Chapter 17
"Tara, baba na tayo." Sabi ni Josh habang pinapatay ang makina ng sasakyan. Sumunod na rin akong bumaba sa kanya.
"Bakit sa park? Akala ko ba kakain tayo?"
"Ah kasi may malapit na food court dito. Ayun oh!" tinuro niya yung magkakalapit na stall ng kung anu-anong pagkain na nasa di kalayuan at saka lumapit sa isang food cart.
"Kuya pahingi nga pong plastic cup, yung lagayan nitong fishball. Dalawa po." Mahinahong sabi ni Josh habang kumukuha ng stick.
"Teka, alam mo yung fishball? Kumakain ka niyan?"
Nakita kong nangunot yung noo niya na parang nagtataka pagkatapos ay humagalpak siya ng tawa.
"A-anong nakakatawa?"
"You." Sabi niya ng bahagya pa ring natatawa at inabutan ako ng plastic cup na tinanggap ko naman.
"Me? Bakit aber?"
"Yung tanong mo naman kasi, masyadong pang-out of this world. Natural, kumakain ako ng fishball. What makes you think na hindi?" sabi niya habang tumutusok ng fishball kaya nakigaya na rin ako.
"May nababasa kasi akong story online tapos yung mayayaman, hindi nila alam yung fishball, kwek-kwek, isaw ek ek na yan."
"Di rin siguro. Kung Pilipinong laking ibang bansa, pwedeng di nila alam yung fishball. Pero kung mayaman na dito lumaki? Di alam yung streetfoods? Impossible. Sa mga kanto nga lang paglabas ng subdivision may mga nagbebenta na agad ng mga ganito eh."
"Kungsabagay may point ka."
"Tsaka ang sarap kaya." Sabi niya at nilagyan yung cup ko ng kikiam.
"Uy thanks."
"Welcome." Sabi niya at nginitian ako. And sa smile na iyon, medyo naging kamukha niya ang pinsan niyang si Jayden.
Biglang nagflashback sa isip ko yung first time na nginitian ako ni Jayden. Noong time na pinalilibutan siya ng mga school mate naming babae na gusto siyang picturan habang natutulog.
I easily throw my thoughts away. Bakit ba bigla ko na lang naiisip iyon. Kaloka.
After naming kumain ng fishball at kung anu-ano pa, lumipat naman kami sa mga kalapit na stall para bumili ng kung anong meron. May nagtitinda ng burger na tig-20 pesos, ice candy na may yogurt, ice cream na gawa sa carabao's milk, penoy at kung anu-ano pa. Nang mabusog ay umupo kami sa isang bench sa may park.
"Sa lahat ng nakilala kong babae, ikaw lang yata ang sumama sa akin na game sa lahat ng street foods." Sabi ni Josh habang nakatingin sa mga batang nasa swing.
"Ha? Eh ano kasi masarap naman di ba? Tsaka syempre, libre."
Nakita kong natawa siya. Di ko naman masisisi si Josh, sa mundong ginagalawan niya na karamihan sa mga babaeng nakakahalubilo ay puro sophisticated , siguradong bihira ang babaeng makikilala niya na makikipaggitgitan at makikipagtulakan para lang bumili ng fishball.
"Tsaka kasi Josh, alam mo, may iba ding mga babae diyan na katulad ko na mahilig sa mga ganyang pagkain. Katulad ng kaibigan kong si Fae. Siguro, hindi ka lang nakakaencouter pa ng iba kasi you know, Hogwarts ka nag-aaral."
"Siguro nga. Kaya ka siguro nagustuhan ni Ice. Cause you are different kumpara sa mga babaeng usual naming nakakasalamuha."
"Ha e-eh. Ewan." Nag-iwas ako ng tingin. Ayoko ng magsinungaling at gumawa pa ng kung-anu-anong kwento. Kinakain na ako ng kunsensiya ko. And sa totoo lang wala naman akong nakikitang iba sa sarili ko, nagkataon lang siguro na hindi pa sila nakakaencounter ng iba pang klase ng babae na hindi sophisticated.
BINABASA MO ANG
My Slave Is A Billionaire
RomanceWho's a crazy person that is willing to trade herself from being a billionaire into becoming a slave? I know one. It's me. Hi I'm Audrey Vanessa Estaves and this is my story. A teenage girl who's seeking for her freedom and ends up being a slave.