Chapter 45.

6.8K 171 2
                                    

CHAPTER 45.

JUSTINE

Hindi ko alam kung ano na 'yung nangyayari pero napahiwalay ako kanila Lars. Gusto kong hanapin sila Lars pero ang tanong, nasaan na ba sila?

Gusto ko rin sanang hanapin si Quin pero... 'yung mga sinabi niya kanina. Naglakad na ko kahit na hindi ko alam kung saan 'to papunta. Hinanda ko na rin 'yung baril ko bilang self-defense.

Ang hindi ko rin alam ay kung bakit nawala 'yung koneksyon ko mula sa iba. Natatakot na ko. Hindi ko na kaya. Marami akong nadadaanan na mga bangkay at puro sila armado.

Sana naman ay mahanap ako ni Isis dahil sa binigay niyang necklace. Sinuot ko 'yon para lang kung may mangyaring hindi dapat ay mahahanap niya ko.

Pero ang tanong... Sino amg pumatay sa kanila? Nagulat ako nang may narinig akong mga putok ng baril mula sa isang direksyon.

Mas lalo akong natakot dahil sa mga putok ng baril dahil malapit lang 'yun mula sa'kin. Nanginginig na 'yung mga kamay ko dahil sa matinding takot.

"Ahhh!" Sigaw ko dahil may bumabaril sa'kin. Ang mas maganda pa do'n ay hindi niya ko natamaan. Pagkatingin ko ay isang babae. Napatakbo ako dahil hindi ako marunong bumaril kapag wala si Quin sa tabi ko.

"Babe, mula diyan sa may pwesto mo may hagdan diyan do'n ka bumaba." Rinig kong sabi ni Quin mula sa kabilang linya.

"And I'm sorry for hurting you a while ago." Dugtog niya pa. Umiiyak na ko dahil sa takot at dahil na din sa mga sinabi niya.

Katulad nga ng sinabi niya ay bumaba nga ko do'n sa may hagdan. Pero bago ko pa magawa 'yung bagay na 'yun ay may humablot sa may kanang braso ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ng isang lalaki at isinandal niya ko sa pader. Tinutukan niya ko ng kutsilyo sa leeg ko.

"Hindi ko alam na maganda pala 'yung tinutukoy nilang heiress." Sabi niya sa'kin nang nakangisi. "Pakawalan mo ko!" Sigaw ko sa kanya pero gamit ang free hand niya ay hinawakan niya 'yung labi ko.

"Ang utos sa'kin ay patayin ka pero mukhang hindi ko na yata magagawa 'yun." Sabi niya sa'kin.

"Dahil parang gusto kong maging akin ka." Bulong niya sa'kin. Nang nakahanap na ako ng lakas ay tinadyakan ko siya sa parte ng katawan niya na pinahahalagahan niya.

"Kahit kelan hindi ako magiging sa'yo. Doon pa din ako kay Quin." Sabi ko sa kanya at tumakbo palayo.

SHAWN

Nang nakatakbo na siya palayo sa'kin ay dapat hahabulin ko siya pero hindi ko na lang ginawa 'yun. Ang utos kasi sa'kin ay patayin 'yung heiress pero nang nakita ko siya ay bigla na lang nagbago ang isip ko.

'Gagawin ko na lang 'yung utos sa'kin nila mommy at daddy na protektahan ang heiress ng Alry.' Sabi ko sa isip ko.

At saka, naumpisahan ko na din naming protektahan siya dahil s autos ng boss ng mga Rokuzza. Kaya itutuloy ko na lang 'yon.

"Shawn, nasaan na 'yung heiress? Napatay mo na ba?" Tanong sa'kin ng isa sa mga kasamahan ko. Napatingin naman ako at sila Zoren at Leo ang nakita ko.

"Natakasan ako." Pagsisinungaling ko. Tumakbo na palayo sa'min si Zoren. Si Leo naman ay lumapit at may binulong sa'kin.

"Sabihin mo, pinakawalan mo siya diba?" Tanong niya sa'kin. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

"Kailangan natin siyang protektahan para sa pamilya natin." Sabi niya sa'kin. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa direksyon na tinakbuhan ng heiress kanina. Sinabi ko lang sa kanya 'yun kanina para magmukha naman akong kalaban para sa paningin niya para maka-alis agad siya at makatakas bago siya makita ni Zoren.

The Sadist Is Married To A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon