Part 8

16 0 0
                                    

Mula nung makabalik sila galing outing hanggang ngayon di parin nya nakikita sa office si Brad. Ayon kay Marco nung minsang magtanong sya, nag leave daw ito sandali dahil may importanteng inaasikaso. Kaya di na sya nag usisa pa muli. Inabala nalang din nya ang sarili nya sa trabaho. Pero ilihim man nya sa lahat ng taong nasa paligid nya ang totoong nararamdaman nya, di nya maikakaila sa sarili nya na nangungulila sya kay Brad. Parang ang lungkot ng araw nya pag di nakikita si Brad. Tulad ngayon parang tinatamad syang pumasok pero nakakahiya pag nalaman ni Brad na umabsent sya nang walang sapat na dahilan. Wala man sa mood napilitan syang pumasok. Naglalakad sya papunta sa cubicle nya nang marinig nya ang mga kasama nyang bumabati ng ''good morning sir!'' paglingon nya, tamang tama na napalingon sa kanya si Brad. Ngingitian na sana nya ito pero nagtuloy-tuloy na sya sa opisina nya.

''dineadma ako?'' takang tanong ni Pia. Para na namang sinaksak ng kutsilyo ang puso nya. Masama man ang loob, sinubsob nalang ni Pia ang sarili sa trabaho. At di nya namalayan ang oras.

''oy, Pia tama na yan! Tara kain na tayo!'' ani Marco na di namalayan ni Pia na nasa tabi na pala nya.

''Uhm, katatapos ko lang mag meryenda Marco eh...busog pa ako! Tsaka tumataba na ako ow!'' alibi ng dalaga. Sa totoo lang ayaw nyang sumabay sa lalaki, wala sya sa mood kumain.

''conscious sa figure ha! Ow, sige una na ako ha?'' ani Marco at umalis na.

----------------------------------------------------

Pagdating sa bahay, nagdahilan syang pagod at saka na kakain. Tumuloy sya sa kwarto nya at nagkulong. Maya-maya pa'y nakarinig sya ng katok sa pintuan.

''Tina please pagod ako...'' ani Pia at tinakpan ng unan ang mukha nya.

''magbihis ka aalis tayo!'' utos rito ni Brad.

Napabalikwas ng bangon si Pia.

''anong ginagawa mo rito?'' nagtatakang tanong ni Pia.

''sabi ko, magbihis ka't aalis tayo.'' yun lang at iniwan na sya nito.

Naniningkit ang mata ni Pia sa sobrang inis. ''kani-kanina lang dineadma ako tapos ngayon papasukin ako sa kwarto ko at inuutusan! Arghhh!'' gigil na gigil nitong sabi.

''Pia I'm waiting!'' narinig nyang tawag sa kanya ni Brad.

''Oo na andyan na ho SIR!'' inis na inis nitong sabi.

----------------------------------------------------

Kanina pa sakay ng kotse si Pia pero di parin sila humihinto. Wala namang imik si Brad.

''saan ba tayo pupunta?'' naiiritang tanong ni Pia.

''manahimik ka nalang ok?'' masungit rin na sagot ni Brad.

''bakit ba ang sungit mo? kanina ka pa ha!'' inis nang sabi ni Pia.

Sa halip na sumagot pinarada ni Brad ang sasakyan sa isang restaurant. Pinagbuksan ng pintuan si Pia at pinababa. di sila nagkikibuan habang kumakain.pagkatapos nilang kumain, sumakay ulit sila ng sasakyan. Akala ni Pia uuwi na sila pero nagulat sya nang mag iba ng dereksyon ang sasakyan.

''where are we going?'' kinakabahang tanong nito. Pero di sumagot si Brad. Di na sya ulit nag usisa. Hanggang sa makaramdam sya ng antok at tuluyan nang makatulog.

----------------------------------------------------

Nagising si Pia sa mainit na dampi ng sikat ng araw sa pisngi nya. Nag inat pa ito bago tuluyang bumangon. Ganun nalang ang gulat nya nang mapansin nyang nasa ibang kwarto sya. Agad syang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto. Walang tao. Nagtuloy tuloy sya sa labas at nakita si Brad na nakatayo sa may garden. Agad nya itong nilapitan.

''nasaan tayo? at bakit dito mo ako dinala?'' tanong nito agad. Sa halip na sumagot iniabot sa kanya ni Brad ang isang brown envelope. Nagtataka man, binuksan nya ito at nanlaki ang mata sa nakita.

''B-brad, ano to?''

''di mo nakikita? DNA result. It says positive na ako ang ama ni Kent. Why Pia?'' tiim-bagang nitong tanong. Napalunok si Pia. kita sa mata ni Brad na galit ito.

''k-kasi natakot ako....b-baka....''

''baka ano? baka di ko sya tanggapin? baka isipin kong pineperahan mo ako? Eh puro ka naman baka eh! For god sake Pia ang tagal kong naghintay na magka anak! Hindi ko alam na meron na pala ako at tinatago lang ng mahal nyang mommy!''

''a-ayokong masira ang pagsasama nyo ni Mitch. A-atsaka tama ka, naisip kong baka di mo sya tanggapin.''

''naghiwalay na kami ni Mitch dahil di nya ako mabigyan ng anak, mas mahal nya ang trabaho nya.'' ani Brad.

''p-pero nakita ko kayo sa office mo na....na.....''

''that was just a goodbye kiss! Sinundan kita sa cubicle mo pero wala ka kaya di ko na naipaliwanag sayo.''

''so...k-kukunin mo na ba si Kent?''

''of course anak ko sya kaya kailangan nyang makilala ang daddy nya.''

Sa narinig nya napayuko si Pia. Ito na ang kinatatakutan nyang mangyari. Ang bawiin ni Brad ang dapat ay sa kanya. Mayaman si Brad wala syang laban dito. At may karapatan din ito sa anak nya na pinagkait nya rito ng mahabang panahon.

''gusto kong ipakilala mo ako sa kanya bilang daddy nya.'' sabi ulit ni Brad.

''iuuwi mo ba sya sa inyo?''

''natural. Sya ang magmamana ng lahat ng meron ako. Kaya iuuwi ko sya...... Pati na rin ang mommy nya.''

Natigilan si Pia sa sinabi ni Brad. Napatingin sya sa lalaki.

''what do you mean?''

''kung nasaan si Kent, dapat andun ka rin. Hindi yun papayag na basta lang kayo magkakahiwalay. Don't worry Pia di ko sya ilalayo sayo.'' sabi ni Brad at tinalikuran na sya nito.

''by the way, tawagan mo sya mamaya at sabihin mong kasama mo ang daddy nya sa pag-uwi mo.'' pahabol ni Brad at iniwan na si Pia na naguguluhan.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon