CHAPTER 39.
JUSTINE
Maaga akong nasa school dahil sa may pinuntahan pa ko kanina. Tinawagan kasi ako ni Lars kaya naman napapunta ako ng wala sa oras sa condo unit niya.
At laking gulat ko na lang ay nando'n din si Isis. At ang mas nakakagulat pa nga do'n ay suot-suot niya 'yung t-shirt ni Lars.
Ang sabi nga ni Lars sa'kin ay may ginawa daw sila kagabi. Kaya naman naging green-minded agad ako dahil do'n at sinabi nila sakin ang lahat ng dapat kong malaman.
♥♥♥♥♥♥
Pagkapasok ko sa loob ng condo ay umupo ako sa sofa at hinintay ang gustong sabihin ni Isis sa'kin.
Huminga muna ng malalim si Isis bago magsalita at pinikit ang mga mata niya. Ramdam ko ang kabang nararamdaman niya kaya naghintay ako para sa kaniya.
"Ang totoo po niyan ay si Zach Lutrereal at si Mary Hermosa ay dating magkasintahan. Dapat magpapakasal na silang dalawa nang biglang i-arrange ang marriage nila ni Alfred Salonga ng mga magulang nila." Paninimula niya.
"Gustong patayin ni Zach ang heiress dahil gusto niyang mapunta sa kanya ang Alry." Dugtong niya pa.
"Pero kung ako at ang Alry ang target niya, bakit sumali ka sa Rokuzza? Diba, parang mas madali akong ma-target if sa Alry ka sasali?" Tanong ko naman.
Ayoko mang ma-target o mapahamak dahil sa mga kalaban pero, hindi ko maiwasan na tanungin 'yan dahil sa tingin ko ay mas mapapadali ang misyon kung gano'n ang gagawin nila.
"Ang dahilan ay makikilala kami ni Mary kung sasali kami ng direkta sa Alry. Hindi man halata pero mahal ka niya at gusto ka niyang protektahan dahil ikaw ang anak niya, Heiress." Paliwanag niya.
"Ayaw niyang napapahamak ka kaya gumagawa din siya ng paraan para makasiguro na ligtas ka at ang mga kapatid mo." Dugtong niya pa.
Napa-isip ako sa mga narinig ko at simula pagkabata ay iba na ang tingin ko kanila mommy. Ang nararamdaman ko ay wala naman silang pake sa'kin dahil sa lagi silang busy sa trabaho at pati rin sila kuya ay nadadamay doon.
Hindi ko din naramdaman na mahalaga ako sa kanila at hindi ko din ramdam na mahal nila ako bilang anak pero sa mga narinig ko ngayon...
Mukhang nagkamali ata ako tungkol sa nararamdaman ko at mali ata ang pagkilala ko sa mga magulang ko. Napayukom ang kamao dahil sa mga nalaman ko.
"Simula pagkabata ay hindi ko naramdaman ang tinutukoy mong pagmamahal dahil sa busy siya lagi sa trabaho kasama ni daddy kaya hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa mga sinabi mo o hindi." Komento ko.
Nakita kong lumungkot si Lars dahil sa sinabi ko at napabuntong hininga na lang. Hiluminga ako ng malalim bago magsalita ulit.
"Pero, pagkakatiwalaan ko ang sinabi mo, Isis. Mukha kasing nagtitiwala si Lars sa'yo at siya ang mas nakakakilala sa'yo kesa sa'min." Napangiti siya.
"Talaga?! Hindi po kayo magsisis sa desisyon niyong 'yan, Heiress. Gagawin ang ko lahat para protektahan ka mula sa mga kalaban." Masayang saad niya at ngumiti ako.
Nag-aya na si Lars para kumain kaya naman sumabay na ko sa kanila habang nagtatanong pa rin tungkol sa mga bagay-bagay.
♥♥♥♥♥♥
At dahil do'n ay pinagkakatiwalaan ko na si Isis. Sinabihan ko na din 'yung iba at nagulat din sila sa mga nalaman nila kanina.
Naglalakad-lakad lang ako sa corridor ng biglang may nanghatak ulit sa'kin papasok sa isang room at nakita ko si Joaquin.
"Good morning babe." Bulong niya sakin at hinalikan niya ko sa labi. "Parang hindi mo ko nakita kaninang pagkagising mo ha?" Tanong ko sa kanya.
