, matalino, lagin...