AUDREY'S POV
"Sir Jayden, saan po ba tayo pupunta? " Kanina pa niya hawak-hawak yung braso ko tapos kanina pa din niya ako kinakaladkad dito sa loob ng main building.
Ang bilis pa niyang maglakad!
" Wag ka na ngang matanong." irita niyang sagot.
Tinatanong ko lang eh, kasungit!
" Pasok. " utos niya nung huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto habang hawak-hawak niya yung seradura nito.
" May balak kang gawing masama?"
" Pwede ba? Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano. Pumasok ka na lang."
" Nasaan ba tayo?" tanong ko nung makapasok na kami sa loob.
" Nasa office ni Dad."
" Ito pala ang office ni Sir Hank. Malinis ah. Hindi marumi at makalat di tulad ng sa iba diyan."
" Pinapatamaan mo ba ko? Umupo ka na nga lang dun." utos niya sabay turo sa swivel chair na nakapwesto sa tapat ng computer.
" Ano po bang gagawin ko dito sa computer? "
"Kainin mo."
Gustong-gusto ko na siyang sabunutan dahil sa sagot niya. Pero pinigil ko pa rin ang sarili ko. I had to remind myself everytime that he is my employer.
" Sumagot ka naman ng matino Sir. Ano ba kasing gagawin natin dito?"
" Tutal ikaw na ang magiging fake girlfriend ko. Kailangan nating gumawa ng contract. "
"Wait girlfriend?! Hindi pa nga ako pumapayag na maging girlfriend mo tapos contract agad?"
" Alam mo ba kung anong mangyayari sayo kapag sinabi ko sa lahat na hindi talaga kita girlfriend?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
Nagtataka ko siyang tiningnan.
" Anak ako ng founder of this school kaya no one in the member of students council ang pwede akong dalhin sa Quarter para pahirapan. Syempre anyone related to me, either a friend or my girlfriend ay hindi din nila pwedeng galawin. Not to mention member din ako ng Eastwood students council." Proud na proud niyang sabi at bahagya pang nakangisi.
" So ang sinasabi mo, kapag nalaman nila na hindi mo ako girlfriend ay papahirapan nila ako sa Quarter? Mapipilitan din akong hindi magsuot ng ganito?" turo ko sa damit na suot ko.
"Yup."
Oh no. Hindi pwede. Kailangan kong magdisguise para walang makakilala sa akin.
Ayoko ring mabalitaan nila Ma'am Maris na napaaway ako sa school. Ayokong madissapoint sila.
" Well I guess wala na akong choice kundi magpanggap na girlfriend mo. Pero gaano ba katagal?"
"Five months." deklara niya.
" Five months?! Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" sagot naman niya.
"Pero ang tagal noon Sir Jayden?"
"Eh ano kung matagal? It will benefit the both of us."
"Three months." tutol ko naman.
" Five months and that's final."
May pa-final-final pa siyang nalalaman! Pauso niya oh.
"Three months nga."
" Sige! Four and a half months!"
![](https://img.wattpad.com/cover/1407292-288-k892014.jpg)
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
Storie d'amoreWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.