Part 2 --Brad & Mitch

25 0 0
                                        

Nakatayo sa terrace si Mitch nang pumasok si Brad sa kwarto nila. Parang malalim ang iniisip nito dahil di nya namalayan ang paglapit ng asawa. Napapitlag pa ito nang bigla syang yakapin ni Brad.

''magugulatin ngayon ang mahal ko ah!'' pabirong sabi ni Brad.

Humarap sa kanya si Mitch at pumulupot ang kamay nito sa leeg ni Brad.

''I've been waiting for you hon, kanina pa.'' ani Mitch sa malambing na boses.

''why, you miss me?'' ani Brad sabay dampi ng halik sa labi ng kabiyak.

''of course I missed you! Lagi naman eh.....but, there's something I want to tell you Brad.'' ani Mitch.

''ano yun? buntis kana? Magiging tatay na ako?'' excited na tanong ng lalaki.

Kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Mitch at tumalikod. Nagtataka naman si Brad.

''what's wrong? is there something that bothers you? atsaka kanina ko pa napapansin na bihis na bihis ka ah..'' ani Brad na naka kunot ang noo.

''I am leaving tonight.'' sagot ni Mitch na di parin humaharap sa asawa. ''may photo shoot kami sa France at ngayon ang schedule ng flight namin.''

''at hindi mo man lang ako ininform about that?'' halata sa boses ni Brad ang pagka irita.

''Brad, biglaan to. Kani-kanina lang nila ako tinawagan.''

''at agad agad ka rin nag impake nang hindi muna nagpapaalam sa akin? Mitch you are married. Hindi kana dalaga.''

''I know that! Pero Brad ito ang trabaho ko.....''

''na matagal ko nang sinabi sayong iwan mo!'' putol ni Brad sa sasabihin ng asawa.

''Brad......''

''sinabi ng OB mo na kailangan mong magpahinga para ka magbuntis. Pero parang wala lang sayo. Minsan naiisip kong ayaw mo talagang magka-anak eh!''

''that's not true!''

''so what's the truth? You love your job more than you love me? Yun ba Mitch?'' di na napigilan ni Brad magtaas ng boses.

''please Brad, let's stop arguing that stuff....''

''stuff? yun lang ba yun sayo? Gusto kong magka anak Mitch for god sake!''

''ok fine! hayaan mo akong umaalis ngayon. This will be the last I promise!''

''ilang beses kanang nag promise...''

''this time totoo na. please Brad...''

Tinitigan lang ni Brad ang asawa pagkatapos ay iniwan na ito sa kwarto. Alam nya na kahit anong pigil nya hindi magpapapigil si Mitch. Kaya useless na makipagtalo sa kanya. Mitch will always be Mitch. Mahal na mahal ang modeling to the point na di na nito magawa ang responsibilidad nya kay Brad bilang asawa.

Dumeretso si Brad sa tambayan nilang bar ni Marco at tinawagan ang kaibigan. Maya-maya pa'y dumating na ito.

''ano na naman bang pinag-awayan nyong dalawa?'' ani Marco sabay lagok ng alak.

''I just want to have a child Marco. Isang anak na magmamana sa lahat ng pinaghihirapan ko. Pero di ako maintindihan ni Mitch eh!'' maktol ni Brad.

''I understand you pare. Hayaan mo't makakapag isip-isip rin si Mitch'' alo naman ni Marco sa kaibigan na lasing na lasing na.

''when? pare ilang taon na kaming kasal pero hanggang ngayon wala parin eh! Pambihirang buhay to!'' inis na binagsak ni Brad ang bote.

''easy ka lang pare...maaayos rin ang lahat!''

''sana nga.....sana pare!''

I'm Officially YoursMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon