part 2

33 0 0
                                    

Pinapakain ko si lolo nang biglang dumating si Tina na humahangos. sabay kaming napalingon sa kanya ni lolo.

''ow, Tina apo bakit parang hinahabol ka ng kung ano? May problema ba iha?'' marahang tanong ni lolo. Tinitigan ako ni Tina tapos binalingan si lolo.

''wala ho 'lo...eh, may naghahabol ho kasi sa akin na mama. Mantakin mong kamukha ko raw ang namatay nyang asawa!'' eksaheradang sagot nito sa lolo ko na alam kong gawa-gawa lang nya.

''ay susmaryosep kang bata ka!'' bulalas ng kawawang matanda.

''pst, Pia pagkatapos mong pakainin si lolo chika tayo ha?'' sabi ni Tina sabay kindat pa sa akin ng loka. Ano na naman kaya ang ichichismiss nito sa akin? Buti sana kung may trabahong iaalok sa akin. Natatawa at naiiling nalang ako sa kanya.

''ano bang chismiss yan at pati si lolo sinali mo sa kalokohan mo?'' natatawa kong sabi nung tumabi ako sa kanya sa sofa. Tulog na si lolo, awang awa talaga ako sa kanya. Para syang lantang gulay.

''eh kasi, dumating sa club yung suki kong customer na ma datung! Naghahanap ng sexy at magandang babae kasi ikakasal yung bestfriend nya at magkakaroon sila ng stag party. Eh syempre alam mo naman pag mga ganun diba? at dahil desperada kang kumita naisip kong.......''

''naisip mong ako ang isabak, ganun?'' putol ko sa mahaba nyang litanya.

''tumpak!''

''wala na ba talagang iba?'' alanganin kong tanong. Parang nag iba kasi ang takbo ng utak ko at parang masusuka ako sa sinabi ni Tina.

''meron. Mag apply kang waitress o di kaya janitress. Pero kakarampot lang ang sweldo, sa gamot pa lang ni lolo kulang na kulang na...''ani Tina na nagkibit-balikat pa.

Di na ako umimik..tatanggapin ko ba?

''di mo naman kailangang isuko ang bataan! Sasayawan mo lang ng ganito..'' tumayo pa ito at kumembot.. ''tapos kunting hipo at halik'' napaka simple ng mga yun sa kanya pero s'kin iniisip ko pa lang tumatayo na ang balahibo ko.

''ano? Tatanggapin mo o hindi?'' untag nito nang di na ako umimik.

''ma-magkano raw ang ibabayad?''

''ayownn! Kung papayag ka, kausapin natin si mamang pogi. Galante yun!''

''sasayaw lang talaga ha?'' pananantiya ko.

''Oo. Nasa sayo kung bibigyan mo ng bonus.'' pilya nitong sabi. Kaya nahampas ko bigla ng unan.

''loka ka! Wag ka nga ganyan!''

''ito naman parang binibiro lang...pero pwede mong totohanin!'' tuluyan na itong tumawa..

''tumahimik ka magigising ang lolo!'' saway ko sa loka loka kong kaibigan

''basta ha, deal na!''

''de-deal!'' sagot ko. ''good luck sayo Sophia!'' sabi ko sa sarili ko. ''diyos ko, patawarin nyo po ako!'' palihim kong sabi.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon