Nakilala ko ang galanteng lalaki na sinasabi ni Tina. Marco pala ang pangalan nya at inaamin kong muntik na akong mapanganga sa kagwapuhan nya! matangkad ito, matangos ang ilong, balingkinitan at parang laging naka smile ang mata. ''diyos ko, kung kasing gwapo nya ang groom-to-be gagalingan ko ang pag kembot at sisiguraduhin kong hahangaan nya ako!'' sabi ko sa sarili ko.. ''sira! At kelan kapa natutong lumandi sa gitna ng kagipitan?!'' pangaral naman ng utak ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil dun.
''so it's a deal then. 20thousand pesos kapalit ng pagpapaligaya mo sa bestfriend kong ikakasal. Di pa ako nagbabayad ng ganyan kamahal pero dahil nga kailangang kailangan mo at first time mong sumabak sa ganitong trabaho, di panghihinayangan yun! You'll get your money as soon as matapos ang party!'' narinig kong sabi ni Marco na titig na titig sa akin. Napayuko ako bigla dahil naramdaman kong uminit ang mukha ko.
''don't worry gwapo ang bestfriend ko kaya di ka mahihirapang umarte sa harapan nya.'' nakakalokang sabi ng antipatikong lalaki.
''hayaan mo't tuturuan ko sya ng mga pamatay kong moves.'' ani Tina sabay haplos sa pisngi ni Marco. Di ko yata kaya ang ganun.
''that's good! So pano, see you tomorrow night. Tina, ihatid mo lang sya dun ok?'' anang lalaki.
''no problem basta ikaw pogi!''
''okey. Aalis na ako. Nice meeting you Pia.'' ani Marco sabay abot ng kamay para makipag shakehands sa akin. Napalunok ako bago ko inabot ang kamay ko.
''nanlalamig ka ah! Anyway, masasanay ka rin. Good luck!'' sabi nito na kinindatan pa ako pagkatapos ay iniwan na kami.
''haba ng hair mo 'teng! Halos hubaran ka ng kumag sa kakatitig sayo. Dineadma ako samantalang pag kami lang kulang nalang lunukin ako!'' segunda agad ni Tina nang makaalis si Marco.
''itutuloy ko ba to?'' naguguluhan kong tanong.
''sira! Oo! Abot kamay mo na nga ang pambili ng gamot aatras kapa?'' sabi ni Tina na kulang nalang sampalin ako para ipa-realize sa akin na kelangan kong sunggaban ang offer. Muli na naman akong napabuntong-hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/3097484-288-k9fa3cd.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Short StoryMinsan may mga taong ayaw umibig. Natatakot na baka masaktan at mapaglaruan. Ngunit kadalasan, kung ano ang ayaw mo syang dumarating sayo in unexpected time and unexpected person. At ang masaklap, di mo maiiwasan yun! Dahil habang umiiwas ka lalong...