The Surprise

26 1 2
                                    

Napansin ni Pia na grupo grupo kung mag-usap ang mga ka officemates nya at kapag lumapit sya sa kanila ay iniiwasan sya ng mga ito. Hinanap din nya si Marco pero wala raw ito dahil may pinaasikaso sa kanya si Brad. Abala na sya sa trabaho nya nang tumawag si Tina at sinabi nitong wag na alalahanin si Kent kasi sya na bahala rito. Nagpasalamat sya sa kabutihan ng kaibigan. Pagkatapos nilang mag-usap ay hinarap na muli nya ang trabaho nya. Pagsapit ng lunch break pinuntahan sya ni Brad at niyaya syang kumain sa labas. Habang kumakain sila napansin nyang balisa ang lalaki at panay ang tingin sa relo. Nagtataka na talaga sya sa kinikilos ng mga kasama nya. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa opisina at hinarap ulit ang tambak na trabaho. Bandang alas kwatro nang makita nyang lumabas ng opisina nya si Brad. Lalong naging busy ang mga kasama nya na parang may hinahabol na kung ano. Inatupag nalang nya ang tinambak sa kanyang trabaho. 'galit talaga sa akin ang lalaking yun at tinambakan ako ng trabaho! At gusto pang ipatapos s'kin lahat ngayon!' nagmamaktol nitong sabi.

---------------------------------------------------

6:00 PM na di yun namamalayan ni Pia kung di pa dumating ang ka officemate nya na humahangos.

''Pia! Si Marco! Dali sa rooftop!'' sabi nito at nauna nang pumunta ng rooftop.

Naguguluhan namang sumunod si Pia.

''ano na naman bang problema ng Marco na to!'' naiinis na sabi ni Pia habang nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Pagdating sa rooftop nakita nyang nakatayo si Marco. Wala namang kakaiba. Nakatayo lang ito patalikod sa kanya.

''pambihira naman ow! Halos matisod ako sa kakatakbo sa hagdanan! Ano bang problema mo? Iniwan ko pa ang trabahong pinapatapos s'kin ni Brad!'' ani Pia na pinipigilan ang sarili na mainis.

Humarap sa kanya si Marco na may nakakalokong ngiti.

''kanina ka pa wala sa office tapos ngayon pinasugod mo ako dito sa rooftop para lang bigyan ng nakakalokong ngiti?'' inis na inis na sabi ni Pia.

''sorry na Pia. Sumusunod lang naman ako sa boss ko eh!'' ani Marco na natatawa.

''ano? W-what do you mean?'' naguguluhang sabi ni Pia.

''inutusan lang ako ni Brad. Ayun ow!'' sabi ni Marco sabay nguso sa kaibigan nya.

Dahan-dahang lumingon si Pia at tamang pagharap nya kay Brad biglang nagliwanag ang buong rooftop. Kasabay ng pagtugtog ng isang music at sinabayan ng kanyang mga officemates na kumakanta.

♪♪''Well, here we are again

I guess it must be fate

We've tried it on our own

But deep inside we've known

We'd be back to set things straight''♪♪

Punong puno ng red roses ang paligid at pink balloons. Sa pinaka gitna nito ay may maliit na table na may pink candles at pagkain at wine. Halos malula si Pia sa nakikita nya. Lalo na nang makita nyang papalapit sa kanya si Brad.

''sorry ha, tinambakan kita ng trabaho. Sinadya ko yun para di ka makaalis sa pwesto mo habang abala kami sa pag aayos nito.'' ani Brad na nakahawak na sa dalawang kamay ni Pia.

''a-anong ibig sabihin nito Brad?'' maluha-luhang tanong ni Pia.

''gusto ko kasing bumawi sa mga pagkukulang ko sayo. Nagustuhan mo ba?''

Tumango si Pia na luhaan. ''Oo n-nagustuhan ko. Sobra!'' sabi nito na nakangiti habang panay parin ang agos ng luha sa mga mata nya.

♪♪''I still remember when

Your kiss was so brand new

Every memory repeats,

Every step I take retreats

Every journey always brings me back to you..''♪♪

''Pia, matagal ko nang gustong gawin to kaso lagi akong hindi handa. Pero ngayon di ko na sasayangin ang pagkakataon na to.'' ani Brad sabay luhod.

May dinukot ito sa bulsa na isang maliit na kahon at binuksan. Lalong napaluha si Pia nang iabot rito ni Brad ang isang singsing.

''Pia, please be my wife.'' ani Brad na nakaluhod parin.

''Brad naman eh! Pinapaiyak mo ako.'' umiiyak na sabi ni Pia. Muli syang suminghot bago nagsalita ulit. ''Y-yes Brad. Yes.''

Agad tumayo si Brad at sinuot rito ang singsing.

'' I love you Pia!'' malambing na sabi ng lalaki.

'' I love you too Brad!'' sagot ni Pia sabay yakap sa lalaking matagal na nyang iniibig.

♪♪''after all the stops and starts

We keep coming back to these two hearts

Two angels who've been rescued from the fall

And after all that we've been through

It all comes down to me and you

I guess it's meant to be,

Forever you and me, after all....''♪♪

---------------------------------------------------

at gaya ng nasa fairy tales, THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER! :-)

Sina Tina at Marco? Ayun, nauwi sa pag-iibigan ang kanilang pag-aasaran! At mukhang sila na ang susunod na ikakasal.

-FIN-

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon