Chapter 2

16 0 0
                                        

Hindi na mabilang ni Brad kung ilang beses na sya nagtapon ng papel sa basurahan. Di nya magawang simulan ang gusto nyang isulat. Kanina pa may gumugulo sa utak nya at naiinis sya dahil dun! ''com'on Brad! You're married to a very beautiful woman, for godsake!'' pangaral nito sa sarili. Dahil kanina pa inuukupa ni Pia ang utak nya. It's been a years mula nung may mangyari sa kanila ng dalaga at magmula noon walang oras na di pumasok si Pia sa alaala nya. Gusto nyang pagsusuntukin ang sarili nya dahil sa masamang inisip nya noon sa dalaga. Nung kinaumagahan na nya nalaman ang dahilan bakit pinasok ni Pia ang trabahong yun. Awang awa sya sa dalaga. Dahil sa isiping yun muli nyang nilakumos ang papel sabay tapon na di tiningnan kung sino o ano ang natamaan.

''tol, galit ka ata!'' ani Marco na natamaan sa tinapon ni Brad na papel.

''sorry tol.''anang lalaki na di man lang nya ito tiningnan.

''anong problema?nag away na naman ba kayo ni Mitch?''usisa nito.

''hindi tol. Di kami nag away.'' di parin ito tumitingin sa kaibigan at patuloy sa pagsusulat.

''ok, sabi mo eh! Ibibigay ko lang sayo tong mga papers na dapat mong pirmahan.'' ani Marco sabay lapag sa mga papeles. Akmang lalabas na ito nang magsalita ulit si Brad.

''wala ka bang balita kay Pia?''

Napangiti ang huli at lumingon kay Brad.

''so, she's the reason kung bakit ang init ng ulo mo ngayon.'' panunukso pa nito.

''meron o wala lang naman ang sagot dun.'' iritado nitong sabi.

''ok, relax. Sorry! Pero wala na akong balita kay Pia mula nung ibigay ko yung.....''

''ok, pwede ka nang lumabas.'' putol nito sa sasabihin ng kaibigan.

''pero pwede akong magtanong tanong kung gusto mo.'' hirit ni Marco na may nakakalokong ngiti. Tumayo si Brad at humarap sa glass window.

''wag na. Hindi na kailangan.''

''eh, bakit ganyan ka kung umasta?'' nagtatakang tanong ni Marco. Humarap sa kanya si Brad.

''ewan ko. Nitong nakaraang araw lagi syang laman ng utak ko. Minsan kahit si Mitch ang kasama ko, mukha nya ang nakikita ko. This is crazy!'' naiinis nitong sabi.

Napabulalas ng tawa si Marco sa narinig.

''tol, inlove ka ata sa naka one night stand mo!''

Sa sinabi ni Marco nagsalubong ang kilay ni Brad.

''anong sabi mo? One night stand? Tol, wag na wag ko nang maririnig sayo yan ulit ha! Alam nating pareho ang dahilan bakit yun napasok ni Pia!'' galit ang tono ng boses nito.

''easy ka lang...ok, hindi na!''ani Marco na nakataas ang dalawang kamay tanda na ayaw nito makipag away.pero natatawa ito sa reaction ng kaibigan.

''lumabas ka na nga, bago pa kita maupakan jan!''

''ok, lalabas na boss. Hahanapin ko si Pia para sayo.''hirit pa nito bago dali-daling lumabas. Sinaludo pa muna ang kaibigan bago sinara ang pinto.

''ulol!'' nakapameywang na sabi ni Brad at naiiling. ''what's happening to you Brandon Atienza! You're crazy!'' pangaral nito sa sarili. Yeah, masisiraan na yata ako ng bait. And it's all because of you Sophia Ruiz! ''nahihibang kana! You're married! Huwag kang umasta ng ganyan!'' pangaral nito sa sarili nya. Nagpakawala sya ng isang buntong-hininga bago umupo ulit at hinarap ang trabaho.

Ayaw nyang maging taksil kay Mitch nang dahil lang kay Pia pero hindi nya maiwasang balikan ang gabing nakasama nya ang dalaga. Para syang nagayuma nito dahil walang araw na di ito pumasok sa utak nya. Naiiling nalang sya at natatawa sa kahibangan nya.

12:00 PM nang muling sumilip si Marco sa pintuan ni Brad. Busy parin ito sa kanyang table kaya di napansin ang pagpasok ng kaibigan.

''wala ka bang balak mag lunch?'' anang binata dahilan upang magtaas ng tingin si Brad.

''di ka na ba marunong kumatok ngayon?'' segunda naman ng lalaki.

''hey, kung hindi ka lalaki iisipin kong may dalaw ka o di kaya naglilihi! Ang init ng ulo mo tol!'' natatawang sabi ni Marco na umupo sa table ng kaibigan.

''papasok ka lang ba para mang asar?''

''pumasok ako para imbetahan kang mag lunch. Lunch break na po sir Brad!''

Tumingin si Brad sa wristwatch at walang sabi-sabing tumayo at tinungo ang pintuan. Naiwan nakatunganga si Marco.

''ow, akala ko ba magla-lunch tayo? Anong ginagawa mo jan?'' paasik nitong sabi.

''ang tindi mo tol!''

Pabiro nya itong binatukan at nagtawanan. Magka agapay silang lumabas ng building para mag lunch.

............

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon