Chapter 1/Part 1 -- PIA

75 0 0
                                    

Lumaki ako sa piling ng lolo ko. My parents died in an accident when I was just 6 years old. Kaya ang lolo ko na ang nag-alaga sa akin. Parang storya sa pocketbook at teleserye ang buhay ko, akala ko nga hindi ito nangyayari sa totoong buhay. Pwedeng pwede pala. Si lolo lang ang natitirang kapamilya ko kaya naman mahal na mahal ko sya, at gagawin ko ang lahat maisalba ko lang sya sa tiyak na kapahamakan.

Nagkaroon sya ng mild stroke pero sabi ng doctor kailangan nyang maalagaan kasi posibleng masundan pa yun. Dala ng katandaan, kung anu-anong sakit na rin ang naglabasan kaya naman kahit kapos, pinili kong sa ospital nalang muna sya. Takot akong mawala sya kaya gagawin ko ang lahat.

Sa pagkaka stroke ni lolo, nagsara rin ang pinapasukan kong restaurant kung saan ako ang assistant supervisor. Nalugi kaya napilitang isara. Sayang medyo maganda pa naman ang salary ko dun. Kaya heto, maghahanap na naman ng bago. Mahirap maghanap ng trabaho ang tulad kong di nakapagtapos ng college. Hanggang 3rd year lang ang inabot ko sa kurso kong Management. Una, dahil kapos sa gasto at pangalawa, mas kailangan ako ni lolo. Nawawalan na ako ng pag-asang makahanap ng matinong trabaho. Pagod na rin ako at gutom na. Parang ang sarap umiyak at magsisigaw sa sama ng loob. But I have to be strong, di ako pwedeng mag give-up! No!

Umuwi nalang ako para makapagluto ng pagkaing dadalhin ko sa ospital. bukas nalang ulit ako maghahanap baka swertehin na. Sana.

Nadatnan kong tulog na tulog si lolo, si Tina naman nanonood ng TV. Si Tina ang bestfriend kong lagi kong karamay sa hirap at ginhawa. Kapag ganitong wala syang pasok sa pinapasukan nyang night club sya ang nagbabantay kay lolo. Tulong na daw nya s'kin.

''kumusta ang lakad?'' tanong nito sa mahinang boses. nag-aalala ata na magising si lolo. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

''wala eh! nakakapang-hina nga ng loob.'' malungkot kong sabi.

''kung may maitutulong lang sana ako. di ka naman pwedeng pumasok sa club........''

''pwede kung may bakante!'' putol ko sa sasabihin sana nya. Desperada akong kumita. nanlaki ang mata ni Tina sa sinabi ko.

''gaga! sasayangin mo ang ganda at talino mo? pati na rin ang pinag-aralan mo?''

''aanhin ko yun kung kumakalam naman ang sikmura namin ni lolo?'' sabi kong nangingilid na ang luha sa mata.

''maraming manyak sa club baka di mo masikmura.'' paalala ni Tina.

''Tin, kung yun lang ang tanging paraan kakayanin ko..'' desidido na talaga ako.

''si-sige...ikaw...pero wag muna ngayon ha! Malay mo may makita kana bukas.'' sabi nya na talagang halata na ayaw akong papasukin sa club.

''sige. Pero pag wala na talaga, yun nalang ang natitirang pag-asa ko..'' yumuko ako sabay tulo ng luha ko. Awang awa sa akin si Tina, ramdam na ramdam ko yun ng yakapin nya ako at tapikin ang balikat ko.

''hahanap tayo ng ibang paraan as much as possible Pia.'' sabi pa nito.

''sana.....sana mayron pang ibang paraan'' hiling ng puso ko.

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon