Chapter 36.

6.9K 179 1
                                    

CHAPTER 36.

JUSTINE

Pagkapasok namin sa loob ng kwarto ay agad akong nagsalita.

"Sa tingin niyo ba nagsasabi ng totoo si Isis?" Tanong ko sa kanila. Nagtinginan silang lahat sa isa't isa.

"Hindi ko alam ate pero alam kong nagsasabi siya ng totoo." Sabi ni Lars. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Sa ating lahat, ako ang mas nakakakilala kay Isis kaya ko nasabi 'yon." At biglang bumukas 'yung pintuan at nakita namin si Joaquin.

"What's your plan?" Tanong niya sa'min. Umiling lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ko.

"Lars." Tawag ni Tristan kay Lars. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Mahirap 'to pero dapat natin siya pagkatiwalaan. Akon a ang bahala sa kaniya, ate." Sabi niya sa'min. Kaya naman nagkaroon na ko ng plano.

"Tignan na muna natin ang mga mangyayari. May mga susunod sa kanya. Kungyari pinagkakatiwalaan natin siya kahit na hindi naman. Kaya naman dapat hindi tayo magpahalata sa kanya." Sabi ko sa kanilang lahat. Tumango sila sa mga sinabi ko at lumabas na kami sa kwartong 'yun.

"Sige. Pagkakatiwalaan ka namin ngayon." Sabi ni kuya RJ kay Isis. Napatingin naman silang lahat sa'min. Tumango ako sakanila bilang pagsang-ayon.

Ngumiti naman si Isis sa'min. Pero may nakita ako sa mga ngiti niyang 'yun. Parang totoo ang ngiti na 'yun. Hindi ko siya kayang husgahan dahil sa hindi ko pa siya masyadong kilala sa personal.

Pero kailangan pa rin naming mag-ingat mula sa kanya. Kahit kailan talaga maaasahan talaga 'yung tinuro sa'kin ni Joaquin. Dapat talaga nag-psychology na lang ako eh.

Umalis na si Isis dahil magiis-spy pa DAW siya mula sa mga kalaban namin. Sana lang talaga ay mapagkakatiwalaan siya.

Ayokong may mapahamak sa'min o kaya may mamatay, hindi ko alam kung kakayanin ko pa kapag nangyari 'yon ngayon.

"Sigurado ba talaga kayo diyan?" Rinig kong tanong ni ate Ghail sa'min.

"Makisakay na lang tayo sa plano ni Brent." Sagot naman ni kuya RJ.

"Anong plano niyo ngayon?" Tanong naman ni ate Reine. Napatingin ako sa kanilang lahat.

"Kailangan muna natin magtiwala kay Isis. Pero... hindi natin sasabihin sa kanya ang tunay nating plano laban sa Oblivion." Sabi ko sa kanila. Napatigin naman sila sa'kin.

"Nakita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo. Pero kailangan pa ring manigurado." Sabi naman ni Joaquin sa'ming lahat.

"At totoo 'yung mga ngiti niya kanina. Pero baka may iba pa siyang plano kaya naman kailangan nating mag ingat sa kanya." Pagpapatuloy ko pa. Napangiti naman sila kuya Miggs dahil sa mga nalaman nila.

"So, 'yun ang plano natin. Kapag may ginawa siyang hindi dapat, papatayin na ba natin?" Tanong naman nila Kris.

"Oo. Tama ka nga dyan." Sagot ko naman sa kanya. Ngimisi silang lahat dahil sa sinagot ko sa kanila.

"'Yan ang gusto ko eh." Sabay-sabay nilang sabi sa'min.

"At kung mangyayari man 'yan, gusto kong ako mismo ang pumatay sa kaniya." Seryosong saad ni Lars at napapikit ng mga mata.

"Ano ba ang kakayahan ni Isis?" Tanong ko sa kanila.

"Isis Rhianne Maxwell. Isa siyang hired assassin sa Oblivion." Pagsisimula ni ate Reine.

"Sumali siya sa grupo ng Rokuzza para lang malaman nila kung sino ang heiress ng Alry." Pagpapatuloy niya pa.

"At gusto niya ring maghiganti sa boss ng mga Rokuzza dahil siya ang pumatay sa tatay niya." Dahil sa impormasyon na 'yun ay agad akong napalingon kay Joaquin.

"Si daddy 'yun at hindi ako." Sabi niya sa'kin.

"May sinabi ba kong ikaw 'yun?" Tanong ko sa kanya. Naghiyawan naman silang lahat dahil do'n.

"Pinag-aralan niyang gumamit ng sword, gun, knives at magaling din siyang makipaglaban ng martial arts at taekwando." Sabi naman ni Lars.

"Lars, alam kong mahirap kaya -" Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita.

"Ate okay lang. Matagal na kong nakapag move-on sa kanya." Sabi niya sakin. Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot.

"Kaya nga sabi ko ay ako na ang bahala sa kaniya." Dugtong niya pa at napangiti na lang ng onti.

"Ate Reine." Tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin at ngumiti.

Sinenyasan ko siya na sumunod sa'kin. Pumasok ulit kami sa loob ng kwarto na pinasukan ko kanina.

"Heiress." Tawag niya sa'kin. Pumikit muna ako bago ako magsalita.

"Alam kong katulad ka rin ni Isis." Sabi ko sa kanya. Halata naman na nagulat siya dahil sa sinabi ko.

"P-paano -" Hindi na niya natapos 'yung sasabihin niya dahil nagsalita agad ako.

"Nag-research ako tungkol sa'yo. Bilang kapatid ni kuya Bernard ayoko siyang nakikitang nasasaktan dahil lang sa pag-ibig." Sabi ko sa kanya. Napayuko naman siya dahil sa sinabi ko.

"Saka ginamit ko 'yung mga files na binigay ni kuya RJ sa'kin kagabi para makapag-research pa." Napayuko ako.

"Gusto ko lang talagang makasiguro na ligtas ang lahat. Hindi kakayanin ng konsensiya ko na mapahamak sila nang dahil sa'kin."

"Hindi ko rin kakayanin na pati ang kompanya nila Joaquin ay madamay din at bumagsak dahil sa'kin."

"Naiintindihan ko po, Heiress..." Mahinang saad niya at bumuntong hininga. Nakita ko din na malungkot siya.

"Alam ko po na no'ng una, gagamitin ko lang dapat siya. Pero nagbago ang lahat ng 'yun dahil sa nahulog ako sa kanya." Sabi niya naman sa'kin.

"Hindi kami magkatulad ni kuya Martin. Hindi siya traydor. Ako lang talaga." Mahinang sabi niya sa'kin.

"Pero, hindi ko na itutuloy 'yung plano ko dahil ayokong mapahamak si Bernard. Mahal na mahal ko na siya." Dugtong niya pa sa'kin. Napangiti naman ako dahil do'n.

"Gusto ko na ligtas lang siya at ayokong mapamahak siya kaya gumagawa din ako ng paraan para makasiguro na ligtas siya." Paliwanag niya pa.

"May balak naman akong sabihan siya kaso hindi muna ngayon dahil sa natatakot ako sa magiging reaksyon niya."

"Ate, hula ko ay makikinig naman siya at maiintindihan niya kung ipapaliwanag mo sa kaniya ang lahat." Komento ko.

"Alam ko. Ayoko lang talaga na isipin niyang trinaydor o ginamit ko lang siya kaya hindi ko masabi sa kaniya ng harapan." Sagot niya naman sa'kin.

Lumapit ako sa kanya at tinignan siya ng diretsyo sa mga mata niya. At nakita ko ngang sincere siya sa mga sinabi niya kanina.

"Sabihin mo na lahat ng alam mo. Sabihin mo na din ang dapat na plano mo hangga't maaga pa." Sabi ko sa kanya at lumabas na ko ng kwartong 'yun.

'Sana nga... sabihin na niya ang lahat ng alam niya.' Saad ko sa isip ko. Sana nga lang ay hindi magalit si Quin sa'kin dahil sa nag-imbestiga ako nang walang paalam sa kaniya.

•••• END OF CHAPTER 37. ••••

The Sadist Is Married To A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon