Chapter 27.

9.7K 264 2
                                    

CHAPTER 23.

REINE

Nandito nga pala ako sa ospital para bisitahin 'yung isa sa mga kaibigan namin na tinorture ng mga Ruki.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto niya ay nakita ko siyang mapayapang natutulog sa kama niya. Nilapitan ko si kuya Martin na natutulog aa bandang sofa habang nagbabantay.

"Kuya, pwede ka nang magpahinga. Ako na ang magbabantay sa kanya." Sabi ko kay kuya Martin at tumango siya.

"Sige. Ikaw na ang bahala sa kaniya. Magpapahinga lang muna ako sa condo ko." Paalam niya at tumayo sa kaniya hinalikan ako sa noo ko saka tuluyan na siyang umalis.

Papalit-palit kasi kami ng mga magbabantay sa kanya kaya naman halos lahat sila ay may gagawin habang nagpapahinga pa siya.

Bago pa tuluyang lumabas mula sa kwarto ay tumango ulit si kuya Martin sa'kin at ako na ang nagbantay kay kuya RJ. Ayon sa doktor, maraming nabaling buto mula kay kuya RJ. Kaya naman kailangan niyang mag-stay dito nang mas matagal.

Sana nga, kapag naalala na siya ni Justine ay magiging masaya na ulit siya. Simula kasi no'ng nawalan ng alaala si Justine ay nawalan na kami ng komunikasyon mula sa kanya noon.

Magkakabata kasi kaming lahat no'n at simula din sa pagkabata ay mahal na mahal nila Bernard at kuya RJ si Justine dahil siya lang ang nag-iisa nilang kapatid na babae.

"K-kamusta na si Brent, Reine?" Nagulat ako dahil bigla na lang siyang nagsalita. Base din sa tono ng boses niya ay hinang-hina pansiya.

"Okay lang siya. Nagkabati na silang dalawa ni Bernard." Sagot ko naman sa kanya.

"Buti naman. Sakit talaga sa ulo no'ng dalawang 'yun kapag nag-aaway." Sabi niya ulit.

"May kailangan ka pa ba? May masakit ba sa'yo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala naman. Gusto ko lang makita 'yung dalawa kong kapatid." Sagot naman niya sa'kin.

"Sabihan ko na lang si Bernard." Sabi ko ulit sa kanya. Tumango na lang siya bilang sagot sa'kin. Kinuha ko na ang phone ko para tawagan si Bernard para sabihan siya tungkol dito.

JUSTINE

"Kuya, dito na lang ako." Sabi ko kay kuya Bernard at hininto na niya 'yung sasakyan.

Simula kasi no'ng nagkabati kami ni kuya ay nagpresinta na siya na siya na lang daw ang maghahatid sa'kin papuntang school.

Si MJ naman ayon, pumayag para daw magkaroon daw kami ng bonding ni kuya. At siya na lang daw ang bahala sa paglalakad ni Foxy sa labas bago pumasok.

"Sige kuya, bye-bye." Sabi ko at naglakad na ko paalis.

"Mag ingat ka ah. Umuwi ka agad." Sabi sa'kin ni kuya. Lumingon ako at nag-thumbs up na lang ako bilang sagot sa kanya.

♥♥♥♥♥♥

Nag lakad-lakad muna ako sa buong building dahil hindi ko alam kung saan 'yung sinasabi ni Zerah na "private room" nila Joaquin.

Saan kaya banda 'yon? Dapat pala tinanong ko kung saang banda ang kwartong 'yon. Baka kasi nasa ibang luhar 'yon eh.

Habang naglalakad ako ay may narinig akong umuungol at narinig ko 'yun sa may isang bakanteng classroom na matagal nag hindi ginagamit.

Dahil sa curious ako sa kung ano meron sa classroom na 'yon ay sumilip ako sa isang maliit na parte na kung saan ako makakakita ng kahit na konti.

At nakita ko na naman sila Jay at Yuna na nagse-sex.Walang hiya! Bakit lagi na lang ako nakakakta ng mga rated SPG na scenes?

The Sadist Is Married To A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon