Masakit pa ang ulo ni Brad dala ng pag inom nya kagabi pero wala syang choice kundi pumasok sa office. Ayaw rin naman nyang magmukmok sa bahay dahil maiinis lang sya pag naaalala nya ang naging away nila ni Mitch. Hindi ito tumawag sa kanya kaya hindi nya alam kung dumating na ba ito o wala. Spoiled talaga!
Ilang beses hinilot ni Brad ang kanyang noo habang nagda-drive. He feels so sick today. Para syang nakasakay sa roller coaster. Tingin nya sa mga sasakyan at mga tao anino. Ilang beses sya kumurap at sa huling pagkurap nya di nya napansin ang patawid na babae.....
Parang tinuklaw ng ahas si Pia sa nalaman nyang balita. Magsasara ang company na pinapasukan nya. Problema na naman saan sya maghahanap ng panibagong mapapasukan oras na tuluyan na itong magsara. Para syang wala sa sarili habang naglalakad papunta sa office. Nag iisip kung ano ang gagawin. Paano nalang si Kent? Paano nalang ang kanyang kaisa-isang anak?
Muling nagising ang diwa ni Pia nang makarinig sya ng sumisigaw. Paglingon nya, para syang binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang papalapit na sasakyan. Huli na para umiwas sya. Bago pa ito nakalapit ng tuluyan sa kanya, agad na sya nawalan ng malay tao.....
-------------------------------------------------
''Marco, I need you here at St. Luke's hospital right now!'' ani Brad.
''what's wrong? Did you meet an accident?'' ani Marco sa kabilang linya.
''yes. But I'm fine. Pero may kailangan kang makita!''
''ok ok I'll be there in a minute.''
Pinatay ni Brad ang telepono at muling lumapit sa babaeng di parin nagkakamalay. Ilang beses syang napalunok habang pinagmamasdan nya ito.
''she's still beautiful as ever..'' nasambit nalang ni Brad.
Her lips, her nose, her so angelic face, long black shiny hair, gaya parin ng dati. At tingin nya mas lalo pa itong gumanda. He wanted to touch her, hold her hands and hug her tight. ''what's going on Brad! Umayos ka!'' pangaral nya sa sarili nya.
''Oh, my God! Tama ba itong nakikita ko?'' gulat na gulat na sambit ni Marco habang nakatitig sa nakahigang babae na walang malay.
''ako man nagulat rin. I never expect na sa isang aksidente kami muling magkikita.'' ani Brad na nakatitig na naman sa babae.
--------------------------------------------------
Akmang babangon mula sa pagkakahiga si Pia nang bigla syang makaramdam ng pagkahilo. Pilit nyang inaalala ang nangyari kani-kanina lamang. Dahan-dahan nyang minulat ang kanyang mga mata at tanging ang puting pintura ng kisame at dingding ang kanyang nakita. ''Diyos ko po! Patay na ba ako?'' nasambit nya sa kanyang sarili. May mga naririnig syang boses pero di gaanung malinaw. Pinilig nya ang kanyang ulo at pinilit inaalala kung anong nangyari sa kanya. Muli nyang sinubukang bumangon and this time may biglang umalalay sa kanya.
''ok ka lang ba?'' tanong ng lalaking nakahawak sa braso nya.
His voice seems familiar pero di maalala ni Pia kung kaninong boses yun. Nakapikit parin sya dahil sa sobrang pagkahilo at di magawang sumagot.
''Pia, are you alright?'' ulit nito at gulat na gulat si Pia. Alam nya ang pangalan ko! Dahil dun she manage to open her eyes kahit parang nasusuka sya sa pagkahilo. Ilang beses syang napakurap nang tumambad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Brad. Si Brad! Biglang napaigtad si Pia.
''ow, easy lang... Ok ka lang ba?'' ani Brad na nag-aalala parin.
''a-anong nangyari? B-bakit ako nandito?'' nanginginig ang boses ni Pia.
''hinimatay ka kasi kanina at ito namang si Brad akala'y nasagasaan ka.'' sabi ng isa pang familiar na boses. Napalingon si Pia sa pinanggalingan ng boses.
''Hello Pia.'' nakangiting bati ni Marco.
''M-Marco?'' pananantiya nito. Ngumiti lang ang binata at tumango. Muling binalingan ni Pia si Brad na nakahawak parin sa braso nya.
''p-pasensya kana. Hindi ko kasi napansin ang kotse mo.....''
''eh, parang ang lalim ng iniisip mo kanina eh! Don't do that next time ok?'' ani Brad at nagulat ito kasi napansin nyang todo ang pag-aalala nya para sa babae. Tumango lang si Pia. Maya-maya'y natutop nito ang kanyang noo at nagpalingon-lingon na tila may hinahanap.
''a-ang bag ko?'' aniya at inabot naman ito ni Brad. Agad nya itong kinuha at nilabas ang kanyang cellphone at nag dial.
''hello Tina, andito ako sa St. Luke's.......... Wag kang mag-aalala ok lang ako.......... Oo, kwento ko lang mamaya. Ikaw na muna ang sumundo kay Kent ha? Baka nag-aalala na yun eh!....... Ok, thank you!'' at pinatay na nito ang phone. Pagtingin nya sa dalawa, muntik na sya matawa sa reaction nila. nakatitig lang ang mga ito sa kanya.
''b-bakit?''
''who's Kent?'' sabay pa nilang tanong.
Ito na ang kinatatakutang sandali ni Pia. Nagpalipat-lipat sya ng tingin sa dalawang lalaking nasa harapan nya.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
KurzgeschichtenMinsan may mga taong ayaw umibig. Natatakot na baka masaktan at mapaglaruan. Ngunit kadalasan, kung ano ang ayaw mo syang dumarating sayo in unexpected time and unexpected person. At ang masaklap, di mo maiiwasan yun! Dahil habang umiiwas ka lalong...