Napansin ni Pia na matamlay si Brad. Ilang araw na rin syang di nakakadalaw kay Kent kaya naman panay ang pangungulit ng bata. Sinabi ni Pia na marami itong inaasikaso sa opisina kaya tumigil na rin ito sa kakahanap sa di nakikilalang ama. Pagdating naman sa office bihira na nila makasama si Brad. Lagi itong nagkukulong sa opisina nya at pag tinatawag nila ni Marco para mag lunch lagi itong busog kaya sila nalang ni Marco ang nagsasabay, minsan sya lang mag-isa kapag busy rin ang binata.
LUNCH break kaya naisipan ni Pia na daanan ulit si Brad baka sakaling sumama na sya this time. Tatlong beses syang kumatok pero walang sumasagot, di naman naka lock ang pintuan. Dahan dahan nya itong binuksan ang sumilip sa loob. Nakita nyang nakaupo patalikod sa kanya si Brad.
''uhm, l-lunch break na...baka gusto mong sumabay sa amin.'' ani Pia sa mahinang boses.
''sige na kayo nalang, di ako gutom.'' sagot ni Brad na di parin lumilingon.
''nangangayayat ka na ow....madalas ka nang di kumakain...'' kulit nito sa lalaki.
''sabi ko busog ako. kakain ako pag gutom ako!'' hindi malakas ang boses nito pero halatang iritado. Kinabahan naman si Pia.
''s-sorry.... S-sige kami nalang ni Marco.'' akmang lalabas na sya nang tawagin sya ulit ni Brad. ''a-ano yun?'' patay baka sabihin nyang 'you're fired!' wag naman sana!
''e take out mo ako, dito ako kakain sa office ko.'' pero sa halip ay sabi ni Brad. Parang nabunutan naman ng tinik si Pia.
''sure. Dadalhin ko sayo dito.'' anang dalaga na bumalik ang sigla sa boses nito at nilisan na ang opisina ni Brad.
Nakangiti pa sya habang naglalakad papunta sa elevator nang makasabay nya si Marco.
''ow, nasaan ang boss mo? Di na naman sasabay sa atin?'' tanong agad nito kay Pia.
''as usual, busog DAW. Pero sinabi nyang e take out ko, sa office na daw nya sya kakain.'' ani Pia at nagkibit balikat. Napailing nalang din si Marco.
----------------------------------------------------
Habang kumakain ang dalawa, panay sulyap ni Pia kay Marco at napansin yun ng binata.
''kanina ka pa ah...bakit, nagugwapuhan ka s'kin noh?'' ani Marco na nakangiti ng nakakaloko.
''hitsura mo!'' ani Pia at tinaasan pa nya ito ng kilay.
''eh, bakit kanina ka pa tingin ng tingin? Type mo ako noh? Sorry di kita type!'' panunukso ulit ng binata.
''mas lalong di kita type! Umayos ka nga! May gusto lang sana akong itanong sayo...'' ani Pia.
''ano yun?'' tanong ni Marco sabay inom ng juice.
''uhmm....m-may problema ba si Brad?''
Si Marco naman ang nagtaas ng kilay sa tanong ni Pia at binigyan sya ng makahulugang ngiti na ikinainis ng dalaga.
''wag mo na nga lang sagutin!'' napipikon na sabi ng dalaga.
''ito naman pikon agad! Oo meron nga at wag mong babanggitin sa kanyang sinabi ko sayo baka patayin ako nun mumultuhin kita!'' ani Marco.
''anong problema nya?'' usisa ng dalaga.
''maghihiwalay sila ni Mitch. Ewan ko ba kasi sa babaeng yun mas mahal ang trabaho nya kesa kay Brad. Ayun, di nya tuloy mabigyan-bigyan ng anak ang pobreng mama. Eh, gustong gusto pa naman nya magkaroon ng tagapagmana. Kaya nung magpasya si Mitch na maghiwalay nalang sila para syang pinagsakluban ng langit at lupa dahil ibig sabihin nun nawala ang chance nyang magka anak sila ni Mitch.'' paliwanag ni Marco habang tuloy parin ang pagkain nito.
Parang lalagnatin si Pia sa nalaman nya. Mali pala ang hinala nya kay Brad, gusto pala nito magkaroon ng anak na tagapagmana nya. Tagapagmana? Ngayon lalo syang naguluhan kung sasabihin ba nya ito kay Brad o hindi. Baka isipin nitong pera lang ang habol nya sa lalaki. Paano na to? God!
''earth calling Sophia!'' narinig nyang sabi ni Marco kaya napapitlag sya.
''h-ha? may sinasabi ka?'' maang nitong tanong.
''ang sabi ko, kukunin ko muna yung inorder natin kay Brad. Mauna kana sa kotse dun mo na ako hintayin.'' ani Marco na nakangiti na naman ng nakakaloko.
''eh, bakit ganyan ang ngiti mo?'' inis nitong tanong.
''eh bakit ba kasi sa twing nababanggit ang pangalang BRAD eh natutulala ka?'' tukso nito.
''h-hindi noh! Kunin mo na nga yung order!'' mataray nitong sabi at tinalikuran na ang lalaki na tawa ng tawa.
----------------------------------------------------
Pagbalik nila sa office wala pa ang mga kasamahan nila. Sabagay, maaga pa naman. Maaga silang bumalik ni Marco dahil sa pinadala ng kanilang boss.
''ow heto ibigay mo dun boss mo at baka namimilipit na yun sa gutom.'' nanunukso parin ang tono ng pananalita ni Marco kaya tinapunan lang nya ito ng matalim na tingin dahilan upang lalong tumawa si Marco.
Tinungo na nya ang opisina ni Brad at binuksan ang pintuan nang di man lang kumakatok. Kaya naman nanlaki ang mata nya nang makita nya si Brad na hinahalikan ang babaeng kasama nya. Di nya makita kung sino yung babae kasi nakatalikod ito sa kanya at si Brad ang nakaharap sa pintuan. Agad naman nya itong binitiwan nang makita si Pia. Lumingon naman ang babae, si Mitch! Ramdam na ramdam ni Pia na namula ang pisngi nya.
''s-sorry....akala ko kasi w-wala kang kasama.'' natataranta nitong sabi. ''d-dinadala ko lang yung pinapadala mong pagkain'' sabi nito at agad nilapag sa center table ang dalang supot.
''l-labas na ako. Sorry talaga!'' at dali-dali na itong lumabas. Dumeretso sya sa kanyang cubicle at naupo. Nanlalamig at nanginginig pa ang kanyang kamay sa sobrang gulat.
'siguro'y bati na sila kaya ganun ang eksenang nakita ko.' ewan pero parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa kanyang puso at bigla-bigla'y parang gusto nyang umiyak.
BINABASA MO ANG
I'm Officially Yours
Short StoryMinsan may mga taong ayaw umibig. Natatakot na baka masaktan at mapaglaruan. Ngunit kadalasan, kung ano ang ayaw mo syang dumarating sayo in unexpected time and unexpected person. At ang masaklap, di mo maiiwasan yun! Dahil habang umiiwas ka lalong...