"I'm still sleepy." Sabi niya saikin at humiga sa couch sa loob ng private room niya. Sumunod naman ako sa kanya at nilagay ko 'yung ulo niya sa lap ko.
"Sing me a song." Sabi niya sa'kin. Napangiti naman ako dahil do'n.
(Insert Song: For You I Will by: Monica)
Hihihi! Dahil wala akong maisip na kanta ay ito na lang 'yung kinanta ko. Wala naman talaga akong maisip eh. Pero sa kantang 'to sana naman malaman niya na nandito lang ako para sa kanya at hindi ko siya iiwan.
Sana naman ay magustuhan niya ang pagkanta ko. Hindi kasi ako masyadong marunong kumanta eh. Sana ay ma-relax siya kahit na gano'n.
Kahit ano pa man yan ay gagawin ko pa rin ang lahat para lang sa kanya. Mahal na mahal ko siya kaya naman kahit na impossibleng gawin ang isang bagay ay gagawin ko pa rin 'yun para sa kaniya.
Kahit anong mangyari ay po-protektahan ko siya kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya 'yun. Para lang sa kanya, kakayanin ko pa rin dahil gano'n din 'yung ginawa niya para sa'kin.
Gagawin ko ang lahat para lang makasiguro na hindi siya mapapahamak at walang kahit sino ang mananakit sa kaniya.
Hindi ako makakapayag na masaktan siya at hindi din ako makakapayag na mapahamak ako para hindi na siya mag-alala pa.
Nang tapos na ko kumanta ay nakita kong mapayapa siyang natutulog. Hinalikan ko siya sa noo niya at tinitigan 'yung maamo niyang mukha. Pero hindi ko pa rn maiwasan na kabahan tungkol sa mangyayari sa susunod.
Kinakabahan ako para sa'min ni Joaquin. Para sa'min lahat. Sana naman matapos na 'to agad bago pa may mangyaring hindi dapat.
'Sana nga lang.'
"What's on your mind, babe?" Tanong niya sa'kin at napatingala para tumingin sa direksyon ko.
"Magpa-practice ako ng maigi para ma-protektahan kahit kanino - kahit na anong mangyari." Bulong ko at hinawakan niya ko sa pisnge.
"Babe, I'll help you. I'm not going to let you protect me all the time because I know how to protect myself. But, thank you for watching over me." Napangiti ako.
"Let's protect each other so that, no one can get hurt from the two of us, okay?" Tumango ako habang nakangiti.
"Magpa-practice pa ko para naman maging kasing galing kita - para hindi ako maging pabigat sa'yo, sa inyo."
"You're not a burden. Don't worry anymore. Everything will be okay, trust me." Hinalikan niya ang kamay ko at nakaramdam ako ng kilig.
Napatigil kaming dalawa nang may tumawag sa phone ko at agad kong kinuha 'yon mula sa bulsa at sinagot ang tawag ni kuya RJ.
"Hello, kuya? Bakit napatawag ka?" Tanong ko at umupo sa sofa si Joaquin. Tumingin siya ng seryoso sa direksyon ko.
"Kailangan niyo ni Joaquin na pumunta dito ngayon sa base. May mahalaga akong sasabihin." Seryosong saad niya.
"Gano'n ba, kuya? Okay, naiintindihan ko po. Sabihan ko na lang si Joaquin." Sagot ko naman sa kaniya.
"Sige. Ingat kayong dalawa sa pagpunta dito."
"Okay, kuya. Punta na agad kami diyan." Binaba ko na 'yung cellphone ko at napatingin kay Joaquin.
"Kailangan daw natin pumunta sa base sabi ni kuya RJ kaso hindi ko natanong kung saan 'yung base na 'yon." Napasapo ako ng noo nang nakalimutan ko 'yon.
"Don't wory, I already know where's the location of the base. Let's go before we get there late." Tumayo na kaming dalawa at lumabas na mula sa opisina niya para makapunta na sa base na tinutukoy ni kuya RJ.
•••• END OF CHAPTER 39. ••••
BINABASA MO ANG
The Sadist Is Married To A Mafia Boss
RomanceSi Justine Brent Salonga ay isang mabait, inosente, down to earth, sweet, masayahin, positive thinker, slow ng kaunti at higit sa lahat isang SADISTA. Si Moon Jaoquin Valencia ay isang brutal, masungit, laging naka poker face, cold, matalino, lagin...