AUDREY'S POV"Audrey! Andito na yung sasakyan nila Ma'am Maris at Sir Hank. "sigaw ni Fae mula sa garden habang nakatingin sa papasok na sasakyan ni Ma'am Maris at Sir Hank.
" Andiyan na ko. Wait lang. " sabi ko habang papalapit sa kinaroroonan ni Fae.
" Ma'am! Kamusta po ang business trip ninyo? " excited na tanong ni Fae kay Ma'am Maris nang makababa ito ng sasakyan.
" As usual, ayun nakakapagod. " nakangiting sagot ni Ma'am Maris
" Kumain na po ba kayo, Ma'am? Sir? " tanong ko naman
" Not yet. " sagot ni Sir Hank
" Actually, gusto naming dito na lang kumain sa bahay para naman makasabay naming maglunch si Jayden. " - Ma'am Maris
" Speaking of Jayden, where is he? " - Sir Hank
" Nasa taas po. Natutulog pa. " sagot ko
" What?! It's already twelve thirty pm, pero natutulog pa rin siya?! Kailangan ko na siyang gisingin. Hindi tamang nasasanay siyang ganyan. " medyo inis na sabi ni Ma'am Maris at akmang papasok na siya sa loob ng bahay para gisingin si Jayden pero pinigilan ko siya.
"Ako nalang po ang gigising sa kanya."
" Are you sure hija? " tanong sa akin ni Ma'am Maris
" Opo. Mukha po kasing pagod at gutom na kayong dalawa ni Sir. "
Nag-agree naman si Maam Maris at dali-dali na akong pumasok sa loob ng bahay at pinuntahan ang kwarto ni Jayden.
Pagkarating doon ay kumatok ako sa pinto niya.
" Sir, kakain na po. " sabi ko pero mukhang hindi niya narinig.
" Sir Jayden, nakahanda na po ang pagkain. Gising na. " pero wala pa ring sumasagot mula sa loob ng kwarto.
" Sir Jayden, kakain na po. Nandiyan po ba kayo sa loob? " gising ba siya o ano? Nakakainis na ah. Para akong sirang plaka dito.
"Sir! Gising na! Kakain na poooo! " halos pasigaw ko ng sabi sa labas ng pinto.
Ano ba talaga? Buhay pa ba siya?
Pinihit ko ang seradura ng pinto at nagulat ako nang hindi ito nakalock. Pumasok ako sa loob.
Nakita ko siyang mahimbing na natutulog at todo yakap sa unan niya.
Nilapitan ko siya, pagkatapos ay hinampas ko ng malakas sa braso para magising. Naiinis kasi ako dahil sobrang hirap niyang gisingin ngayon.
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at ihiga sa kama niya kaya natanggal ang suot kong cap.
JAYDEN'S POV
Nagising ako ng maramdaman na may tumamang kamay sa braso ko. Dahil sa gulat ko, mahigpit kong hinawakan yung braso ng tumapik sa akin at inihiga ito sa kama.
Si Tomboy?!
Bakit parang nag-iba ang hitsura niya ngayon?
Ngayon ko lang nakita ang mukha niya ng malapitan at walang suot na cap.
Teka nga. Bakit nga ba siya nandito?!
" At anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko ha? At bakit mo ako hinampas?" inis kong sabi sa kaharap ko.
" Pwede bang umalis ka muna sa pagkakadagan sakin, Sir? Bigat mo po kaya! "
"Sino ba kasing nagsabi sayo na pwede kang pumasok sa kwarto ng may kwarto?!"
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomanceWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.