Chapter 30.

8.4K 214 0
                                    

CHAPTER 30.

RJ

Tahimik lang kaming lahat dito nang bumalik na sila Joaquin at Brent sa loob ng kwarto ko nang tahimik.

Nakita ko si Brent na namamaga 'yung mga mata niya. Hula ko umiyak siya dahil sa nalaman niya.

Alam kong nasa isip niya na nang dahil sa kanya ay dinanas ko 'to. Pero hindi ko naman siya sinisisi dahil wala siyang kasalanan dito.

Naromal lang naman na mangyari 'to kaya dapat hindi siya ma-guilty sa isang kasalanan na wala naman siyang kinalaman.

Parte 'to ng parusa nila mommy sa kanya. But she doesn't deserve this kind of punishment. Kahit na sabihin nating makulit siya noon, hindi dapat ganito ang parusa sa kaniya.

Kaya naman wala na kaming magagawa kundi mag-rebelde kanila mommy at daddy. Kaming dalawa ni Bernard, parehas na kaming nagre-rebelde sa kanila.

Kailangan naming gawin ang lahat para lang protektahan si Brent kahit mula pa kanila mommy at daddy.

'Dahil sa kanila ay nawalan ng alala si Brent. Dahil sa kanila ay naghi-hirap siya nang husto.

At... Dahil din sa kanila ay hindi na niya maalala 'yung pinangako namin sa kanya ni Bernard noon.' Komento ko pa sa isip ko.

Kaya wala na kaming magagawa kundi gawin 'to ayon sa mga kagustuhan namin para sa kapatid naming babae.

"Tandaan mo lagi na wala kang kasalanan sa mga nangyari, Brent." Paalala ko sa kaniya at tumango siya.

"Kuya, may plano ka na ba?" Tanong sakin ni Bernard. Huminga ako ng malalim at umiling.

"Sa ngayon, wala pa ko naiisip." Sagot ko naman sa kanya. Hindi ko na din naman alama kung ap ang dapat naming gawin sa ngayon laban sa mga kalaban.

Ang naiisip ko pa lang ay turuan si Brent tungkol sa lahat ng mga kailangan niyang malaman para naman makapaghanda din siya sa mga pwedeng mangyari ngayon.

"Bigyan natin si Brent ng training sa pagiging mafia boss." Sabi ko sa kanila. Nakita ko naman si Brent na nagulat dahil sa sinabi ko.

"Para matutunan niyang protektahan ang sarili niya. Maghati-hati tayo ng gagawin para mapabilis ang pagtuto niya." Dugtong ko pa.

"P-pero..." Sabi niya. Pero hindi niya natuloy dahil bigla siyang hinalikan ni Joaquin... sa harap namin!

"Shh... Don't worry. I'll help you. We'll help you. We're a group, babe. We're going to help each other as a group. Understand that?" Bulong niya kay Brent.

"Okay. Naiintindihan ko, Quin." Sagot naman niya kay Joaquin habang natango.

"Wooohhh! Para-paraan nga naman oh! Para makahalik lang." React naman ni Bernard. Agad naman siyang pinalo ng mahina ni Reine.

"Hayaan mo na siya, ganiyan ka din naman eh." Komento niya at nagtawanan na ang lahat.

Nang may nagbukas ng pintuan ay kanya-kanyang bunot sila ng mga baril nila. Kaya naman napataas ng dalawang kamay sila Tristan at Lars.

"Whoa! Wait lang! Nakakamatay 'yan! Kami lang naman 'to eh." Sabi ni Lars.

"Masyado naman kayong mga kabado." Sabi naman ni Tristan. Tuluyan na silang pumasok sa loob ng kwarto.

"Bakit ngayon lang kayo dumating dito?" Tanong ni Martin.

"Ahh... Ehh... ate Jus, sabi ng mommy niyo ikaw na daw talaga 'yung hahawak ng buong org. Hindi na nila pwedeng bawiin 'yung tungkol do'n." Sabi ni Lars.

The Sadist Is Married To A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon