Chapter 5
AUDREY'S POV
" Sino ka ba talaga? Bakit ikaw ang cover ng magazine na yan? " mariing sabi ni Fae. Halata sa boses niya na hindi siya natutuwa sa nangyayari ngayon.
Hindi ko alam kung papaano siyang nagkaroon ng magazine na yun. It was published on Italy kaya nakapagtataka kung bakit mayroon siya nito.
" Imposible Fae, paano naman ako magiging cover girl ng isang magazine. Look at me." maang na sagot ko.
Lumapit siya sa akin at kinuha mula sa pagkakahawak ko ang magazine. Binuklat niya ito.
" Iyan din ang naisip ko noong una. Pero... Sabihin mo rin sa aking wala kang balat sa daliri." sabi niya sa akin habang binubuklat ang magazine pagkatapos ay hinawakan niya ako sa kaliwang kamay.
Mayroong mga close up shots kung saan kita ang pulang balat ko sa may pinky finger.
" Fae... I'm sorry." yun na lang ang nasabi ko.
Magsisinungaling pa ba ako? Ayoko mang aminin sa kanya ang totoo pero obvious naman na ako nga ang nasa cover ng magazine.
" Bakit ka nagsinungaling sa amin? May binabalak ka bang masama?"
" Of course not. Wala akong binabalak sa inyong masama. It's ju—" hindi niya pinatapos ang sasabihin ko
"It all makes sense now. Ang sabi mo nasunugan ka ng tinitirhan. Ang sabi mo sa amin wala kang mga magulang. Pinagkatiwalaan ka namin? Lalo na nila Sir Hank at Ma'am Maris. Alam mo ba yun?" puno ng hinanakit niyang sabi.
" Hindi ko ginustong lokohin kayo Fae. Wala lang talaga akong ibang choice kundi itago ang profile ko sa inyo. I'm sorry. I'm really sorry Fae."
" Kaya pala parang may accent ka kung magsalita. Yung ganda at tangkad mo rin, hindi common. Bakit nga ba hindi ko to naisip dati? Well sino nga bang magaakala na ang anak mayaman ay magpapanggap na katulong."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano idedefend ang sarili ko.
"Noong una, akala ko kinakabahan ka lang sa pagtratrabaho dito kaya parang hindi ka sanay sa mga gawaing bahay. Ngayon alam ko na. Hindi ka talaga sanay dahil anak mayaman ka."
"Isusumbong mo ba ako kila Ma'am Maris?"
"Oo, hindi, siguro? Hindi ko alam!" Frustrated na sabi ni Fae.
"Please Fae huwag naman oh. Ayoko ng bumalik sa amin. Huwag mo akong isumbong sa kanila."
"Bakit ka naglayas? At higit sa lahat bakit ka nagsinungaling sa amin? "
Ang tagal kong hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento kay Fae ang real reason kung bakit ako naglayas. Pero sa bandang huli ay napagdesisyunan ko na ring sabihin sa kanya ang totoo.
" My father is controlling my life simula ng mamatay ang oldest brother ko from saving me in an accident. He thinks na ako dapat ang gumawa ng mga bagay na naiwan ni Kuya. Akala ko noong una kaya ko pero habang nagtatagal, nakakasal na din pala. "
" Ang taas ng expectation niya sa akin. He wants me to do things na alam kong I will regret for the rest of my life. After high school he even want me to get a course that I don't want. And the night na naglayas ako sa amin, he told me that I should marry someone that I don't even love! I can't do that. Kaya naglayas ako."
"I hide my identity to everyone because I want to build a new life for myself. Isa pa, no one should know who I really am because there's a big possibility na matrack down ako ng mga Estaves."
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomanceWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.