Part 4

26 0 0
                                        

9 o'clock ng umaga, pauwi ako ng bahay galing sa hospital nang mapansin kong may nakaupong lalaki sa labas ng bahay. Naka polo ng white at black na slacks at black leather shoes. Kinabahan ako bigla. Sino kaya yun? Dahan-dahan akong lumapit. Tumayo ito agad nung makita ako.

''ano ho yun?''magalang kong tanong.

''kayo ho ba si Sophia Ruiz?''

''Oho, ako nga po. Bakit ho?''

sa halip na sumagot, pumunta ito sa nakaparadang black SUV at may kinuha sa loob. Di ko napansin kanina ang sasakyan na yun. Bumalik ang lalaki na may dalang malaking kahon na may ribbon pang kulay rosas.

''ma'am, pinapabigay po ni sir marco. Yan daw po ang susuotin nyo mamayang gabi.'' sabi nito sabay abot sa kahon.

Nasapo ko ang noo ko. Oo nga pala, ngayong gabi na ang party.

''s-salamat.'' sabi ko sabay kuha sa kahon.

''sige ho, aalis na ako. Ako nga ho pala ang susundo sa inyo mamaya ma'am. Alas otso ko po kayong susunduin dito.''

''pero sabi ni Marco yung kaibigan ko ang maghahatid sa akin.''

''nagbago raw ho ang isip nya't nakausap na rin nya si Tina.''

At pati itong lalaking to kilala si Tina. Isa pa ata sa mga customer nya. Napatango nalang ako bilang pag sang-ayon. ''si-sige...''

Umalis na ang lalaki sakay ng SUV pero tulala parin akong nakatayo. ''my god! Mamayang gabi na! Wala na talagang urungan to!''

Di ko halos makilala ang sarili ko habang nakatitig sa salamin. sabi ni Marco mag-ayos ako kaya ginawa ko. Di ko nga lang kinapalan. Very light ang make-up ko dahil ayaw kong magmukhang pokpok. ''pero hindi nga ba?anong tawag sa pinasok mo ngayon?'' pangaral ng utak ko. Pinilig ko ang ulo ko at pumikit. Huli na para magsisi. Tinitigan kong muli ang sarili ko. Sexy na red halter dress ang pinadala ni Marco. Open ito sa dibdib kaya kitang kita ang mapuputi kong cleavage na lalong pumuti dahil sa kulay ng damit ko. di man ako mayaman sa pera, may maipagmamalaki naman akong magandang katawan. Natawa ako sa isiping yun. Nagagawa ko pang magbuhat ng sariling bangko samantalang pakiramdam ko sasabak ako sa tiyak na laban. Isang malalim na buntonghininga na naman ang pinakawalan ko nang marinig ko ang mahihinang katok sa pintuan. Ang driver na siguro. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin at tumayo patungo sa sala. Naghanda ako ng matamis na ngiti para sa mabait na driver sabay bukas ng pinto. Pero muntik na ako mapatili nang sa halip na yung driver ang makita ko, mukha ni Marco ang tumambad sa akin.

''good evening!'' bati nito na abot tenga ang ngisi.

Napalunok ako bago nakasagot. ''go-good evening too! Akala ko yung inutusan mo kanina ang susundo sa akin.'' nagtataka kong tanong.

''well, sya nga talaga sana. Kaso naisip kong baka pasukan ng masamang demonyo si Tonio at sa halip na ihatid ka sa amin eh, iuwi ka sa probinsya nila.'' deretsahan ntiong sabi na nakangiti parin. Natawa na rin tuloy ako.

''bakit naman nya gagawin yun?''

''simple. Sa gandang mong yan walang matinong lalaki na di madedemonyo.'' sabi nito na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa..pero nagtagal ito sa bandang dibdib. Nag-init na naman ang pisngi ko.

''shall we?'' ani Marco sabay abot ng kamay nito para alalayan ako. Tumalima naman ako kahit parang bumigat ang paa ko.

Wala kaming imikan sa habang nasa kotse. abot abot ang kaba ko, halos marinig ko na ang heartbeat ko. Naramdaman kong pumatong ang kamay ni Marco sa kamay ko. Napaigtad tuloy ako sabay lingon sa kanya. Nakangiti na naman ito ng nakakaloka!

''relax. Di naman ako manyak tulad ng iniisip mo. May respeto ako sa babae kahit ganito ang asal ko.'' wika nya at binitiwan na ang kamay ko. Kahit papano gumaan ang loob ko. Pero josko! Ang gwapo nya talaga! Sana iuwi nalang nya ako sa kanila. ''umayos ka Sophia!''

Napalingon s'kin si Marco. ''you're saying something?'' tanong nito. Narinig pala nya ang pangaral ko sa sarili ko.

''wa-wala...sabi ko salamat.'' sabi ko sabay ngiti. Tumango lang sya at tinuon na ang pansin sa daan.

I'm Officially YoursMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon