CHAPTER 2.
JUSTINE
'Yung taong humila sakin ay si....
'Moon Joaquin Valencia?! Ano ba 'yung kailangan niya ngayon?! Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya ah?!' Gulat kong saad sa isip ko.
"Ano ba 'yung problema mo?! Bakit ka ba nang-hihila nang basta-basta?!" Sigaw ko sa kanya. Kasi naman ang sakit kaya nang pagkakahila niya sa'kin.
"I didn't know how you became the best friend of Xander's sister. You're so loud." Sabi niya sa'kin na may pagka-irita sa boses niya.
"What do you want?" I asked him. Kasi naman hindi naman kami close at mas lalong hindi ko siya kaibigan.
He smirked then said, "You're a brave one, eh?" Bwiset 'to ah. Problema nito? Bawal na bang maging matapang kapag siya ang nasa harapan ko?
"Bakit? Hindi na ba akong pwedeng magtanong pagdating sa'yo?" Pagsusungit ko naman sa kaniya. Napa-iling na lang siya at hindi na nagsalita pa.
"I didn't know why you became my fiancé." Tanong niya na may halong pagtataka.
'Pero wait?' Kumunot ang nook o sa kaniya.
"F-fiancé? A-ako?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon.
Ang sabi ni daddy sa'kin ay mabait daw ang fiancé ko pero sa nakikita ko naman ay kabaligtaran 'yon.
"Sabi ni daddy ay mabait daw ang fiancé ko pero sa nakikita ko naman ay mukhang nagkamali siya." Komento ko at sinamaan niya ko ng tingin.
"Yeah. I guess they didn't tell you about it yet." Saad niya habang naka-hawak sa manibela ng sasakyan niya at binuksan niya 'yung makina ng sasakyan niya.
"H-hoy! May kotse ako!" Sigaw ko sa kanya dahil sa papaandarin na niya 'yung sasakyan niya.
"Don't shout at me! I'm not deaf!" Sigaw niya din pabalik sa'kin kaya naman napatahimik ako nang wala sa oras.
"Don't worry. I'll bring you back here before your next class." He said with an irritation in his voice.
"Where are we going?" I asked him. Ito ba 'yung sinasabi nila daddy sa'kin na makikilala ko na ang fiancé ko?
Akala ko ba soon? Hindi naman nila sinabi na ngayon 'yon ah? Hindi pa naman ako handa.
"To our parents." He answered me. Pagkatapos no'n ay hindi na ulit kami nag-imikan. As if naman na gusto ko siyang kausapin.
Maya-maya ay nandito na kami sa isang restaurant. Bumaba na kami mula sa sasakyan at naglakad palapit sa pintuan.
Sumunod siya sa'kin mula sa likod at pagkapasok namin ay nakita ko agad sila mommy at daddy.
Si Moon naman ay lumapit sa parents niya at tulad ng sa ibang tao ay sinungitan niya lang rin ang mga magulang niya.
Pumunta ako sa pwesto nila daddy at pagka-upo ko ay tinanong ako ng mommy ni Moon.
"Iha, what is the meaning of JB? Kanina pa talaga naming pinagu-usapan ang tungkol sa pangalan mo." Grabe. Gandang tanong naman no'n ah?
"Justine Brent po." Sagot ko na may kasamang pilit na ngiti.
Kasi naman. Ayoko nga ng pangalan ko eh. Kasi panglalaki tapos tatanungin nila. Bakit naman kasi ganito ang pinangalan nila sa'kin eh?
"Mary, saan mo ba nakuha yung pangalan ni JB? Parang panglalaki kasi." Tanong naman ng daddy ni Moon. Buti naman at may nakakaintindi din sa'kin.
"Wala na kasi kaming maisip na pangalan kaya 'yun na lang 'yung pinangalan namin." Sagot naman ni mommy.
Ang sama talaga, ako na nga lang ang nag-iisang anak nila tapos hindi pa nila pinag-isipang mabuti ang ipapangalan sa'kin.
Nakita kong ngumiti si Moon kaya napatulala ako sa kanya dahil ang gwapo niya kapag ngumingiti siya. Kaya pala pinagkakaguluhan siya ng mga babae naming kaklase o kahit na schoolmates niya lang.
Hindi ko naman kasi siya masyadong pinapansin kapag nasa school kami dahil sa hindi naman ako interesado sa mga tulad niya.
Pero mukhang napansin niya atang nakatingin ako sa kanya dahil napatingin siya sa'kin ng walang emosyon ang bumabalot sa mga mata niya.
'Bipolar talaga niya kahit kailan.' Kainis. Sabi ko sa isip ko.
"Okay. Pag-usapan na natin 'yung mga dapat pag-usapan." Sabi ng mommy ni Moon.
"Okay, Moon --" Hindi na natapos ng daddy ni Moon ang sasabihin nya dahil biglang nag salita si Moon.
"Dad, its Joaquin." Walang emosyon niyang saad sa daddy niya.
"O-kay, Joaquin you should marry Justine --" Hindi ulit natapos ng daddy ni Moon dahil nag salita ako.
"Sir, its JB po." Sabi ko sa kanya ng magalang.
"Just call me tito, iha. Okay as I've said Joaquin should marry JB to merge up our companies for both families to be more successful." Mahabang saad ni tito.
"So, both of you should not let yourselves fall for another person." Pagpapatuloy niya pa.
"Excuse me po, ma'am, sir. Here comes your order. Enjoy your meal." Sabi ng waiter sa'min.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Moon dahil sobrang tahimik niya sa isang sulok.
Hindi ko naman kasi alam kung saan ako titingin dahil sa sobrang kaba kaya sa kaniya lang.
Ano kaya ang iniisip niya? Okay lang kaya sa kaniya ang tungkol dito sa plano ng mga magulang naming or hindi din?
Paano ko ba tatanungin sa kaniya ang tungkol dito dahil kapag hindi siya payag, pwede naman kaming mag-isip ng paraan para hindi ito matuloy.
Dahil sa nag-clear throat si mommy ay napatigil ako mula sap ag-iisip at dahil do'n ay napatingin kaming lahat sa kanya.
"So, kailan ang kasal?" Tanong ni mommy.
'Nako. Kahit kailan talaga si mommy!' Nagawa pa nga ako ng paraan para hindi ito matuloy eh.
"Next week na ang kasal dahil next month ay may business trip kami sa Italy." Sabi naman ng tita.
"And gusto kong itawag mo sa'kin ay mom kahit hindi pa kayo kasal, JB." Sabi ni mom.
"Okay po, mom." Sagot ko naman sa kanya. Grabe, ang hirap pala ng ganito.
'Hindi ako sanay sa ganito.' Komento ko sa isip ko. Hula ko ay masasanay naman ako once na tumagal.
Nagulat kaming lahat nang biglang tumayo si Moon mula sa pwesto niya at naglakad palapit sa'kin.
"I guess me and my fiancé have to go now. We have to know each other first before the wedding day arrives." Sabi ni Moon at bigla niya na lang akong hinila patayo at hinila niya rin akong palabas ng restaurant.
"H-hoy! A-ano ba?! Nasasaktan ako! Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya. Kasi ang sakit ng pagkakahila niya sa'kin. Parang hindi na dumadaloy 'yung dugo ko sa braso ko.
Tinignan niya ko ng masama kaya naman napausog ako palayo sa kanya. Siya na nga 'yung basta-basta na lang akong hinila, siya pa ang galit ngayon.
Aalis na sana ako at sasakay ng taxi nang bigla niya kong hatakin palapit sa kanya at bigla niya kong niyakap mula sa likod.
Parang nakuryente naman ako ng mga oras na 'yun.
Itinapat niya 'yung bibig nya sa tenga ko and said "I-I'm sorry if I hurt you. I really can't control my strength. I'm really sorry." He said sweetly and he hugged me tighter than before.
▶▶▶ END OF CHAPTER 2 ◀◀◀
BINABASA MO ANG
The Sadist Is Married To A Mafia Boss
RomanceSi Justine Brent Salonga ay isang mabait, inosente, down to earth, sweet, masayahin, positive thinker, slow ng kaunti at higit sa lahat isang SADISTA. Si Moon Jaoquin Valencia ay isang brutal, masungit, laging naka poker face, cold, matalino, lagin...