*Audrey's POV*
"K-k...kuya D-errick?"
Hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong si Kuya Derrick ang kausap ko.
Pero... Paano? Yung number ko? Saan niya nakuha?
"My God Audrey Vanessa. Nasaan ka na ba ha? Nag-aalala na k-kami ni Mommy sa'yo!!" utal-utal na sabi ni Kuya Derrick at may halong pag-aalala sa boses niya.
"K-kuya. I'm so sor-r-ry. Di ko na kasi kayang matagalan pa eh. A-alam mo naman di ba?" nanginginig ang boses na sabi ko. Pinipilit ang sarili kong huwag mapaiyak.
"Vanessa naman eh... n-nandito kami ni Mommy oh. Tutulungan ka namin. Kakausapin namin si Daddy if you want. B-but please Vanessa... Please! B-umalik ka na dito. U-muwi ka na. Masyado nang worried si Mommy 'bout your condition. Pati ako! H-hindi mo ba naisip yun?" narinig ko yung pagpiyok sa boses ni Kuya Derrick. Mukhang nagpipigil din siyang mapaiyak.
Hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo.
"K-k-kuya. I hope you understand. B-but nakapagdesisyon na ako. T-there's no way n-na babalik pa ako diyan. Masyado na akong nasasakal since na mangyari yung a-accident na yun! Isa pa, ilang beses na ba siyang kinausap ni Mommy para lang kumbinsihin na hindi ako ang may kasalanan sa lintik na aksidente na yun! Kahit anong gawin niyo, hindi na maibabalik yung dati niyang pakikitungo sa akin. S-orry to dissapoint both you and Mommy. S-s..sorry Kuya. Sorry." tuloy-tuloy na umaagos ang luha ko. Kahit gustuhin ko mang makasama ulit silang dalawa ni Mommy, may pumipigil sa akin. Hindi ko kayang makasama silang dalawa ng masaya hanggang nandiyan ang galit sa akin ng Ama ko.
"Kaya naglayas ka? Kaya iniwan mo na lang kami ni Mommy ng wala man lang paalam?! V-vanessa, hindi solution sa problema ang pagtakas at paglayo mula rito!"
"Then tell me Kuya! Tell me! Ano ang solusyon sa problema ko?! K-kung m-meron man, eh di sana ginawa ko na. Pero w-ala eh! N-n-...naduwag ako!"
"Naduwag ka? So kaya ka naglayas? H-hindi mo ba n-...naisip na maaari kang m-mapahamak dahil diyan sa ginawa mo? H-h..hindi mo ba n-n-..naisip kung gaano k-kami nag-aalala sayo?" naririnig ko mula sa kabilang linya ang paghikbi ni Kuya Derrick. Umiiyak na din siya.
Hindi ako nakapagsalita. Ganon ko ba sila nasaktan ni Mommy dahil sa ginawa kong paglalayas? Naging selfish ba ako na hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman nila?
"Vanessa...please bumalik ka na. Aayusin natin yang problema niyo ni Daddy. Please..."
"S-sorry talaga Kuya. Kung nasaan man ako ngayon, ligtas ako. H-huwag na kayong mag-alala sa akin ni Mommy." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.
"Vanessa naman..." saglit na huminto si Kuya sa pagsasalita at huminga ng malalim. "Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo ngayon. P-pero hindi ko pwedeng kunsitihin ang ginawa mong paglalayas. Now... Mukhang mapipilitan pa ata akong ipahanap ka at pabalikin dito." seryosong-seryoso na sabi ni Kuya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ipapahanap niya ako?!
"No way! You can't do that to me!!"
"Yes I can. Kung hindi ka kusang babalik dito, ako na ang gagawa ng paraan. Sorry Vanessa pero as your older brother kailangan kong gawin to. Bumalik ka lang."
"Akala ko ba kakampi kita ha?! Kuya! Alam mo kung gaano na ako nasusuklam kay Daddy! Tapos...tapos ikaw pa tong magpapabalik sa akin diyan sa mansion... Para ano?! Para saktan niya ulit? Para ipamukha sa aking masama akong anak?! Yun ba ang gusto mo Kuya? Yun ba?! Sumagot ka!!" nanginginig na ako sa galit. Hindi ko akalaing magagawa sa akin ni Kuya to.
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomanceWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.