....
''sige na mommy I want ice cream!'' pangungulit ng 4 years old na batang lalaki na si Kent sa ina habang naglalakad sila pauwi galing sa clinic. Sinusumpong ito ng hika nya kaya pina check up na nya ito.
''Kent, bawal sayo ang malamig diba? May ubo ka pa ow. Next time nalang ok?'' alo ni Pia sa unico hijo.
''but I want ice cream mommy, please?'' kulit parin nito.
''no. Hindi pwede anak. H'wag matigas ang ulo.'' mariing tanggi ni Pia. Di na umimik ang bata at napabuntong-hininga ang ina.
''ok, ganito nalang. Kain nalang tayo ha? Total lunch time na ow!'' alo nito. Nagliwanag ang mukha ng bata.
''beef steak mommy?'' nakangiti nitong sabi.
''yes, beef steak.'' ani Pia sabay gulo sa buhok ng anak. Dinala nya ito sa malapit na fast food. Habang hinihintay ang order panay kwento ng bata tungkol sa pinapanood nitong cartoon show. Aliw na aliw si Pia habang pinagmamasdan ang anak.
''ow, tama na baka di kana makahinga na naman.'' awat nito na natatawa. Ngumiti lang si Kent. Maya't maya pa'y dumating na ang order nila't nagsimulang kumain. Natutuwa sya kasi kahit may sumpong ang anak, ganado parin ito sa pagkain. Di nagmana sa kanya na tubig lang ang laman ng tyan pag nagkakasakit. Siguro nagmana si Kent sa tatay nya. Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Pia at napansin yun ng anak.
''bakit mommy? Are you sick also?'' usisa ng bata.
''ha-huh? Hindi anak bakit mo naman natanong yan?'' ani Pia.
''kasi nawala yung smile mo tapos parang bigla kang nalungkot.''
Talagang good observer ang anak nya. Madalas sya nitong nahuhuli nakatingin sa kawalan.
''wala ito. Sige na enjoy your food. Pagkatapos natin dito uuwi na tayo para makapag pahinga ka ok?'' ani Pia na pilit binalik ang sigla para di na mangulit ang anak.
''na miss ko lang ang tatay mo anak.'' sabi ni Pia sa sarili. ''kumusta na kaya sya? May mga anak na rin kaya?'' natatawa at naiiling nalang si Pia at tinapos na rin ang pagkain.
Si Kent. Ang batang naging bunga ng isang gabing pagsasama nila ni Brad. Hindi nya inaasahang mangyayari yun. Tadhana nga naman kapag naglaro nakakaloka. Bago namayapa ang kanyang lolo ay pinagtapat nya rito ang lahat. Sa una'y sumama ang loob ng matanda pero kalauna'y naging ayos rin ang lahat. Sa ngayon, tanging si Kent at si Tina ang kasama nya. Si Kent ang nagbibigay lakas sa kanya. Kaya nga kapag ganitong sinusumpong ng hika ang unico hijo ganoon nalang ang pag-aalala nito. Binuhos nya ang lahat ng oras at atensyon sa anak to the point na wala syang inentertain sa mga suitors nito. Dahil ayaw nyang may kahati ang anak nya sa oras nya..........at dahil ba umaasa rin syang magkikita ulit sila ni Brad?
''malabo.'' wala sa sariling nasambit ni Pia.
''you're saying something 'my?'' takang tanong ni Kent.
''wala anak. Sabi ko, busog na ako.'' palusot ng ina na lihim kinurot ang sarili.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Short StoryMinsan may mga taong ayaw umibig. Natatakot na baka masaktan at mapaglaruan. Ngunit kadalasan, kung ano ang ayaw mo syang dumarating sayo in unexpected time and unexpected person. At ang masaklap, di mo maiiwasan yun! Dahil habang umiiwas ka lalong...
