Date Published:
CHAPTER 18.
THIRD PERSON
Pagkalabas ni Joaquin mula sa bahay ay agad niyang hinanap ang mga lalaking tinutukoy ni Justine kanina nang bigla siyang napatago sa pader dahil sa nandoon silang lahat sa bandang hardin.
"I should let one of them live for me to know their motives and who sent them." Komento niya at kinasa na ang baril.
Tumingin ulit siya sa mga lalaki at binaril na ang apat mula sa kanila nang may dumating na isang van.
"Oh, shit!" Agad tumakbo si Joaquin para makapagtago at may narinig siyang dumating na isa pang sasakyan at napa-iling na lang siya.
May narinig siyang mga putok ng baril at sumilip siya sa pinanggalingan no'n. Nakita niya sila Xander at lumabas na siya mula sa pinagtataguan niya.
Binaril na din niya ang iba pang mga lalaki at lumapit kanila Xander nang may natirang isang lalaki at nakaluhod sa sahig.
"Thanks. I didn't expect that they are many though. Justine told me that there are only five of them here." Paliwanag niya.
"Where's Justine? Hindi naman niya alam ang tungkol dito, diba?" Kinakabahang tanong ni Miggs.
"Yeah, don't worry. I told her to stay inside the room and hide in there. So, she's fine and she didn't know about this." Paniniguro ni Joaquin.
"Anong gagawin sa isang 'to? Papatayin na ba?" Tanong ni Jayden at napatingin silang lahat sa lalaking nakaluhod.
"We're going to interrogate him first to know who sent them." Sagot ni Joaquin at hinila na ni Kris ang lalaki papunta sa basement.
♥♥♥♥♥♥
Itinali na nila ang lalaki sa isang upuan at duguan dahil sa pagpalo ng kahoy sa katawan nito dahil sa hindi siya sumasagot sa mga katanungan nila.
"Ayaw talagang sumagot kung sino nagpadala sa kanila dito, ah?" Hahampasin na sana ulit ni Kris ang lalaki nang...
"S-sandali lang! Sasabihin ko na kung sino! Mga Raku ang nag-utos sa'min na sumugod dito at hulihin ang Heiress kapag nakatulog na siya!" Sigaw ng lalaki at nagkatinginan silang lahat sa isa't isa.
"Kayo din ba ang humuli kay RJ?" Tanong ni Miggs at tumango ang lalaki.
"Sa tulong ni Isis, nahuli namin siya."
"Traydor talaga ang isang 'yon. Nakakainis na." Asar na komento ni Jayden at binaril na ni Joaquin sa ulo ang lalaki.
"Our next target will be the Raku Group. Whatever happens, we're not going to let them kill kuya RJ at we'll save him from them."
"For now, let's investigate everything just to be safe." Pag-deklara ni Joaquin at lumabas na siya mula sa basement.
♥♥♥♥♥♥
JUSTINE
Binuksan ko ng onti 'yung pintuan nang may kumatok at nakita ko sila Joaquin kaya naman binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan.
"Anong nangyari at nandito kayong lahat? Mga magnanakaw ba 'yung nasa labas kanina? Saka ano 'yung mga putok na 'yon?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.
"May nagpaputok lang sa labas ng mga paputok. Kaya 'wag ka nang mag-alala pa, JB." Sagot ni Jayden at tumango ako.
"Tungkol doon sa mga lalaking nakita mo ay naliligaw lang sila kaya naman huminto na muna sila para magtanong kung saang banda ang pupuntahan nila." - Kris.
BINABASA MO ANG
The Sadist Is Married To A Mafia Boss
RomanceSi Justine Brent Salonga ay isang mabait, inosente, down to earth, sweet, masayahin, positive thinker, slow ng kaunti at higit sa lahat isang SADISTA. Si Moon Jaoquin Valencia ay isang brutal, masungit, laging naka poker face, cold, matalino, lagin...