Part 7

20 0 0
                                        

''talk to her. baka kung anong isipin nya. Tell her that was just a goodbye kiss.'' ani Mitch na natatawa dahil sa naging reaksyon ni Brad nang lumabas si Pia.

Umalis na ito at iniwan ang EX-HUSBAND. Yun na ang unang araw ng pagiging single ni Brad. Gusto sana nyang habulin si Pia para magpaliwanag.

'what for? Obligasyon mo ba yun?' sumbat ng utak nya.

'baka kung anong isipin nya!' sigaw naman ng puso nya.

'mahalaga ba kung anong iisipin nya? Sino ba sya sa buhay mo Brad?' tanong ng utak nya.

'sino nga ba Brad?' usisa ng puso nya.

Napabuntung-hininga si Brad. Pia! Mali ang iniisip mo.

----------------------------------------------------

WEEKEND. Nagyaya si Marco mag outing. Para daw makapag unwind sila dahil lagi silang subsob sa trabaho. Sa una'y ayaw ni Pia pero pinagtulungan nina Marco, Tina at Kent ang dalaga kaya napapayag na nila ito. Excited silang lahat lalo na si Kent at mas na excite ito nang sabihin ni Marco na tuturuan sya nitong lumangoy.

''bakit, marunong ka bang lumangoy?'' pang aasar ni Tina sa binata.

''aba, champion ata to!'' pagyayabang naman nito. ''eh, ikaw saan ka magaling?'' ganti nito sa dalaga.

''sa pagpapaligaya. Gusto mo paligayahin kita?'' ani Tina na pinapungay pa ang mata sabay pulupot ng kamay sa leeg ni Marco.

''bitiwan mo nga ako! Kababae mong tao ang landi landi mo!'' ani Marco na pilit inaalis ang kamay ni Tina sa leeg na lalo namang hinigpitan ng dalaga.

''bakla ka noh?'' ani Tina sabay tawa ng nakakaloka. Pinamulahan naman ng mukha si Marco sa tinuran ng mata at nang makabawi ay pinandilatan nya ito sabay hila sa dalaga.

''aray ano ba!'' sigaw nito.

''halika ipapakita ko sayo kung sino ang bakla!'' sabi ni Marco na hinihila sa sofa si Tina.

Tawa ng tawa naman sina Pia at Kent.

''tumigil nga kayong dalawa di na kayo nahiya! Atsaka may bata ow!'' ani Pia na pinipigilang magpakawala ng malakas na tawa.

''eh, itong kaibigan mo eh! Nanghahamon!'' ani Marco.

''bakla ka naman talaga eh..'' maktol ni Tina habang hinihimas ang kamay na nasaktan dahil sa paghila ni Marco.

''anong sabi mo?'' gigil na tanong ni Marco.

''wala, sabi ko gwapo ka!'' ani Tina pero inaksyunan ng suntok ang binata nung di sya nito nakikita. Dahilan upang mapabulalas na naman ng tawa si Pia.

''o sya, aalis na ako. Babalikan ko kayo after few minutes susunduin ko lang si Brad. Yung sasakyan nya ang gamitin natin.'' ani Marco at umalis na.

----------------------------------------------------

Ilang sandali pa'y lulan na sila ng Montero ni Brad. Nasa likod sina Tina, Marco at Kent at nasa harapan naman sya katabi ni Brad na walang imik na nagmamaneho. Kung gaanu sila katahimik sa harapan, ganun naman kaingay at kagulo ang tatlo sa likod. Nagkukulitan at nagtatawanan ang mga ito.

Palihim na sinusulyapan ni Tina ang katabi na walang kaimik-imik. Gusto sana nya ito tanungin bakit di kasama si Mitch pero naunahan sya ng hiya. Magmula nung mangyari ang incident na yun sa office di na sya nagtatanong kay Marco about kay Brad at iniwan na rin nyang makasalubong ang huli. Nabasag ang katahimikang bumabalot sa kanila nang magsalita si Kent.

''mommy, tito Brad, bakit di kayo nag-uusap? LQ ba kayo?'' nagkatinginan sina Pia at Brad.

Napasipol naman si Marco at si Tina ay palihim na napapahagikhik sa likod. Tinapunan ng masamang tingin ni Pia ang dalawa at hinarap ang anak.

''hindi kami LQ anak...'' tipid na sagot ni Pia.

''busy mag drive si tito kaya di ako makasali sa kulitan nyo. Nakasakay kasi si boss Kent kaya kailangan mag ingat ni Tito Brad sa pagmamaneho baka maalis sya sa trabaho.'' ani Brad at nilingon si Kent at kinindatan tapos ay binaling ulit ang tingin sa kalsada.

''ah, ok. Akala ko di kayo bati eh!'' sabi ng bata. At binalingan na naman ang mga katabi para makipag kulitan. Napabuntong hininga naman si Pia.

----------------------------------------------------

Pagkababa nila sa sasakyan agad nagtatakbo si Kent papunta sa dagat.

''hoy Kent wait! Itong batang to ang kulit! Baka sumpungin kana naman ng hika mo!'' sigaw ni Tina habang hinahabol ang inaanak.

''may asthma si Kent?'' takang tanong ni Brad.

''Oo...mula nang ipanganak ko. Ewan saan nagmana yan, di naman ako asthmatic.'' ani Pia.

''baka sa tatay!'' sambit ni Marco sabay kagat ng mansanas.

Sabay napalingon sina Pia at Brad sa lalaki.

''oh, bakit? may nasabi ba akong masama?'' maang na tanong ng binata.

''di pa nga tayo nakakapag ayos ng gamit kumakain kana!'' kunwari ay pagtataray ng dalaga. Iniiwasan nyang mapag-usapan ang tungkol sa ama ni Kent. ''tulungan nyo na nga lang ako mag ayos ng dala natin!'' utos nito sa dalawang lalaki na tumalima naman agad.

Ilang sandali pa'y abala na maligo sina Marco at Kent. Enjoy na enjoy ang bata habang nagpa-practice lumangoy. Si Brad nama'y nagpaalam na titingnan lang ang kwartong tutuluyan nila mamayang gabi.

''ngayon ko lang sya nakitang ganyan kasaya.'' ani Pia.

''lalo na siguro pag pinakilala mo na sa kanya ang daddy nya.'' sagot naman ni Tina.

Napayuko si Pia. Hinawakan sya ni Tina sa kamay.

''Pia, di mo yun maitatago habambuhay. Atsaka, ikaw na ang may sabing sabik si Brad magka-anak!'' sabi ni Tina.

''pero baka mabigla sya. Baka isipin nyang sinasamantala ko ang pagkakataon. Baka di nya matanggap si Kent. Ayokong masaktan ang anak ko.'' ani Pia na luhaan.

''eh, anong balak mo?''

''bahala na!'' napabuntong-hininga ito.

Di nila alam kanina pa nakikinig si Brad na nakakuyom ang kamao na animoy gustong suntukin ang salamin ng Montero na katabi nya..

I'm Officially YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon