Nanlamig ang buong katawan ko habang pinagmamasdan ang mga kaibigan ni Marco. Kanina lamang nung dumating kami halos hubaran nila ako sa mga titig nila. ''diyos ko po, ano ba tong pinasok ko.'' napalunok ako ng makailang beses. Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Nakita kong may bumulong kay Marco at lumingon ito s'kin. Sinabi nya atang nakatingin ako sa kanila. Kitang-kita kong kinindatan nya ako pagkatapos ay nginitian. ''ang angas!'' lihim kong pagmamaktol.
Samantala, panay kantiyaw ng barkada kay Marco.
''pare, mukhang type ka ng babaeng yun ah! Aba, kanina pa nakatingin sayo ha!'' segunda ni Jake.
''tandaan mo pare, regalo natin yan kay Brad.'' hirit naman ng isa.
''mga loko kayo! Syempre alam ko yun. Atsaka, hindi sya ang tipo kong babae kaya sorry sya!'' ani Marco. At muling nilingon si Pia na nakaupo. ''pero maganda talaga sya. Napaka inosente ng mukha.'' mahina nitong sabi.
''ayun na ow!'' sabay sabi ng dalawa at nagtawanan.
''ang saya natin ah..'' sabay silang napalingon sa bagong dating.
''tol, andyan kana pala! Kanina pa kami naghihintay!'' ani Marco sabay akbay sa kaibigan.
''sinabi ko naman sa inyo wag na kayo magpa-party eh!''
''aba, hindi pwede yun''
''atsaka sayang ang regalo ni Marco.'' sabi ni Jake. Napakunot-noo si Brad sa sinabi ng kaibigan.
''regalo? Wow tol, latest model ba ng sasakyan yan? Asan na?'' biglang na excite si Brad.
''hindi sya sasakyan tol pero siguradong magugustuhan mo.'' ani Marco sabay turo sa kinauupuan ni Pia. Napalingon sya bigla sa mga kaibigan.
''what do you mean?'' takang tanong nya.
Nagtawanan ang tatlo. ''don't tel me ayaw mo?'' tanong ni Marco.
''saan nyo ba napulot yan?'' iritadong tanong nito.
''di sya pinulot. Atsaka wag kang KJ. Pag nakasal na kayo ni Mitch di kana makaka sideline.'' ani Marco.
''that's right!'' sang-ayon naman ng dalawa.
''ano, puntahan ko na?'' nakakaloko ang ngiti ni Marco.
Sunod-sunod ang ginawang paglunok ni Pia habang pinagmamasdan ang bagong dating. ''sya na siguro ang sinasabi ni Marco.'' kinakabahan nitong sabi. Mas gwapo ito kumpara kay Marco at mas matangkad. pero mukhang mas masungit at suplado. Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kilay nya kanina nung ituro ako ni Marco. ''di yata ako gusto''. Ewan pero parang nakaramdam ako ng panlulumo. Maya-maya pa'y umalis ito at nakita kong papalapit si Marco. Dinig na dinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.
''tara na.naghihintay na sya.'' ani Marco.
Huminga muna ako ng malalim bago sumama sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Short StoryMinsan may mga taong ayaw umibig. Natatakot na baka masaktan at mapaglaruan. Ngunit kadalasan, kung ano ang ayaw mo syang dumarating sayo in unexpected time and unexpected person. At ang masaklap, di mo maiiwasan yun! Dahil habang umiiwas ka lalong...
