CHAPTER 37.
REINE
Lumabas na si heiress mula sa loob ng kwartong ito. Kinakabahan ako dahil kapag nalaman ni Bernard ang tungkol dito ay baka magalit siya sa'kin.
Paano kung makipaghiwalay siya sa'kin kapag nalaman niya ang totoo? Naaalala ko tuloy 'yung araw kung bakit ako sumali sa mafia group na Rokuzza.
♥♥♥♥♥♥
Pinatawag ako ni mommy dahil sa may sasabihin daw siyang importante sa'kin. Pumasok ako sa loob ng opisina niya.
Isa ako sa mga tagapag-mana ng mafia group na Oblivion kaya naman kailangan kong gawin ang lahat para lang maging isa ako sa mga magiging boss nito. Pagkakita ni mommy sa'kin sa loob ng opisina niya ay agad siyang nagsalita.
"Kailangan mong maging miyembro ng Rokuzza para madali lang sa'tin na matalo sila." Sabi niya sa'kin. Tumango ako bilang sagot sa kanya.
Sa simula palang naman ay 'yun na ang gusto ko dahil sila ang dahilan kung bakit namatay si daddy. Hindi. Pinatay pala nila si daddy sa harap mismo nila mommy at kuya Martin.
Pagkatpos niyang sabihin sakin ang lahat ng plano niya ay pumunta na agad ako sa base ng ng mga Rokuzza at Alry. Natuwa naman ako dahil agad nila akong tinanggap sa grupo nila.
Hanggang sa maiba na ang gusto kong gawin dahil sa nakilala ko si Bernard. Siya 'yung nag-iisang kakilala ko na sinusungitan lang ako at inaasar.
Hindi natatapos 'yung araw ko na hindi niya ko binubwiset. At huli na ang lahat no'ng nalaman ko na mahal ko na pala siya.
Kaya naman lahat ng dapat plano ko ay hindi ko na tinuloy dahil ako lang rin naman ang masasaktan sa huli.
♥♥♥♥♥♥
At do'n ko lang namalayan na umiiyak na pala ako dhil alm ko sa sarili ko na matagal ko nang niloloko si Bernard.
Wala na kong pake kung magagalit siya sa'kin o hindi. Basta kailangan kong gawin ang lahat para lang pagkatiwalaan nila ako. Lumabas na ko ng kwartong 'yun at lahat sila ay nakatigin sa direksyon ko.
"M-may kailangan kayong malaman tungkol sa'kin." Sabi ko sa kanilang lahat. Napatingin ako sa heiress at ngumiti sa kanya. Tumango naman siya sa'kin bilang sagot.
"I-isa rin akong hired assassin mula sa Oblivion. Pasensya na kung hindi ko sinabi agad sa inyo." Sabi ko nang nakayuko.
"Alam ko." Nagulat ako dahil sa sinagot ni Bernard. Napatingin naman ako sa kanya at nakita ko na walang reaksyon ang mukha niya. Seryoso siyang nakitingin sa'kin. Hindi ko rin mabasa kung ano 'yung nasa isipan niya.
"P-paano? Bakit wala kang sinabi? Bakit hindi mo ko sinabihan?" Tanong ko at may naramdaman na kong luha mula sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, pero isa lang ang alam ko at 'yun ay alam kong mawawala na sa'kin 'yung lalaking pinakamamahal ko.
"Alam ko ang lahat. No'ng nagre-research ako tungkol sa miyembro ng mga Oblivion ay nakita ko yung profile mo at ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi ko nakita 'yung kay Martin." Sagot niya sa'kin ng seryoso.
"Kailan mo pa alam ang tungkol dito?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na lumambot 'yung reaksyon sa mukha niya bago niya sagutin 'yung tanong ko
"Simula no'ng naging tayo." Sagot niya sa'kin. Mas lalo naman akong napaiyak dahil sa sagot niya. So, all this time ay minahal niya pa rin niya ako kahit na isa akong kalaban o traydor.
"Pero alam kong hindi mo na itutuloy 'yung plano mo dahil si Martin ay miyembro na ng Rokuzza o kaya kakampi na siya ng Alry." Dugtong niya pa sa'kin. Niyakap ako ni kuya Martin ng mahigpit.
"Kaya hindi ko o wala akong sinabi sa'yo na alam ko ang totoo dahil sa may tiwala ako sa'yo na hindi ka magta-traydor." Bulong niya.
"Hindi mo nakita 'yung profile ko as memeber ng Oblivion dahil bago ako maging miyembro ng grupong 'yun ay kakampi na ko ng Rokuzza. At alam kong alam mo ang tungkol do'n." Sabi ni kuya Martin habang nakatingin sa boss ng mga Rokuzza.
"Yeah. I know all about that. Dad told me everything that I need to know before giving me the org before." Sagot ni Joaquin kay kuya.
"Reine." Tawag sa'kin ni Bernard. Naglakad siya palapit sa'kin at niyakap niya ko ng mahigpit. Mas lalo akong napa-iyak dahil sa ginawa niya.
"Mahal kita. Mahal kita kaya pinagkakatiwalaan kita." Bulong niya sa'kin at mas lalong humigpit 'yung pagkakayakap niya sa'kin.
"Sabihin mo sa'min ang lahat ng alam mo para walang mapahamak kahit isa sa'tin." Sabi sa'kin ng heiress. Napatingin silang lahat sa'kin.
"Ang gusto ng mga Oblivion ay patayin ang lahat ng miyembro ng Rokuzza at Alry." Pagsisimula ko sa kanila.
"Dahil sa niloko ng mommy niyo ang boss ng mga Oblivion." Pagpapatuloy ko pa. Nakatingin ako sa kanilang lahat habang sinasabi ko 'yun sa kanila.
"Si mommy?" Tanong ni kuya RJ. Tumango ako sa kanila bilang sagot.
"Kaya nga pinaparusahan ng mommy niyo ang heiress dahil do'n." Sabi ko. Halata naman na nagulat sila kuya RJ dhil sa sinabi ko.
"Gustong patayin ng boss ng Oblivion ang heiress dahil sa kanya ay hindi na bumalik sa kanya ang pinakamamahal niya." Sabi ko pa sa kanila.
"Pero hindi naman tama 'yun!" Sigaw ni kuya RJ. Halatang galit na galit sila dahil sa nalaman nila mula sakin. Totoo ang mga sinasabi ko sa kanila. I'll never betray them at kahit na anong mangyari ay magiging tapat ako sa kanila.
"Pero bakit dahil sa'kin?" Tanong ng heiress.
"Dahil ikaw ang anak ng mommy niyo na magiging tagapag-mana ng org ninyo na dapat mapunta sa kamay ng mga Oblivion." Sagot ko sa tanong niya.
"Kung gano'n, kailangan nating magplano agad." Sabi naman ni kuya Martin. Tumango kaming lahat sa kanya.
"Wala pa kaming naiisip na plano kaya naman umuwi muna tayong lahat at magpahinga." Sabi ng heiress at naglakad na siya paalis. Tumakbo naman palapit sa kanya si Joaquin.
"Totoo ba 'yung mga sinabi mo kanina?" Tanong sa'kin ni Ghail. Tumango ako sa kanya bilang sagot.
"I'll never betray them at kahit na anong mangyari ay magiging tapat ako sa kanila." Sabi ko at naglakad na ko paalis. Naramdaman ko naman na sumunod sa'kin si Bernard.
Sumakay na kami sa sasakyan niya at hinatid na niya ako sa condo unit na tinutuluyan ko nang tahimik.
"Reine." Rinig kong tawag niya sa'kin.
"Nard, please trust me." Pagmamakaawa ko sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at hinalikan niya ko sa labi at niyakap niya ko ng mahigpit.
"I trust you. And I know all about you." Bulong niya sa'kin. At hinatid na niya ako papasok ng unit ko.
•••• END OF CHAPTER 37. ••••
BINABASA MO ANG
The Sadist Is Married To A Mafia Boss
RomanceSi Justine Brent Salonga ay isang mabait, inosente, down to earth, sweet, masayahin, positive thinker, slow ng kaunti at higit sa lahat isang SADISTA. Si Moon Jaoquin Valencia ay isang brutal, masungit, laging naka poker face, cold, matalino, lagin...