''here's the money na napag-usapan natin. at dahil natuwa daw si Brad sayo, pinabibigay din nya itong regalo para syo. Pandagdag sa pagpapagamot sa lolo mo. Salamat daw.'' paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ni Pia ang sinabi ni Marco bago nya nilisan ang lugar na yun. Awang-awa sya sa sarili nya pero huli na para magsisi. Pati si Tina gustong magsisi. Pero habang pinagmamasdan nya ang lolo nya napapawi ang lahat ng pagsisisi. Pumikit sya para alisin sa isip nya yun pero mukha ni Brad ang nakita nya habang hinahalikan sya nito sa labi. Wala sa sariling napahawak sya sa labing siniil ni Brad ng halik. Sya namang pagpasok ni Tina.
''eheem! masarap ba talaga syang humalik?'' panunukso nito. Pinamulahan si Pia sa sinabi nito.
''huwag ka ngang ganyan.'' nahihiya nitong sabi.
''sus, ito naman! If I know hinahanap mo ang mga yakap at halik ni Brad.'' ani Tina na pinapungay pa ang mata.
''di na natin sya dapat pag-usapan. tapos na ang lahat sa amin. Hanggang doon lang yun.'' ewan ni Pia pero parang may naramdaman syang paghihinayang.
''hmmm...type mo sya noh?'' pangungulit pa ni Tina sabay siko sa kaibigan.
Ngumiti lang ang dalaga. ''kahit sabihin kong oo, useless lang din! Bahagi na sya ng nakaraan ko. Ang kauna-unahang lalaking umangkin ang katawan ko.....pati na rin ng utak ko.....pati ba ng puso ko?'' napabuntong-hininga ang dalaga.
''para saan namang yang buntong-hininga na yan?''usisa ni Tina.
''wala.'' matipid nitong sagot.

BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Короткий рассказMinsan may mga taong ayaw umibig. Natatakot na baka masaktan at mapaglaruan. Ngunit kadalasan, kung ano ang ayaw mo syang dumarating sayo in unexpected time and unexpected person. At ang masaklap, di mo maiiwasan yun! Dahil habang umiiwas ka lalong...