Part 5

17 0 0
                                    

Kinuwento nya rito ang lahat lahat kung bakit at paano sila muling nagtagpo ni Brad. Amaze na amaze naman si Tina habang nakikinig.

''OMG! Parang telenobela lang ah!uhmmm...mukhang maganda ang kahahantungan nito ah!'' kilig na kilig na sambit ni Tina.

''sira! Baka nakakalimutan mong may asawa na si Brad!''paalala nito sa kaibigan.

''so what? Eh may anak........''

''tama na Tina.'' ani Pia at pumanhik na sa kanyang kwarto. Ayaw na nyang marinig ang susunod na sasabihin ng kaibigan.

Ngayong muling nagbalik si Brad sa buhay nya,hindi nya alam kung paano nya sasabihin rito ang lahat. Baka di nya tanggaping anak si Kent. Naalala nya ang naging reaction ni Brad nang mabanggit nya ang tungkol sa anak. 'God, baka ayaw nya. Masasaktan lang si Kent!' . Bahala na. Saka na muna nya iisipin yun. Ang kailangan nyang pagtuunan ng pansin ay kung saan sya ulit makakahanap ng bagong trabaho.

--------------------------------------------------

Napadalas ang pagdalaw ni Brad kina Pia. Everytime na dadalaw sya may dala syang toys para kay Kent at flowers naman para kay Pia. Pati si Marco dumadalaw na rin sa kanila. Talagang naaaliw silang makipaglaro sa makulit na si Kent. Tuwing dumadating si Brad, katakot takot na panunukso ang inaabot ni Pia kay Tina na kalauna'y nakasanayan na nya at sinasakyan nalang nya para matahimik ang kaibigan. Naging malapit sa isa't isa sina Pia at Brad. Hanggang sa malaman nito ang problema ng dalaga sa trabaho nya. Sinabihan nya itong wag mag-alala dahil tutulungan sya nito. At ginawa nga nya. Sa company na nila namamasukan si Pia dahilan upang lalong tuksuin ni Tina ang kaibigan pero di na nya ito pinapansin. Dahil para kay Pia, hanggang doon nalang iyon pagkat may asawa na si Brad. Madalas nyang pag planuhang sabihin kay Brad ang tungkol kay Kent pero nauunahan sya ng hiya. Baka isipin nitong nagte-take advantage sya sa kabaitang pinapakita nito sa kanilang mag-ina. Darating rin siguro ang time na kusa nitong malalaman ang totoo.

------------------------------------------------------

Sina Brad at Mitch naman, panay parin ang away. As usual, di tumupad sa promise nya si Mitch. She really loves her job. Priority nya ito kesa kay Brad.

Kaya bago pa lumala ang away nilang mag asawa, nag desisyon na si Brad na ayusin ang gusot nilang mag asawa. But as he was about to talk to Mitch, inunahan na sya nito. Sinabi nya rito ang lahat ng totoo nitong nararamdaman, that she loves her job so much at di nya ito kayang e give-up. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Brad sa sinabi ng asawa nya lalo na nang sabihin nitong gusto nyang makipaghiwalay.

''bakit kailangang umabot sa ganito?'' ani Brad sa mahinang boses.

''com'on Brad we're not a perfect couple and you know that! We always argue over things!'' paliwanang ni Mitch.

''pwede naman nating ayusin yun ah. Bakit kailangan pang maghiwalay?''

''Brad, di ko kayang ibigay ang hinihingi mo. I am not an ideal wife. Well, I thought I am but lately I realized na hindi pala. I love my job Brad. Hindi magiging tahimik ang marriage natin dahil hindi tayo pareho ng prinsipyo.''

Hindi na sumagot si Brad. Niyakap sya ni Mitch.

''I heard about this woman na lagi mong dinadalaw. Sila ng anak nya. At first hindi ako naniniwala but I saw you once na magkakasama and you seemed so happy with them. ''

Biglang napalingon sa kanya si Brad.

''so what do you mean huh? Pinamimigay mo ako sa kanila ganun?''

''hindi yun ang ibig kong sabihin. Nasaktan ako nung makita ko kayo kasi nakita ng dalawang mata ko kung ano ang gusto mo. At hindi ko maibibigay yun sayo Brad. I love you and I want you to be happy. Hindi ako ang babaeng magpapasaya sayo.''

Hindi na ulit umimik si Brad. Tumayo si Mitch para lumabas nang magsalita ang lalaki.

''ibibigay ko sayo ang annulment papers once na matapos.''

Ngumiti lang si Mitch at tuluyan nang lumabas ng kwarto nila. Naiwan naman si Brad na nakakuyom ang mga kamay.

''Tama si Mitch, hindi nya kailanman maibibigay ang gusto ko.''

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon