Chapter 8.

12.7K 358 4
                                    

Dedicated po kay TheNixe. Hahahaha! Ito na 'yung hinihintay mo.

CHAPTER 8.

JUSTINE

Pagka-alis ni Kris ay dumating na si Zerah, kaya pala ngayon lang dumating si Zerah dahil magkasabay silang dalawa ng kapatid niyang dumating dito.

"JB, sorry kung ngayon lang ako dumating ah?" Sabi niya sa'kin.

"Okay lang." Sagot ko naman sa kanya.

"Ano nga pala 'yung pinag-uusapan niyo ni Kris?" Tanong niya naman sa'kin.

"Wala lang. Tinatanong niya lang naman sa'kin kung nasaan si MJ eh." Sagot ko naman sa kanya at umupo na siya sa tabi ko.

Ayoko naming pagchismisan si Kris dahil sa nagging reaksyon niya kanina dahil ayoko naming gumawa ng issue mas lalo na't hindi pa naman ako sigurado kung tama ang naiisip ko tungkol sa kaniya.

"Nagawa mo na ba 'yung assignment? Hindi ako nakagawa kahpon dahil san a-enjoy ako sa panonood ko ng palabas." Saad niya.

"Hindi ko rin nagawa kasi busy kami ni MJ na makilala pa ang isa't isa pa eh." Sagot ko naman.

Sa tuwing magkasama kami sa bahay ay lagi ko siyang tinatanong sa mga bagay-bagay para mas makilala ko pa siya ng husto bilang asawa ko.

"Tungkol saan naman ang pinag-uusapan niyong dalawa?" Curious niyang tanong sa'kin.

"Tungkol sa kaniya, tulad ng: kung may kapatid ba siya, ano ang paborito niyang pagkain, kung ano ang mga bagay na ayaw niya." Mga gano'n.

"Ayoko naman kasi na magkaroon kami ng problema dahil sab aka madamay din ang mga magulang namin." Sagot ko naman.

"Buti naman at medyo tanggap mo na din ang tungkol sa kasal niyo." Komento niya at ngumiti ako ng onti.

"Wala na din naman akong magagawa kundi ang tanggap eh. Kasal na kami at hindi ko na pwedeng baguhin pa 'yon." Sagot ko naman.

"Saka, mukhang tama naman si daddy tungkol sa kaniya eh. Mukha naman talaga siyang mabait at maalaga."

"Sa buong linggo na magkasama kaming dalawa sa iisang bahay ay wala naman akong nakitang hindi maganda sa kaniya."

"Feeling ko pa nga parang baby ako sa paningin niya dahil lagi niya kong pinapanood at inaalagaan." Pagkwento ko sa kaniya.

"Hmm... Mukhang tama din 'yung sinabi ni kuya sa'kin no'ng isang araw na once na magustuhan ni Joaquin ang isang tao ay papahalagahan niya ito." Komento naman niya.

"Pinag-usapan din kasi namin siya kuya dahil medyo curious at, at the same time ay nag-aalala ako sa'yo."

"Kaya napatanong na lang din ako para at least, may idea din ako kung ligtas ka ba o hindi." Napangiti ako.

"Thank you talaga sa concern mo, Zerah. Mamaya, ili-libre kita ng paborito mong Lemon Meringue." Tumawa siya ng konti.

"Inaasahan ko 'yan ah? 'Wag kang paasa, JB. Umaasa ako diyan sa sinasabi mo." Tumawa ako.

"'Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa'yo kaya relax ka lang diyan." Paniniguro ko naman sa kaniya.

"Gawa muna tayo ng assignment kasi maaga pa naman eh." Tumango ako.

Dahil sa napa-aga kami sa pagpasok ay gumawa muna kami ng assignment pero syempre kopyahan kami.

Maya-maya ay biglang may tumawag sa pangalan ko kaya napatingin ako sa direksyon ng sumigaw pero...

The Sadist Is Married To A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon