Ganun nalang ang tuwa ni Kent nung sabihin rito ni Pia ang lahat lahat. Nagtatalon ito sa tuwa at ilang beses hinalikan si Brad pagkatapos ay niyakap pa silang dalawa. Naging emosyonal naman si Tina kaya tinukso na naman ito ni Marco na nauwi sa asaran. Alam ni Marco ang dahilan ng pagka absent ni Brad dahil sinabi pala dito ng kaibigan ang narinig nya nung nasa outing pa sila at nag pretend lang na walang alam para di makahalata si Pia. Pakiramdam ng dalaga pinagkaisahan sya pero di na nya pinansin yun. Sinabi ni Brad na isasama na nya sa bahay nya ang mag-ina kinabukasan total ay weekend naman daw kaya di sila busy sa trabaho. Lalong na excite ang bata at di na makahintay na makasama ang matagal nang pinananabikang daddy. Lahat excited maliban kay Pia.
----------------------------------------------------
Past 11:00 PM na pero gising parin si Pia. Nakatutok sa TV pero wala naman ang atensyon sa pinapanood.
''ang layo ng tingin natin ah!'' ani Tina na tumabi sa kaibigan.
''gising ka pa pala.'' sabi ni Pia. ''di kasi ako makatulog. Ang bilis ng mga pangyayari Tina.'' ani Pia na nakayuko at pinaglalaruan sa kamay ang remote control ng TV.
'' Oo nga eh! Bukas buhay donya kana sa bahay ni Brad. Ang swerte mo 'teng!'' sabi ng kaibigan at pabiro pa syang kinurot sa tagiliran.
Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Pia sa tinuran ng kaibigan.
''ow, bakit ganyan kalalim ang paghinga mo? Di ka ba masaya na makakasama mo ang dalawang lalaking mahal mo?'' nagtatakang tanong ni Tina.
''parang di ko kayang tumira sa bahay nya eh..'' sabi ni Pia.
''ano? Eh, diba matagal mo nang inaasam na makasama si Brad habambuhay? Ito na yun Pia ow!''
''isasama nya ako hindi dahil mahal nya ako. Isasama nya ako dahil alam nyang di papayag si Kent na magkahiwalay kami.'' paliwanag ni Pia sa kaibigan.
''ha!? Akala ko ba nung dalhin ka nya sa rest house nila nagkaka mabutihan na kayo. Hindi pala?'' gulat na gulat na sabi ni Tina.
''hindi noh! Kaya pala ganun nalang ang emot mo kasi akala mo kami na? Sira!'' ani Pia na pilit pinasigla ang boses.
''akala ko ba....''
''akala mo lang yun Tina.'' putol ni Pia sa sasabihin ng kaibigan. ''tara na tulog na tayo..'' yaya nito sa kaibigan.
''sige mauna kana. Nawala ang antok ko sa sinabi mo!''
natawa si Pia sa sinabi ni Tina. '' ang OA mo ha! Sige good night!''. Iniwan na nito ang kaibigan at pumasok na sa kwarto.
Pagpasok ni Tina sa kwarto nya agad nitong tinawagan si Marco.
''ano!?? Walang nangyari? Bakit nagkaganun? Ang sabi ni Brad.....'' gulat na gulat rin na sabi ni Marco.
''kuuuu....yang best friend mo may pagka torpe pala ha! Ang hina nya!ayun tuloy masama ang loob ng best friend ko.. Sarap sakalin ng Brandon Atienza na yan ha!'' gigil na gigil na sabi ni Tina pero sa mahinang boses dahil baka marinig sila ni Pia.
''di bale ako ang gugulpi sa mokong na yun. Sige na, bye!''
----------------------------------------------------
Maaga pa'y dumating na sina Brad at Marco. At dahil may naluto na rin sina Pia at Tina, dun na rin nag almusal ang dalawang lalaki. Walang mapaglagyan ng tuwa si Kent at panay kulit nito sa daddy nya na enjoy na enjoy rin sa anak. Kahit papaano'y natutuwa na rin si Pia pag nakikitang masaya ang mag-ama nya.
Pagkatapos nilang mag impake at magligpit, umalis na rin sila patungo sa mansyon ng mga Atienza. Dun na nagsimulang kabahan si Pia pero di na nya yun pinansin. Pagdating nila sinalubong sila ng mga katulong sa mansion. Patay na ang mga magulang ni Brad pati na rin grandparents nya kaya sya lang mag-isa sa napakalaking mansion na yun. Halatang well-oriented ang mga katiwala. Alam na alam nila sino si Kent at si Pia sa buhay ni Brad at magiliw nilang tinanggap ang mga bagong dating. Hinatid nila si Kent sa kwarto nito at na pa ''wow'' ang bata nang makita ang magara at napakalaki nitong kwarto na punong-puno ng laruan.
''these are all mine dad?'' di makapaniwalang tanong ng bata.
''Oo anak. All yours!'' anito at ginulo ang buhok ng unico hijo.
''tita Tina, look ow..ang dami kong toys!''
'' Oo nga Kent tara laro tayo!'' yaya rito ni Tina.
''sali ako dyan!'' sumunod naman si Marco.
Naiwang nakatayo sa may pintuan sina Pia at Brad. Maya-maya'y nagsalita na si Brad.
''tara, ihahatid na rin kita sa kwarto mo.'' ani Brad at nauna nang maglakad. Sumunod naman sa kanya si Pia.
Binuksan ni Brad ang pintuan at isang napakagandang silid ang tumambad sa kanya.
''this will be your room. If you need something, katukin mo lang ako sa kwarto ko.'' ani Brad at tinuro nito ang katabi nitong kwarto. Magkatabi lang pala ang kwarto nila.
''sige na, baka gusto mo nang magpahinga. Kakatukin ka nalang namin pag kakain na.'' ani Brad at tinalikuran na sya nito.
Halos maiyak si Pia. Awang-awa sya sa sarili nya. Malamig pa sa yelo kung tratuhin sya ni Brad. Mas gugustuhin nyang pagtyagaan ang maliit nyang silid sa apartment nila atleast comfortable sya. Kesa dito na sya halos makakilos. Pero wala syang choice. Pumasok sya sa kwarto nya at sinara ang pintuan.
----------------------------------------------------
''KENT, anak halika na malelate na tayo.'' tawag nito sa anak.isasabay na nila ito. Idadaan nalang nila ito sa bago nyang pinapasukang Day Care center tapos ay dederetso na sa opisina.
''tara mommy!'' ani Kent na kasunod ang ama. Natawa sya nang makita ang mag-ama nya na pareho ng ayos ng buhok.
''do we look handsome mommy?'' kulit ni Kent.
''yes anak, you look great!'' sabi ni Pia at ningitian rin si Brad na gumanti ng simpleng tango,,
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Cerita PendekMinsan may mga taong ayaw umibig. Natatakot na baka masaktan at mapaglaruan. Ngunit kadalasan, kung ano ang ayaw mo syang dumarating sayo in unexpected time and unexpected person. At ang masaklap, di mo maiiwasan yun! Dahil habang umiiwas ka lalong...