Chapter 26
Audrey's POV
"Mali Audrey! Maling mali yung ginawa mo! Ano ba kasing naisipan mo ha? Bakit mo hinalikan si Sir Jayden?!" sermon ko sarili ko sabay gusot sa buhok ko. Nababaliw na yata talaga ako.
Nandito ako ngayon sa labas ng bar at nagpapahangin. After akong haranahin kuno ni Jayden ay dinumog na siya ng mga fans niya kaya eto ako ngayon tumakas para makapag-isip isip.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko nagawang halikan si Sir Jayden sa harap ng maraming tao. Alam ko that time na hindi ako nagpapanggap.
Nagawa ko lang naman iyon ng makita kong panay ang tingin ni Sir kay Cindy, e ako yung kaharap niya?! Nagseselos ba ako? Oh my! Hindi pwede!
Dahil ba nagkakagusto na ako sa kanya?
Isa pa! Bakit naman ako magseselos?! Hindi naman totoong kami! Arggghh! Anak ng tipaklong---
"Hey Audrey."
Nagulat ako ng may biglang kumalabit sa akin.
"Ay tipaklong!"
"Haha Ang gwapo ko namang tipaklong."
"J-jayden a-anong ginagawa mo dito?"
Oh my gosh. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam kong cliché na yung mga ganitong klaseng eksena pero kapag ikaw pala yung mismong nasa sitwasyon, nakakataranta pala talaga. Tipong hindi mo alam yung sasabihin mo.
"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko? Anong ginagawa mo dito sa labas ng mag-isa?"
"Ah e.. wala! Nagpapahangin lang."
"Naku, kunyari ka pa e. Iniisip mo lang yung panghahalik mo sa akin kanina e." sabi niya sabay tawa.
Nanlaki naman bigla ang mga mata ko at nahampas ko siya ng wala sa oras.
"Aray ha!"
"Bakit ba kasi pinapaalala mo pa 'yun. Arrghh!" sabi ko at tinalikuran siya sabay lakad palayo. Ayoko muna siyang kausap bakit ba kasi sumulpot siya bigla dito.
"Wait! Wait!" hinawakan niya ako sa braso at inakbayan "Alam mo, ayos nga yung ginawa mo kanina e! Napagselos natin si Cindy. I saw the hurt in her eyes after that."
"Hindi ka galit sa akin or nandidiri dahil sa ginawa ko?!" gulat kong tanong sa kanya habang pilit na tinatanggal yung braso niya sa balikat ko. Pero ayaw niyang alisin! Arggh!
"Nope! Astig nga e! Kaso..."
"Kaso ano?" takang tanong ko sa kanya. "Ay!" nagulat na lang ako ng bigla niya akong isandal sa pader at itukod yung dalawa niyang braso sa gilid ko.
"Kaso... hindi ka marunong humalik. First time mo ba? Di ba nahalikan ka na dati ni Josh? Oh right that was an accident." mahinang sabi niya then he chuckled. Pakiramdam ko biglang uminit yung pisngi ko.
"Bakit hindi ka makasagot?" tanong niya at mas lalong inilapit ang mukha sa akin.
"Lumayo ka nga! Bibigwasan kita kung lumapit ka pa!"
"Talaga?" nakangiti niyang tanong pero bago pa ako makapagsalita ay nahawakan na niya ang dalawang kamay ko.
"Ano ba Jayden! Pinagtritripan mo na naman ba ako? Kasi kung OO, hindi na ako natutuwa!"
"Chill! I just want to teach you something." Nakakaloko pa rin siyang nakangiti sa akin. Gosh! Napakagwapo niya.
Pero hindi Audrey! Huwag kang magpapadala sa charm niya!
"At ano namang ituturo mo aber?
"I'll teach you how to kiss." Sabi niya sabay tingin sa labi ko. Seductive pa yung tono ng boses niya. Grabe! Papatayin na yata ako ni Jayden sa kaba! Napalunok tuloy ako ng wala sa oras.
"Jayden ha! Hindi na nakakatawa 'tong biro mo!"
"Sino ba nagsabi sa 'yo na nagbibiro ako."
Hindi ako kaagad nakasagot. Oh my gosh. Oh my gosh!
"First step, close the distance between the two of you." Naramdaman ko ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Gusto ko siyang upakan, sabunutan at tadyakan pero hindi ko magawa. Para akong naestatwa. Ramdam ko pa ang init ng hininga niya sa mukha ko. Parang nakainom siya ng kaunting alak. "Then... place your lips on your partner gently."
Bago pa ako makabalik sa katinuan ay naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa mismong labi ko. Parang gusto ng lumuwa ng mata ko dahil sa gulat.
Ang init ng labi niya.
Saglit lang iyon at lumayo na ulit siya sa akin. Pero parang nagulantang na ang buong sistema ko.
"You know, its bad na nakikipaghalikan ka ng nakabukas ang mata. Ikaw rin, maduduling ka." He chuckled again.
"Bastos ka! Pakawalan mo na nga ako! Mamaya may makakita pa sa atin dito e!" hindi niya ako pinakinggan at tumawa lang ulit siya.
"Next is the foreplay."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Foreplay?! What the hell was that?"
"This."
Bago pa ako makapagsalita ay mabilis niyang pinakawalan ang isang kamay ko at marahang kinabig ang batok ko. In an istant his lips is on mine again. Gamit ang nakawala kong kamay hinampas ko siya ng hinampas pero parang wala lang sa kanya iyon.
I was shocked when he licked my lower lip and bite it dahilan para mapaawang ng kaunti ang labi ko. Right there his tongue searched for my tongue. Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilang mapaungol ng mahina at hapitin siya sa batok. Kaya naman mas lalo kaming nagkadikit. Gosh! Ano ba 'tong ginagawa ni Jayden!
Namalayan kong pinakawalan naman niya ang isa kong kamay at saka niya ako hinapit sa beywang palapit sa kanya. I can feel our bodies crashing with each other now. I can't imagine na hahantaong kami sa ganitong eksena.
Never kong naimagine na hahalikan ako ni Jayden. He never like me anyway.
Automatic na napapikit ako. Namalayan ko na lang na gumaganti na rin ako sa halik niya. Gusto ko siyang itulak pero bakit ayaw sumunod ng katawan ko. Masyado akong nalulunod sa ginagawa niya. Hindi ko na namalayan na napakapit na pala ang dalawa kong kamay sa batok niya while he continued in kissing me.
Stop Audrey! Stop!
Mabilis ko siyang itinulak palayo sa akin. Gulat siyang nakatingin sa akin habang parehas kaming naghahabol ng hininga.
"Shit! I'm sorry Audrey! I didn't meant to kiss you! I was just planning to tease you but..."
"But what?!" inis kong tanong sa kanya. Hindi ko alam kung kanino ba ako naiinis, sa kanya o sa sarili ko.
"But... but... o nevermind! Let's just forget what happened tonight!"
Ang sakit. Kakalimutan na lang namin 'yon? Hindi ko yata kaya.
"Fine. Nothing happened tonight." Seryosong sabi ko at naglakad papasok ng bar.
"Wait Audrey! I'm sorry okay?! ---" Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.
"Don't come near me within a week or else ipagkakalat ko ang sikreto mo." Naglakad na ulit ako palayo sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya sumunod sa akin.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa balcony ng bar. Doon na ako napa-upo at napaiyak.
Ang tanga-tanga mo naman Audrey e! Bakit ka pumayag na halikan niya?! Pinagtritripan ka lang nun'! Alam mo naman may mahal na siyang iba?!
Bakit ganito kasakit?
Lalo na nung sinabi niya na, kalimutan na lang namin yung nangyari, hindi ako makapaniwala. Aaminin ko, I felt so very overwhelmed about our kiss. I've never kiss anybody else like that. Siya pa lang.
Pero para sa kanya wala lang iyon. He's just trying to tease me. Ako naman si gaga, pinatulan naman. Tapos eto ako, ngangawa-ngawa.
No. No! Hanggang maaga pa dapat iwasan ko na itong nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko pa lang naman siya di ba? Maagapan ko pa 'to.
I shouldn't fall in love with him.
Masasaktan lang ako. May iba na siyang mahal.
![](https://img.wattpad.com/cover/1407292-288-k892014.jpg)
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomanceWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.