Chapter 23

281 13 0
                                    

Chapter 23

JAYDEN’S POV

“Bakit pa kasi kailangan nating magpunta sa park at makipag-usap kila Josh?” tanong ni Tomboy habang nakaupo sa passenger seat ng kotse ko.

Papunta kami ngayon sa park.

“Pang-ilang beses mo na bang tinanong ‘yan? Ha?” inis na sabi ko.

“Pang-ilang beses mo na din bang hindi sinasagot ang tanong ko?” mataray niyang sagot.

Inihagis ko sa kanya ang isang kahon.

“Ay ano ba-- Wow! Pocky! Favorite ko ‘to!” excited na sabi naman niya.

Tss. Kung titingnan mo parang siga sa kanto pero simpleng chocolate lang tuwang-tuwa na.

Tiningnan ko siya sa rear mirror at nakita ko siyang kumakain.

Salamat naman at tumahimik na siya.

Naalala ko yung pag-uusap namin. Sa totoo lang kinakabahan ako kanina, noong tinanong ko kung kamusta ba siya sa naging aksidenteng kiss nila ni Josh.

That kiss bothers me a lot. I don’t exactly know why.

Kaya nagpanggap na lang ako na pinagtatawanan siya. Kunyari iniisip ko na masyado siyang makaluma para pahalagahan niya ang first kiss.

Naiinis din ako sa sarili ko. Bakit ba masyado kong iniisip ang first kiss niya? Eh ano kung ako ‘yon? Bakit  masyado akong nabobother?! Bakit masyado akong affected?! Putcha!

“Tomboy.”

“Hmm?” tugon niya habang busy sa pagkagat ng isang stick ng pockey.

“P-paano kung…”

Hindi ko yata kayang itanong sa kanya.

“Ano?”

“Paano kung hindi si Josh iyong first kiss mo?”

“Anong klaseng tanong ba ‘yan? Haha”

“Sagutin mo na lang!” inis kong sigaw sa kanya.

Naglakas na nga ako ng loob na magtanong sa kanya tapos tatawa lang siya.

She snorted.

“Depende.” Maikli niyang tugon.

“Anong depende?”

“Depende siyempre kung  sino yung humalik. Kung taong gusto ko, okay lang. Pero kung hindi, siyempre manghihinayang ako. Magsisisi.”
Hindi agad ako nagsalita.

Silence.

“Paano kung ako yung humalik sayo?” diretso kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ‘yong lakas ng loob na itanong sa kanya ang ganoong bagay.
Hindi siya sumagot agad.

“HAHAHA!”

Napigil ko ang hininga ko.

Pinagtawanan niya ako? Seryoso ‘yong tanong ko!

Hindi ako makapaniwala.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang sandalan ng upuan ko at inilapit ang mukha niya sa akin para titigan ako.

“Ba’t namumula iyang mukha mo?” nakangisi niyang tanong.

“Ano ba! Lumayo ka nga!” inis kong sabi sa kanya.

“Haha! Nakakatawa ‘yong tanong mo kanina.

"Grabe!” sabi niya pero hindi pa rin siya lumalayo sa akin.

My Slave Is A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon